Minsan, Dumating Ka sa Buhay Ko

image of tulip flowers, borrowed from t3.gstatic.com

Simbulo ng pagsintang walang pag-asa /dcjay.typepad.com

 

Hindi sinasadya, hindi ko pinaghandaan, minsan ay dumating ka sa buhay ko. At ako naman sa iyo ay gayon din. Hindi ko mawari at ayaw ko na ring pakaisipin kung bakit. Pero, bahagya, natatandaan ko pa kung paano…

 

Ako noo’y may inaalaala at ikaw nama’y tila naiinip. Magulo at matao ang ating paligid. Sa gitna ng kaguluhan, nagtama ang ating mga paningin at ngumiti ang ating mga mata. Wala tayong gustong ipahiwatig, pero tila baga sa sandaling iyon, tayo ay nagkaintindihan. Magkaminsan pala, may maganda ring anggulo sa isang magulong tanawin.

Nang maghawan na ang lahat, lumapit ka at nag-usap tayong parang dating magkakilala. Asiwa at atubili pa sa umpisa, pero nagkapalagayan rin agad ng loob. Nagkwentuhan tayo, nagsabihan ng mga ayaw at gusto. Nagbanggit ng ilang personal na impormasyon. Inalala ang mga bagay na hilig at ginagawa natin – noong tayo ay mga bata pa.

 

Nagtawanan tayong parang walang pakialam sa sasabihin ng makakarinig. Nagpalitan tayo ng kuru-kuro sa ilang pangyayaring malalayo sa atin at malalapit. Sa gitna ng ating pag-uusap, isang beses mong dinanggil ang aking siko at isang beses, hinawakan mo ang aking balikat. Dalawang beses naman kitang natapik. Sinadya ba natin iyon o nadala lang tayo sa saya ng ating kwentuhan?

Aaminin ko, may mga nasabi ka noong hindi ko nagustuhan kaya saglit akong nanahimik. Subalit, ikaw rin naman. Nakita kong kumunot ng ilang beses ang iyong noo at kagyat mong pinalitan ang paksa. Bumalik tayo sa masayang usapan – mga gasgas na patawa, mga lumang pelikula at mga kakulitan ng kaibigan at pamilya. Pwede palang gumaan ang pakiramdam sa pakikipag-usap sa isang bagong kakilala?

 

Ngunit, bigla kang nagpaalam at ako ay naiwang nakatigalgal. O, di naman kaya,  may dumating kang kabarkada at sinabi kong sige lang, marami pa namang pagkakataon. O, sadyang dumating ang puntong kailangan na nating magpaalam? Ngumiti ka sa akin at nakipagkamay, saka lumakad papalayo. Habang patalikod ka na, nag-nguyngoy ako ng isang magalang na pahimakas, nagsasabing nagagalak ako at nagkausap tayo.

 

Hindi ko matandaan kung paano natapos ang lahat.

 

Pero, nababalikan ko lagi ang umpisa, ang gitna at hanggang sa halos dulo. Natatandaan kong ang mga oras na iyon ay masaya. Na ibinahagi natin sa isa’t isa ang mga sarili ng walang alalahanin at pagtutumpik-tumpik. Na may mga sinabi tayo sa isa’t isang hindi pa natin nasasabi kahit kanino.

 

Kakaiba ang mga sandaling iyon, lalo’t higit ay kapwa nating alam na wala na iyong kasunod at hindi na muli pang mauulit.

 

image of a geek's hopeless love, borrowed from t2.gstatic.com

Hanggang pasimpleng bulalas na lamang /rukikenishiro.com

 

29 responses to this post.

  1. Ngayon lang uli ako bumisita dito… at muntik pa akong maiyak. =(

    Tugon

  2. hello, salbehe. ‘langya ka pa ring mang-asar…🙂

    sinubukan ko lang maging cheesy. uso pala ‘yon sa wordpress, whehe…

    Tugon

  3. instead na malulungkot ako, tatawa nalang ako..hahahaha

    hmmm, ang totoo may ginawa ako dating tula na parang halos ganito ang thought, pero after mabasa ng isa kung kaibigan, nag promise ako sa sarili ko na di ko na talaga ito ipapabasa sa iba… ang title nun ay saranggola sa paningin…

    Tugon

  4. ha,ha, ha… ani, tawa ako ng tawa pagkagawa ko nito. sobrang bilis ko lang ginawa, paningit ‘to bago ang susunod – seryosong topic.

    impluwensyado ito ng blog mo, ni kat, ni singkamas at iba pang WP bloggers, na medyo sinilip ko archives. huwag po sana kayong magagalit.🙂 senior citizen po, nakiki-cheesy… ^^

    pag may time ka, email mo sa ‘kin ang saranggola sa paningin, ha… hindi ako tatawa, pramis. thanks for dropping by.🙂

    Tugon

  5. hehehe. hindi ka naman emo eh. (ayan, kampi na talaga tayo. :-D)

    uhm, minsan talaga, merong dadating na pagkakataon, hindi na pwedeng ulitin, tapos hindi mo nakuhanan ng larawan. pero naalala mo, pati pitik ng mga daliri, hampas ng kamay. nonsense na naman sinasabi ko.

    pero sayang, sana kinuha mo number niya, tapos text text kayo.🙂

    Tugon

    • pahabol: hindi non-sense ang mga sinabi mo.

      di ba tinalakay ‘yon ni kat sa post nyang Snapshot na sa pagkaalam ko, may overwhelming response sa populace ng wordpress, hehe… 🙂

      Tugon

      • hmn, totoo, nasisira nga mga drama dahil sa technology. minsan, iisipin mo, bakit sila naghahabulan? bakit hindi na lang sila magtext? o kaya, mag-message sa fb. hehe.🙂

  6. haha… ala pa, kung may number at text-text, walang kwento, diba…

    isipin na lang natin, ibabalik sya in another serendepity setting, hehe…

    tama napagsumbungan ko, may pala na ‘ko. thanks, manang… dami salamat.🙂

    Tugon

    • walang reply button sa sagot mo so, dito na lang –

      di kaya thru technology kaya nagkahabulan in the first place? baka nadiskubreng may ka-text na iba? o, kaya, merong ibang laging mini-message sa facebook? di kaya?🙂

      di ba habulan na talaga kasunod, errr, solusyon do’n? hehe, just a thought…

      Tugon

  7. Why are you so emo?

    Tugon

  8. hi, neutral universe.

    hindi ako emo. i vehemently deny that charge. hindi pa naiyak si salbe, muntik pa lang. :]

    he, he.. pls refer to my comment-reply to aninipot above. nanggagaya lang ako sa post na ‘to.

    many thanks for reading. sinilip ko na site mo. ganda ng kulay. :]

    Tugon

  9. yang mga ganyang kwento, malapit sa puso ko. baka dahil talagang tumatanda na ako at lagi nang kalaro ang mga ala-ala.hahaha!!!(aminado)

    ganun nga siguro talaga. ang daming kong araw na kagaya ngayon na gusto kong ipagpalit kahit sa kahapon pero hindi nga lang talaga pu pwede. sa kabilang banda, ma swerte ako o marahil ikaw din, dahil may lalagyan tayo ng ala-alang hindi pinapakupas ng panahon.

    Tugon

  10. heh, pag tumatanda ang tao, maraming kalokohan at kakornihang naaalala.

    hababa, marami-rami rin ang mga romantic novels na napaspasan ko, mga telenobelang nilait-lait ko pero pinanood, ha? pag di ba naman dumami ang laman ng imbakan ko ng mushy stuff, ewan ko na…

    sinubukan ko lang. medyo bumenta naman, hi, hi… :]

    bukas, balik seryoso na uli. salamat sa pagdaan, duking.

    Tugon

  11. Sorry for “charging” you. It was just the impression on me. All the same, it was nice to read something like this. I am looking forward to learning more of your insights. Have a good night.🙂

    Tugon

    • hey, neutral universe, biro lang ‘yon. :]

      guilty as charged, he, he.. . maski tingnan mo pa ang tags sa itaas. lalagyan ko nga rin sana ng 100% mushy na tag, e.

      seryoso or technical usually ang posts ko kaya nag-break muna. break.

      bukas, seryoso na uli. tulog ka rin nang mahimbing. salamat sa pagbalik.🙂

      Tugon

  12. […] Minsan, Dumating Ka sa Buhay Ko […]

    Tugon

  13. […] Minsan, Dumating Ka sa Buhay Ko […]

    Tugon

  14. […] Minsan, Dumating Ka sa Buhay Ko – di-inaasahang pagsinta […]

    Tugon

  15. […] Ang Minsan, Dumating Ka sa Buhay Ko ang una kong pagtatangkang magsulat ng post ukol sa pag-ibig. Galing sa classic plot ng romance ang […]

    Tugon

  16. […] gamay kong anyo ng panulat. Ang unang love post sa DPSA ay fiction essay – experimental – ang Minsan, dumating ka sa buhay ko. Nag-backread ako noon sa sites ng tatlong ka-blogs at naisip ko, magsulat din ng kahawig. […]

    Tugon

  17. […] Minsan, Dumating Ka sa Buhay Ko – dramatic ang title, naman… […]

    Tugon

  18. “I love chance encounters. They give a spark that even the brightest star couldn’t compare. Some just end after conversations, some end after sensual immersions. No matter how they were spent they still linger for like forever. Memories that are worth reminiscing although they abruptly ended. Memories that never cease to emerge from the brain’s supposed to be recycle bin.”

    Nakita mo nang ginawa ng post mo? Nakakahawa ang kakesohan mo.😀

    Tugon

  19. Hala! As in, ang lungkot naman nito. At pinansin ko ang bulaklak mong simbulo ng pagsintang walang pag-asa.

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: