Ano ang Pagkakaiba ng Avenue sa Boulevard?

image of Cours Mirabeau in Aix-en-Provence, borrowed from skyscrapercity.com

Mga punong nagbibigay-hugis at buhay sa lugar /skyscrapercity.com

Ano ang pagkakaiba ng avenue sa boulevard? Itinanong iyan sa aming magkaka-klase ng teacher namin sa Public Speaking noong high school. Siyempre pa, wala sa aming nakasagot.

 

Ang mga hula-hula namin ay umikot sa sagot na pareho silang malalapad na kalye. Nagbigay si titser ng clue: ang pagkakaiba raw ay nasa posisyon ng mga puno. Tinginan naman kami lahat sa isa’t isa. E, sa lungsod na kinaroroonan ng eskwelahan namin, walang boulevard at dadalawa lang ang avenues. At, hindi namin napapansin ang mga puno roon. Ang inaabangan naming madalas e, kung may bagong building o establisyementong itinayo sa mga kalsadang iyon.

 

Kaya ‘yon, sirit na kami. Ang sabi ng titser namin, ang mga puno raw sa boulevard ay nasa magkabilang bahagi nito. Kumbaga, binabakuran ng mga puno ang kalye.  Samantalang, sabi nya, ang mga puno sa avenue ay nakatanim sa gitna ng mismong daan. Kumbaga, hinahati ng mga puno ang kanan at kaliwang lanes. Aaah, sabi namin. Akala mo nama’y totoo naming naintindihan.

 

Noong panahong iyon, mangilan-ngilang beses pa lang kaming magkaka-klaseng nakatuntong sa Maynila. Ang ideya pa lang namin ng avenue ay ang EDSA, ang kalyeng mahaba at malapad mula Monumento hanggang Baclaran. Ang konsepto naman namin ng boulevard ay ang Dewey Boulevard na naging Roxas Boulevard katagalan.

 

image of Roxas Boulevard in 1968. borrowed from photos-g.ak.fbcdn.net

Malinis pa noon ang lungsod ng Maynila at marami pang puno /skyscrapercity.com

 

Hindi namin maaalaala kung may nakikita ba kaming puno sa gitna ng EDSA pag kami’y lumuluwas. Parang wala. Ang natatandaan namin, may island sa gitna ng kalyeng ‘yon. Samantalang, oo, may mga puno nga ng niyog sa gilid ng Dewey Boulevard. Akalain mo nga naman, may silbi pala ‘yong mga puno? Akala namin ay pampaganda lang talaga sila ng view sa kalsada.

 

Kaya, ayon, banung-bano kami sa impormasyong ibinahagi sa amin ni Sir. Sabi pa nya, American legacy raw sa Pilipinas ang pagkakaroon ng avenues at boulevards dito sa atin. Naaliw naman kaming lahat – parang mas maganda nga ang tunog ng mga salitang iyon kaysa sa nakalakihan naming footpaths, municipal roads at provincial roads.

 

Gusto pa sana namin siyang kulitin kung bakit wala naman yatang puno sa gitna ng EDSA pero nahiya na kami. Siya kasi ang titser namin noong may 100,000 mahigit na vocabulary, di pa namin naririnig magkamali ng Ingles at hindi rin nagugulo ang kanyang buhok. Related ba? Bale, urbanite si Sir at rural folks naman kaming mga disipulo nya.

 

image of EDSA, borrowed from t2.gstatic.com

Nasa gilid ang mga puno sa EDSA /skyscrapercity.com

 

Nang mag-college na ako sa Maynila, bitbit ko pa itong turo ni Sir. Tinitingnan kong maigi ang mga nadaraanan kong avenue at boulevard. Ang mga na-engkwentro ko, so far:

 

AVENUES AT BOULEVARDS SA KAMAYNILAAN:

 

Quezon Avenue sa may Quiapo – may island sa gitna, minsan ay may tanim na shrubs, minsan wala.

 

Recto Avenue sa Maynila – may island na laging may pintang Ibagsak at madalas tinatalunan ng mga tao. Hindi ko matandaan kung nagkakatanim ito.

 

image of Recto Avenue in the city of Manila, borrowed from t1.gstatic.com

Bibihirang magkatanim sa island nito /senorenrique.blogspot.com

 

Ramon Magsaysay Boulevard sa Sta. Mesa – may island sa gitna pero may ilang parte ring may puno sa magkabilang gilid.

 

Aurora Boulevard sa San Juanmay island sa gitna na bihirang magkatanim. May ilang puno sa magkabilang gilid, sa may bandang St. Paul at Broadway.

 

image of Aurora Boulevard, borrowed from t3.gstatic.com

May mga panahong walang tanim sa island /skyscrapercity.com

 

Balete Drive sa Quezon Citydrive ang tawag dito pero ang bahagi nitong nasa New Manila ang isang magandang halimbawa ng boulevard.

 

Quezon Avenue sa Quezon City – may island sa gitna, may tanim na shrubs dati pero pinalitan na ng ornamentals.

 

Kalayaan Avenue sa Quezon City – may mga puno sa magkabilang gilid ang bukana nito galing Q.C. Hall,  parang boulevard.  Pero, sa sa banda roon, may island na lang sa gitnang may tanim na ilang puno at ornamentals.

 

image of Kalayaan Avenue, Q.C. , borrowed from t3.gstatic.com

Mapuno rin sa may bandang Q.C. hall /motorcyclephilippines.com

 

University Avenue sa U.P. – may sangkaterbang hilera ng puno sa magkabilang gilid. Perpektong halimbawa ng boulevard. Pwedeng pang-kumpetensya sa Taiwanobela at Koreanobelang may eksenang nagba-bike ang bida.

 

image of University Avenue in the UP Campus, borrowed from t2.gstatic.com

Ipini-frame ng mga puno ang dumaraan /gogirlcafe.jennyo.net

 

Katipunan Avenue sa Quezon City – may island sa gitnang may tanim na maliliit na puno at shrubs. May mga puno rin sa magkabilang gilid ng kalsada pero nabawasan na nitong mga huling taon.

 

image of Katipunan Avenue, borrowed from t3.gstatic.com

Pagkaraming puno sa kalsadang ito noong araw /viajes.com

 

Ortigas Avenue sa San Juan – may island sa gitna, may tanim na ornamentals at vines.

 

Shaw Boulevard sa Mandaluyong – mangilan-ngilan na lang ang puno sa mga gilid ng kalsada. May mga parte ng boulevard na may island sa gitnang may tanim na ornamentals.

 

image of Shaw Boulevard, borrowed from t2.gstatic.com

Mahaba-haba rin ang parte nitong walang puno /philippinecommercialproperties.com

image of the Shaw Blvd. and EDSA intersection, borrowed from t1.gstatic.com

May ornamentals at baging na tanim sa island /article.wn.com

 

 

 

 

 

 

 

 

Julia Vargas Avenue sa Pasig – may island rin sa gitna, vines din ang madalas nakatanim.

 

Kalayaan Avenue sa Makati – may mga parteng may mga puno sa gilid at may parteng may island lang sa gitna.

 

Makati Avenue sa Makati – may island sa gitnang may tanim na shrubs pero sa ilang bahagi ay mga puno ang tanim. May mga puno sa gilid sa ilang parte nito pero nabawasan na rin nang husto over the years. Tinaniman na lang ng ornamentals sa magkabilang gilid.

 

Gil Puyat Avenue o Buendia sa Makati – mga puno pa rin talaga ang nakatanim sa islands sa gitna nito. May mga bahagi ang kalsadang may puno pa rin sa gilid, sa harap ng buildings.

 

Ayala Avenue sa Makatimay island sa gitnang may tanim na mga puno, karamihan ay palm trees, at may shrubs at ornamentals sa pagitan nila. May mga bahagi ng avenue na may tanim pa ring puno sa gilid.

 

image of the Ayala Avenue, borrowed from t1.gstatic.com

Tree-lined avenue of the country's central business hub /citynoise.org

 

Marami pang ibang avenues at boulevard sa sentrong lunsod, kayo na lamang ang magdagdag.

 

Sa mahigit dalawampong taon kong paglalagalag sa Kalakhang Maynila napansin kong pinakamaraming puno sa bandang Quezon City. May mga paliwanag raw ‘yon, sabi ng builders and policy-makers.

 

Sa isang banda, naiisip ko, kung sa probinsya ay sagana sa mga puno, sa lungsod ay parang luho ang pagkakaroon nito. Kung papansinin mo kasing maigi, sa Kamaynilaa’y tanging mga kalsada yata ng mayayaman ang natataniman at napapanatili pa ang mga puno.

 

Mahalaga ang puno sa nayon man o sa lungsod. Hindi ba sabi nga, lifeline ng mga hayop at tao ang mga puno? Mahirap man o mayamang tao ay nangangailangan ng sariwang hangin, proteksyon sa baha at kahali-halinang tanawin, mga kapakinabangang dala sa atin ng mga puno. Pero di tayo tumitigil sa pagpuputol at pagkakalbo sa ating habitat.

 

Sadya bang  ang pagpupundar at pag-unlad ng tao ay hiwalay at laban sa kalikasan?

 

Please see:

http://answers.yahoo.com/questio/index?qid=20070712023951AA02FxC

http://www.straightdope.com/columns/read/1319/whats-the-difference-between-a-street-a-road-an-avenue-a-boulevard-etc

Giono, Jean,  The Man Who Planted Trees (1985), Chelsea Green Publishing Company, Vermont.

http://en.wikipedia.org/wiki/The_Man_Who_Planted_Trees

 

10 responses to this post.

  1. laking probinsya ako kaya kahit saan may nakikita akong puno, mas lalo na nung mag-college, kumuha pa ng kursong forestry kung di makakapunta ng gubat.

    pero informative ngayon ko lang nalaman ang difference ng dalawang pangalan. so ibig sabihin malaki ang ang pagkakatawag ng kalsada kung saan malapit akong nakatira, avenue pero wala namang center island at lalong walang mga puno halos sa paligid ng kalsada, puro establishments na.

    Tugon

  2. hi, ani. salamat sa pagdaan muli…

    sa europe nag-umpisa ang lahat ng designs ng kalsada.’yong aristocrats doon ay concerned na magaganda ang lakaran at driving lanes nila kaya pagawa sila ng boulevards. also, promenades – lakarang may trellis na may vines-vines pa. at, saka, boardwalks, ‘yong lakaran sa may tabing dagat – yong nakikita natin sa period films, he, he… over the centuries, na-retain nila ito sa kanilang architecture at city planning.

    hindi istriktong may island dapat sa avenues. originally, equivalent sa isang lane ang gitnang may tanim na mga puno. adjustment na lang yata dito sa atin ang paglalagay ng islands dahil makikipot ang kalsada’t nagtitipid mamili ng lupa for road widening ang mga namamahala. tapos, shrubs na lang ang inilalagay – mala-puno?:s madalas nga, ornamentals na lang, hi,hi…

    ang avenue talaga ay either leading to a building or may buildings sa tabi. pero may puno dapat. kung tutuusin, it somehow boils down to the question of livable cities. pero, hindi ganoon ang consideration ng mas maraming builders sa atin, e…

    pag binuksan mo ang first two links sa taas, andoon ang paliwanag sa mga ‘yan – streets, roads, lanes, courts, highways, avenues and boulevards.

    ‘yong sabi ng environmentalists, the city of manila is one example of a city that is ecologically dead. medyo sad… :s

    Tugon

  3. ito pala ang blogsite mo. sana marami pang magawi dito. ako ay magiging madalas dahil sa baha ng impormasyong naririto at pagtalakay sa mga importanteng bagay at kulturang nalilimutan natin unti-unti sa ngalan ng pag-unlad.

    salamat sa pagdaan sa bahay ko. inadd kita sa blogroll, igan. magandang araw!

    Tugon

  4. hi. duking. welcome to the nth level ka dito sa amin.

    ang saya, nakarating ka na rin banda rine. aliw akong andito na ang napakaganda mong sapatos.🙂

    pagbalik mo, kung sakali, ikot-ikot ka lang. basahin mo yong post na Banda Roon. feeling ko, isa ka sa makakaintindi no’n. alam ko, native tagalog ka rin, hihi..

    salamat sa paglagay mo sa ‘kin sa blogroll. ansaya talaga…🙂

    Tugon

    • well deserve, dapat mapansin ang ganda ng mga binabahagi mo. kung meron ka sanang sidebar icon, isasama kita dun sa ‘tambayan ng makabayan’ area.

      siya, sipatin ko rin yung tinuro mong paskil.

      Tugon

      • salamat, duking. hwag mong ipagsasabi, ha – di ko pa alam kung ano ‘yong sidebar icon. :s binasa ko naman ang tungkol sa wordpress features pero, parang walang pumasok sa kukote ko, hi,hi…

        sidebar ng salad at sidebar ng inumin pa lang ang alam ko, he,he…

        sige na nga, babasahin ko uli ang WP features. hiya ako sa ‘yo.🙂

  5. wow as in wow sa pag-aanalisa mo sa paksang ito!

    agree ako sa yo na sa quezon city may pinakamaraming puno, na ayon rin sa aking sariling palagay.

    araw-araw binabagtas ko ang commonwealth ave. hanggang Edsa Mandaluyong at masasabi ko na kapag umiikot na ang Bus sa Circle at pumasok na Philcoa, masarap na ang simoy ng hangin lalo na sa gabi.

    ang siste lang, parang ang hirap na rin alamin ng bagay na yan lalo na kung madalas ang pagtabas ng puno sa kalakhang maynila.

    Tugon

  6. hey, salamat sa pagkaligaw ng cute mong gravatar dito sa ‘min. thanks for reading.

    noong nasa college, twice kaming gumawa ng paper about QC communities. through interviews with officials and community residents, nalaman naming QC is the only city in MM na built with a plan. nakita namin ang blueprints, he, he…dagdag pa, personal advocacy raw ni Pres. Quezon na gawin itong mapuno, hawig sa bayan ng Baler na kanyang pinagmulan. Na-confirm namin ‘to sa kanyang relatives when we [mga kaopisina] went there last 2005 o 2006. ayon…

    tungkol sa city na mapuno at livable, baka you’d like to read this –
    http://www.pps.org/articles/jjacobs-2/

    na-enkwentro ko si Jane Jacobs thru literature. later ko na nalaman ang kakaiba but sensible nyang ideas about building cities.

    ha, ha… ang haba ng reply ko. salamat uli.

    Tugon

  7. in fairness pala sa qc ha? thanks sa info.

    at mabuti na lang naging advocacy ni quezon na maging mapuno ang aming lungsod. pero yong marikina ba, di ba halos mapuno rin? siguro talagang (feeling ko) mababa lang ang kanilang lugar.

    Tugon

  8. you’re welcome po.

    ang sobrang maganda pang probinsyang napuntahan ko ay ang Aurora province nga ni Pres. Quezon. diversified pa ang flora at fauna do’n, sinadya raw iyon para ilayo sa intrusion ng makabagong pag-unlad.

    ang marikina, sa pagkaalam ko, may series ng (earthquake) faults, alanganin daw tirahan. pero, mapuno, true, lalo na sa may likod ng ateneo at yong area pagkalampas ng payatas, galing sa batasan (parang baguio do’n, may fog sa umaga).

    mapuno rin sa may loyola, yaong parte ng celebrity sports plaza… btw, ang last standing rainforest sa QC dati, ang kinatatayuan ng technohub ngayon. magubat na magubat pa ‘yon dati, lalo na ang likod ng ‘itlog.’ yon ang tawag namin dati sa oval structure do’n. ha,ha. ayon… 🙂

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: