Huling Araw ng Pasok

 

Last day sa opisina, ganito ang scenario – andaming late. Mas marami ang absent, ginamit ang leave. Marami rin ang pumasok lang, pero lalabas rin naman maya-maya…

 

image of a christmas tree in the office, borrowed from t2.gstatic.com

Sa hallway, may nagpapaalaala /sabrina.sg

Individually and as a group, na-realize na ang dami pa palang di tapos na trabaho. Kung kelan pa naman magtatapos na ang taon… Pero, dating tugtugin na ‘to. Saka, mahirap nang magsisihan, magpa-pasko pa naman. So, ayon, mabait lahat sa isa’t isa. Kanya-kanyang binubutingting, kanya-kanyang inaasikaso.

May mga pumasok na dala-dala ang anak. Yong iba, dalawa o tatlong anak. May nagpi-PSP. May nag-i-inspeksyon ng flower vase. ‘Yong isa, ibinabato ang stapler. Bihis na bihis ang mga bata. Malalakas pa ang mga baterya.

 

Medyo nakakainis kasi, may dumarating pang mga tawag sa telepono. Last minute follow-ups, nakikiusap. Baka raw naman pwedeng bago mag-pasko… Pero hindi ka pa nagtataray, nakukulitan lang. Paano ba naman kasi, busy ka sa pag-aayos ng mga resibo’t anik-anik sa desk mo.

Ang iba mong ka-opisina, dating gawi – plants versus zombies pa rin. Siyempre, hindi nawawalan ng nagpi-facebook. Kailangang ma-send ng Christmas greetings ang online friends. Meron namang mga nagbabalot pa ng regalo, maski tapos na ang office Christmas party. Ilan na ang lumabas dahil may mga hahabulin pa raw pansahog para sa Noche Buena. May ibang nagpapasyal ng mga anak sa malapit na mall.

 

image of posts suddenly vacated, borrowed from t0.gstatic.com
Isa-isang nawawala ang mga naka-pwesto /cosmicdiary.org

 

Eto pa. Marami pang dumarating – sulat, bills, mga nangongolekta ng tseke at meron pang personal follow-ups. Gustung-gusto mo pa namang mapunasan na ang desk mo dahil ‘yong kabilang desk, banda roon, kahapon pa sinop na sinop. Naunahan ka pa e, ikaw itong nag-umpisa ng linisan ng teritoryo.

Maya-maya, may mga lumapit sa ‘yo, mga taga-kabilang department na nagtatanong ng extrang Christmas wrapper o recyclable paper bag. So, binigyan mo. ‘Yon nga lang, medyo nagulo na naman ang iyong mga inayos sa paghugot mo ng pambalot. Gusto mo nang mag-lunch, pasado ala-una na pala. Nakakalibang rin naman ang pagbi-busy-bisihan…

 

image of a christmas wrapper, borrowed from t2.gstatic.com

Nagkaka-ubusan bago ang pasko. Sobra naman pagkatapos /freeprintable.com

 

Biglang tumawag si Boss, nasa labas. Pakipadala raw sa kanya, sa ganitong restaurant, ang panregalo nyang ando’n sa tabi ng fax machine. E, di tinawag mo si messenger, binigyan ng instruction. Ang kaso, hindi na raw nya bibitbitin ang kanyang si Junior. Iiwan na lang daw muna sa ‘yo. Ayos.

Hindi umiimik sa ‘yo ang bata, numanakaw-nakaw lang ng tingin. Tinanong mo kung kumain na sya. Umiling. Sabagay, di ka pa rin kumakain. Tawag ka ngayon sa Jollibee. Mamaya pa raw sila makakapag-deliver. Asus. Sinubukan mo ang ibang fastfood, wala ring swerte. Inaya mo na lang ang bata sa canteen. Kaso, halos ubos na ang mga ulam. Pang-meryenda na raw ang meron. Tinanong mo si Junior kung gusto nya ng palabok. Ang dami ng iling na nakuha mo. Spaghetti raw. Naman, bata e.

 

Bago ka pa natuyuan ng dugo, naisip mong tanungin si Manang Cook kung may chicken leg silang pwedeng lutuin nang mabilis. Meron, pumayag. So, habang umiinom kayo ni Junior ng juice, pumayag na rin syang magpa-interview sa ‘yo. May bago raw syang laruan, bigay ng Tita nya. Andoon daw sa kanila ang kanyang Lola kaya di nila kasama ngayon si Mama. Dadaaan daw sila ni Papa mamaya sa mall, bibili ng medyas.

 

Image of a chicken employee sitting before a clean desk

Ang malinis na mesa raw ay patunay ng pagiging masinop/ savagechickens.com

Bago mo na-congratulate ang sarili mo sa ‘yong interviewing skills, dumating na si fried chicken at ang ipinaiinit mong ulam. Nang makapag-umpisa na kayong kumain, bumalik na si Junior sa zip mode. Ayos lang sa ‘yo. Medyo nakapag-isip ka ng konti. Idi-dispatsa mo na ang lalagyan ng CDng pampasikip lang sa ‘yong cubicle…

 

Pagkabalik nyo sa office, naglaro nang mag-isa si Dayunyor. Natapos mo na ang ‘yong linisin. Ipinatong mo na sa desk ang bagong calendar. Hah, 2011. Mayamaya pa, bumalik na si messenger. Bilin daw ni Boss, magsi-uwian nang maaga. Alas-tres, pwede na. Tiyakin lang daw na natanggal ang plugs, napatay ang tubig, alisin ang mga kahong nakaharang sa may pintuan at siguruhing walang lalanggamin. Ini-relay nyo ni messenger ang bilin sa mga kaopisina…

 

Image of a clean office desk in an open office set-up

Kaligayahan na ang malinis na mesa/ mobile-wallpapers.feedio.net

 

Ang bilis ng response, nagpatayan na agad ang mga tao ng kani-kanilang computer. Nagsipag-ayusan na ng bags. Nagtanungan na ng sinong sasabay kanino. Dinaanan ka ng mga kabarkada mo, magkape raw kayo sa labas ngayong last day. Nag-pass ka. May isang mas malaking grupo, nag-aaya, bowling raw sa Galleria tapos inuman. Pass ka pa rin.

 

Sa totoo lang, gusto mo na ring makauwi agad. Magwi-withdraw ka pa sa ATM sa baba. Sa bahay, marami-rami ka pa ring babalutin.

 

Ba’t nga ba parang laging naghahabol ang mga tao pag pasko?


9 responses to this post.

  1. […] Huling Araw ng Pasok – eksena sa opisina bago mag-pasko […]

    Tugon

  2. […] Ang Huling Araw ng Pasok ang una kong pagtatangkang gumawa ng fiction. Naisulat at nailathala ito sa parehong […]

    Tugon

  3. Reblogged this on doon po sa amin and commented:

    Kumusta, mga kapatid? Ahaha, hindi nagtapos ang mundo, gaya ng sabi-sabi…😉 Muli ko itong inilalathala. Ito yata ang unang post na ginawa kong nai-publish within 24 hours matapos isulat at inilimbag ng walang editing. Kakaunti ang nakabasa nito noon. Sana, magustuhan ninyo… Cheers for the yuletide holidays!🙂

    Tugon

    • Maligayang Pasko Bb. SSA, alam mo kung bakit hindi natapos ang mundo, hindi kasi alam ni Nostradamus kung anong time zone, it was yesterday in Australia, today in Philippines and tomorrow in the US nong December 21, kaya sa susunod para di daw maguluhan ang mga tao kasama na time zone, ha ha ha.

      Nabasa mo na ba yung book na “The World is Flat” ni Thomas Friedman, meron syang 6 famous book pero eto nireview ko and dami ko learning which I shared with the staff of caraga region. Sabi kasi ni Emerson ba yun? “rings and jewels are not gifts but excuses for gifts, the only true gift you can give is a portion of yourself. ayun, kaya I am sharing a portion of my knowledge, isa rin akong orihinal na guro mula pa noong ako ay naging katetkista, mabait ang lola mo😀

      Tugon

      • hello, ms. S… Maligayang Pasko ho sa inyo at sa inyong mga mahal sa buhay.🙂 ahihi, hindi nga natapos, paanhin?😉 anla pa, sa akin ho, di ako na-carry nitong dec 21 prediction from the start. if i remember correctly, mas nag-worry ako somehow noong may y2k scare several years back, ahaha. ayon… likely nga ho, lalagyan na nila ng time zone next time they predict doom’s day, hehehe….

        ay, hindi po. hanyo, hahanapin ko yaan… oho nga, sabi nga raw ho, time and attention ang totoong gifts and the rest are excuses and trappings…. hala, katekista rin ho ang mother namin noong araw. kakatuwang kayo rin pala….🙂

        salamat ho sa pagdaan before christmas. magandang pasko po… ~ San

  4. Haha gusto ko ito at miss ko rin ang mga ganitong istorya. Pero ang last minute, mukhang universal naman. Ganun yata talaga kahit parang nakaplano na lahat…ay hihirit pa rin ng mga last minute…masaya at nakakaraos naman kasi. Masayang Pasko po.

    Tugon

    • ahaha, salamat at naibigan nyo ho, Lolo. last,last year or the other year pa nga lang ho ito, one of my least read posts. Happy yuletide rin ho! salamat sa pagdaan at sa comment… Cheers!🙂

      Tugon

  5. wow! matagal mo na pala itong naisulat.. pero winner ha.. ehehehehe i lurv it.. uso pa ba ang plants versus zombies? ehehehehe hi san!! *kaway-kaway* ingat palagi!

    Tugon

    • hello, Pot! happy new year, my friend.🙂 ahaha, thanks. opo, two years ago pa ang write up, uso pa noon ang plants vs. zombies (dec. 2010). hindi na nga ngayon, iba na ang pinagdidiskitahan sa opi-opisina, hihi. salamat, ikaw rin, mag-ingat. kaway-kaway.😉🙂 good day sa yow….

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: