Ba’t Mo Naman Napagdiskitahang Mag-blog?

image of a thinking man

Philosophers at pilosopo, nangangahas magsalita sa madla/ t1.gstatic.com

 

Ito ang napurbitso kong mga sagot sa makulit at nakakainis na tanong, dala ng kasisilip ko sa About page ng blogs ng may blog. Inihilera ko lang, wala talagang pagkakasunud-sunod:


  • Wala lang. Ows?…

 

  • Eh, sa wala akong magawa. Gano’n?

 

  • Naiinip ako at naghahanap ng damay. Hindi bawal ‘yan.

 

  • Sa gusto ko, may paki ka? Sabi ko rin nga…

 

  • May gusto akong sabihin, di ko pa nga lang alam kung ano. Hala!

 

  • Isa sa mga nakaligtaan kong talents ang pagsusulat. Naks!

 

  • Gusto kong ipakitang may sense rin ako paminsan-minsan. Hindi ko na huhulaan ang keyword…

 

  • Basta, isusulat ko rito ang gusto ko. Go!

 

  • Bakit, productive din naman ang magsulat ng mga karanasan, ah? Naman.

 

  • Marami akong pwedeng i-share…Talaga lang.

 

  • Para di natin malimutan ang ibang bagay na mahahalaga rin. Tulad ng…?

 

  • Pwede ako ritong sumigaw ng walang nakakarinig. Ayos sa trip…

 

  • Multiple personality ako. Dito ko bibigyang-laya ang iba-ibang bersyon ng ako. Good luck naman…

 

  • Gagawin kong malikot at makulay ang mundo ko rito. Sabagay…

 

  • Alam naman ng mga kakilala kong madaldal akong tao. Underscoring, bale…

 

  • Tahimik talaga ako sa totoong buhay. Asus, ‘yon naman pala…

 

  • Masaya kaya? Sino? Ang alin?

 

  • Hindi na pinag-uusapan ‘yan. Write ka lang ng write. Siyanga naman…

 

image of possible blogging topics, borrowed from t0.gstatic.com

Sino ang magsasabi kung alin ang dapat i-blog at ang hindi? /nonformality.org

 

Bato-bato sa langit, tamaa’y huwag magagalit…🙂

 

Maligayang Pasko, mga ka-blog!


14 responses to this post.

  1. hahahaha parang ako yung walang magawa ah…😆 happy new year ka-blog!

    Tugon

  2. thanks for dropping by, joyo. hope you’re enjoying your vacation…

    btw, ikaw ‘tong walang magawa na ang husay magsulat, peksman.

    happy, happy new year.😀

    Tugon

  3. natawa ako dito… pinaghalong mga dahilan nila ang dahilan ko sa pagbablog.

    Tugon

  4. hi. salamat sa pagdaan, aninipot.

    wala ‘atang isang dahilan lang ba’t ang isang tao’y nagba-blog… :s

    pero, minsan nakakainis pag tinatanong, ano? ang sagot ko minsan ay basta, siyempre…😀

    Tugon

  5. […] Ba’t Mo Naman Napagdiskitahang Mag-blog? […]

    Tugon

  6. Nice answer:
    Multiple personality ako. Dito ko bibigyang-laya ang iba-ibang bersyon ng ako.

    Tugon

  7. Nagustuhan mo, lol😀 Kanya-kanyang pa-ek-ek, haha.😉

    Tugon

  8. […] Ba’t Mo Naman Napagdiskitahang Mag-blog? […]

    Tugon

  9. […] Ba’t Mo Naman Napagdiskitahang Mag-blog? […]

    Tugon

  10. […] iba pa ay mas magagaan – ang Ba’t Mo Naman Napagdiskitahang Mag-blog? ay humor piece na nagtangkang kalapin at ihanay ang iba’t ibang nakasulat sa About Page ng […]

    Tugon

  11. diga’t nais ko lang magpasikil (ay mali, magpaskil pala).

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: