Ang Bagong Betamax – Rated PG

image of a betamax tape, borrowed from http://en.wikipedia.org/wiki/Betamax

Dati, pag sinabing betamax, bold ang ibig sabihin/wikipedia.org

 

Niluma na ng panahon ang betamax player at di na uso ang betamax movies. Nagtataka ako,  saan na napunta ang mahihilig sa bold?

 

Marahil, ang kalahati sa kanila, andoon sa fake DVD market – ‘yong bumibili ng DVD sa bangketa, ‘yong dinadalhan sa opisina nina Manong at Manang ng bagong release sa Quiapo at ‘yong nakakatyempo ng DVD sa naglalako sa bahay-bahay. E, ‘yong iba –  ‘asaan na?

 

image of a an old betamax player, borrowed form wikipedia.org

Naungusan na ng VHS, VCD, DVD at PC ang betamax/wikipedia.org

 

Ang matinding hinala ko, lumipat sa blogosphere ang marami sa kanila. Oo, andito sila. Kahilera at kasama ng mga mahihilig sa online comics, online pocketbooks at online showbiz updates.

 

 

Blogging ang bagong betamax. Ito ang matapang. Nasa blogosphere ang mga maruruming mag-isip. Andito rin ang malilikot ang imahinasyon.


poster from the movie, Naked Island, 1984

larawan ng poster ng pelikulang Naked Island, 1984/2.bp.blogspot.com

 

Bakit ang hindi? Walang bayad ang magsulat at magbasa online – kuryente at panahon lang ang puhunan. O, kaya, renta sa PC. Ito lang at maaari mo nang isulat o basahin ang gusto mo. Napakadali. Hindi ka na magbubuklat, pitik-pitik lang ng mouse. Anumang oras ka pwede ay pwede. Wala ritong pila.

 

 

Samu’t sari ang makakasalubong mo rito sa blogosperyo. Andito ang mga bastos, ang mga bloggers at viewers na nagmumura ng walang habas, ang mga galit at ang mga naggagalit-galitan. Marami kang maisusulat, mababasa at mapapanood ditong di papasa sa marka at panlasa ng MTRCB.

Andaming exhibitionists sa blogosphere, kasama na ako. Andito ang mga taong nagpapakita ng mga di karaniwang ipinapakita, mga nagpapaalala ng gustong kalimutan at ang mga nagbubunyag ng lihim na di dapat isiwalat.

 

 

Andito rin, siyempre, ang pinakamaraming maninilip. May mga nanonood ditong di umiimik, ni ayaw magparamdam. Pero, silip nang silip. Patalon-talon. May mga hinahanap na kung ano.

Meron din naman ditong bukas na bukas kung lumaro. Inilalagay sa blogesperyo ang mga sariling larawan, videos, contact details, kung ano ang kinain nya kagabi at sino ang kasama nya. Hindi naman bawal sa mundo ng blog ang ganito at nasa mambabasa na iyon kung  gusto ba nyang basahin, panoorin, gamitin o huwag na lang patulan.

 

 

Dito sa kaharian ng blogosperyo, nangyayari ang sinasabi ng environmentalists na ang basura mo ay maaaring kayamanan na ng iba at ang kayamanan mo ay ibabasura lang ng iba.

Makakakita ka rito ng mga impormasyong tila kapaki-pakinabang, pero nilalaktawan lang at di pinapansin ng marami. May mga impormasyon namang tila walang saysay, pero ponglibo ang gumagamit at nag-aabang. Nagbabasa o nagsusulat ka man ng blog, lagi kang maso-sorpresa.

 

Dito sa blogosphere ko inaabangang ma-revive ang career ni Rosanna Roces, isa sa mga paborito kong artista. Sa tingin ko, may lugar siya rito. Naniniwala rin akong marami ang makikinig sa mga kwento at sasabihin ni Osang. O, baka kaya, andito na siya at di ko pa lang nahahanap?

 

Image of Rosanna Roces, a sexy star in the Philippines in the '90s

Si Rosanna Roces ay sikat na sexy star noong ’90s at kilala bilang host na brutal manalita/ http://www.pep.ph

 

Pang- slam poetry ang babaing ito – raw, naked and brutal truth served on a hot plate. Ang hindi ko maintindihan sa producers, bakit nila siya ipinipilit sa daytime at primetime shows. Tapos, tatanggalin din naman… Ang sa akin, si Rosanna Roces ay sa niche market, ‘yong with explicit adult content. Paagahin nila ang balita sa gabi at ibigay sa kanya ang slot ni Martin Nievera eight years ago. Palagay ko, maraming magpupuyat.

 

 

Samantala, hihintayin ko si Osang sa virtual na mundo ng blogging kung saan naroroon ang mga naghahanap at nagbibigay ng aliw, kasama ng mga walang magawa at mga nag-busy-bisihan.

Dito sa blogosperyo, ang mahiyain ay malakas ang loob, ang malumanay ay nagiging marahas at ang mahinhin ay nagiging malandi. Andito ang mga naglilislis ng saya, ang mga nagsusuot at hindi ng palda at, ang mga karakter na papalit-palit ang maskara.

 

Exciting dito.😉


Image of monkeys blogging

Sa blog, naglalagay at nakakabasa tayo ng mga di-hayagang nasasabi at naipapakita/ shannonchance.net

23 responses to this post.

  1. * Ang blog tungkol sa blogging na ito ay impluwensyado ng post na Need to Inject Some Passion Into Your Writing: Slam, Baby, na inilathala sa WordPress.Com Freshly Pressed noong unang linggo ng Nobyembre 2010.

    Tugon

  2. Ang dami kong nice read ngayong umaga. Isa na ito.🙂

    Tugon

  3. Salamat ng marami.🙂

    Nakakatuwang makapagpasaya sa isang kapwa exhibitionist, he, he…

    Dadami pa tayo… :s

    Tugon

  4. […] maganda ang latest post ni leemi pero emo din ‘yon; at, ‘yong sinulat ko dati about betamax and blogging na medyo naaliw ka, e, emong-emo ‘yon. nagtataka/nagtatampo ako no’n sa […]

    Tugon

  5. […] Ang Bagong Betamax – Rated PG […]

    Tugon

  6. […] Ang Bagong Betamax – Rated PG […]

    Tugon

  7. […] Ang Bagong Betamax – Rated PG […]

    Tugon

  8. […] Ang Bagong Betamax – Rated PG – bakit mahalay ang mag-blog […]

    Tugon

  9. […] Ang Bagong Betamax -Rated PG ang unang nailathala sa walong blog about blogging entries dito sa […]

    Tugon

  10. […] kasi ‘yan. Do’n sa sinulat kong Ang Bagong Betamax, sinabi kong mahalay mag-blog, as in… Kasi, kako, sa blog dyan yata natin inilalagay ang […]

    Tugon

  11. […] nauna sa shocker posts ay ang Ang Bagong Betamax – Rated PG, isang analogy ng blogging sa pornography. Kako sa panulat, sa blog ang mga mahihinhin ay nagiging […]

    Tugon

  12. hmmm, anu kaya ang nagtulak sa iyong kaisipan para isiwalat ang mga ire?

    Tugon

    • hello, Cup… a, yong sinabi ko sa comment sa itaas, ang post na Slam, Baby… may isa pa, yong lumang post dito, Parang Puputok w/c is a term for deterrence – the readiness to fight or to fire to discourage the enemy from launching a war or an attack (sa Int’l Relations) … mababa ang views ng post na’to, so, i tried to search it then, via google. pagtingin ko, pang 994 yata sa pila, ahaha. about 700 sa mga naunang article, puro bastos, di nga… ang saya… that’s how i learned na uso pala ang usapang bastos sa blogs, hihi. or at least, ang promise ng kabastusan, whehe.😉

      yaan ang mga nag-trigger para maisulat ang post na Bagong Betamax, hihi…🙂

      Tugon

  13. Hindi ko tuloy masabing wholesome ang blog ko. Ma pagkaporno king din pala ako no? whahaha

    at ikaw rin? OMG!

    honggoling lang nung parallelism sa blog at waste disposal/recycling etc. :p

    Tugon

    • haha, ngayon mo lang nabatid? hohoho.😉 exhibitionist nga, paanhin?

      oo, marami na bang kayamanang sulatin mo ang hinakbang-hakbangan lang ng iba? hehe… hello, bagotilyo🙂 regards

      Tugon

  14. ang galing!! hahaha.. ikaw na talaga idol ko…
    mga ideya at pananaw na hindi mo sukat akalaing may makakapansin at bibigyan diin..
    pero naka relate ako sa show ni martin at pops na kung doon mo ilalagay ang show ni rosanna siguradong maraming mag-aabang.
    nasubukan mo na ba manood ng concern nya dati? malamang kung ganun pa din ang style nya hindi papayagan ng MTRBC..

    babalik- balikan ko ang iba mo pang akda.

    Tugon

    • hahaha, salamat… hala, hwag namang idol, kakahiya, kapatid…🙂 e, gano’n yata talaga lola mo, keraming napapansin, shaks na ‘yan… ^^

      oo, diba? dapat may show si osang na for adults only? actually, di na kailangang lagyan ng tag, talagang may pagka-limited territory pag si osang na nagdadada, hihi.

      ay, di ko alam ang concern. saan yon ipinalabas? mahanap nga…🙂

      salamat, binky. nakakaaliw, nagnonood ka rin pala ng martin dati, haha.😉

      Tugon

      • haha typo error ung concern.. it should be concert.. anu ba yan.. mahirap magtype sa dilim hahaha!🙂
        But speaking of Rosanna, I was able to watch her testimony when she became a born-again. Sayang sya.. Her older brother was a Pastor. akala ko tuloy tuloy na.. but somewhere nagback slide sya.
        sa ngayon di ko alam kung ano na balita sa kanya di ko rin alam kung nagtuloy tuloy na syang tahakin ang tamang landas.
        sana nga makaahon sya ng tuluyan sa magulong buhay na pinasok nya.
        Magiging magandang impluwensya sana sa mga kabataang naliligaw ng landas.

      • a, concert pala. hindi, e… pero alam ko, hilig ni Osang mag-drums at medyo marunong naman ata sya…

        oo, Pastor nga ang kapatid nya. medyo magulo yata talaga ang background nya, half-siblings ang marami sa kanyang mga kapatid. kung sa tabas ng dila at pagiging tactless, medyo pasaway talaga si Osang, ahaha. but I guess, in many ways, sensible naman syang tao, she keeps on trying na mapanuto rin, ‘ika nga…grown up na ang kids nya, inevitably, she would want the best for them as I guess, she has wanted the best for them, dati pa…

        ayon lang, marami ring di makapagpatawad sa kanya because of her background. saka, her speech, hahaha. saka, artistic sya. my opinion, pag artistic ang isang tao – it’s not that easy na mag-fit at matanggap sa lipunan. i admire her artistry sa pagganap and i think she does try (and often fail) na maging respectable din naman. yon… at talaga pong kumwento, hahaha.

        hello, binky!🙂

  15. Posted by chengboiser on Mayo 16, 2013 at 3:26 hapon

    hahaha ibang klase talaga. informative na may sundot

    **bows**

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: