Ayaw Dumaan

 

agawan ng bolpen, anak naman ilang bolpen  ba ang ubos mo sa isang taon, andami ngang bolpen  di naman makasagot, asul na bolpen madalas, ayaw sumulat, baligtad ang hawak ng bolpen, ballpark figure – expression ng mga nagmamarunong, Bic ballpen, binilhan na nga ng bolpen pero hindi pa rin pumapasok, binibigyan naman ng baon pero lagi pa ring walang bolpen, binibilhan naman ng bolpen pero walang sulat ang notebook, bolpen lang ang laman ng bag, bolpeng dilaw, bolpeng hiram lang, bolpeng mamahalin, bolpeng nagtatae, bolpeng pula pang-tsek ng papel, bolpeng walang takip, bolpen lang wala pa, Cross ang pen na ginamit sa Treaty na nagsasalin ng Pilipinas sa Estados Unidos mula sa Espanya, exam na wala pa ring bolpen, guri-guri, gusto ay estudyante sya forever, hiniraman ni ma’am ng bolpen na-tsismis na paborito, hiraman ng bolpen ng bayan, huwag magulo tutusukin kita ng bolpen, hwag ilaglag sabi, kahapon ka lang bumili ah, Kilometrico, kung anu-ano ang ipinagsususulat, madalas ma-nenok-an ng bolpen, may mga bolpen laging nakasuksok sa bulsa ng polo para mukhang genius, may pangalan nya laging naka-tape sa bolpen, may papel pero walang bolpen, mumurahing bolpen, nabali ang bolpen sa galit, nahulog lang ang bolpen pagtingala ibang chapter na agad, nagpaalam lang na bibili ng bolpen sa canteen di na bumalik, nagpapagod ang magulang para mabilhan ng bolpen ang anak na lakwatsero, nagtataktak lagi ng bolpen kunyari’y nag-iisip,  nagtsi-tsek ba si ma’am kung maganda ang sulat?, nakalimutan ang bolpen, nakawan ng bolpen, ngatngat lagi ang dulo, pagbalik ng papel puro pula, palaging nakaka-iwan ng bolpen, para bolpen lang, Pilot, pinapainitan ang dulo sa ilaw ng kandila, proud na proud ang magulang nang makitang hindi na palakol ang grades ng anak, puro tinta ang palda, pwedeng pahingi na rin ng yellow pad?, pwede palang maging nostalgic maski sa bolpen lang, raise your pens begin, Reynolds, sa bolpen ko lang pala interesado, sosyal na ang bolpen Parker na dati’y Panda lang, taguan ng bolpen, sabing palitan mo na – nagtatae, stream of consciousness ang drama ng kanyang panulat, sus bolpen lang pala, use black only, wala nang tinta.

 

image of a ballpoint pen, borrowed from wikimedia.org/wikipedia/commons

maraming bolpen na ang dumaan sa ating buhay/ wikimedia.org

 

Andito ang link para sa mga sosyal na pens:

http://www.wisdom-pen.com/knowledge/famous_brands_of_pen.htm

 

Andito naman ang link para mga pens na pan-drowing:

http://www.flickr.com/groups/penandmarkers/discuss/72157623299690903/

 

Andito naman ang para sa mga gustong mag-business ng pens:

http://www.alibaba.com/showroom/brand-ballpoint-pen.html

 

43 responses to this post.

  1. Usapang bolpen. Sabi ni Bob Ong:

    “Ang hirap sa ibang ballpen, pag itinayo mo nang pabaliktad, natutuyo ang tinta. Pag itinayo mo naman nang tama, nagtatae.”

    Magandang umaga!

    Tugon

    • magandang araw rin sa ‘yo.🙂

      tama si Bob Ong. Maraming words of wisdom na nakasuksok sa bulsa ang taong iyon…

      nami-miss ko na ang Reynolds – bolpen ko noong elementary, hihi. noong high school ata, mas Kilometrico gamit ko… nang college, Pilot na.🙂 kumwento…

      Tugon

  2. […] magagaslaw ang inyong mga panulat. Tila nakaipit o nakasuksok sa mga payak nyong pahayag at paglalarawan ang hiling na kayo ay […]

    Tugon

  3. Okay naman itong istorya mo kay Mr. Bolpen(teka Mr ba o Ms?) Oo sa bolpen pa lang nakapagbabalik na mga alaala sa buhay natin na dinaanan lalo na nung nag-aaral pa.Pagkatapos ng lapis nung elementarya eh Bic bolpen ang sikat noon…kaya batang Bic ako. Tama ka masalimuot ang bolpen sa katulad naming mga lalaki…dahil di kami maingat sa mga gamit…at buti na lang nung college ay may kaeskwela na mga babae…na hiraman ng bolpen at hingian ng yelong papel. Buti ka pa may Pilot bolpen…ako yata eh nakikita ko lang yan sa eskaparate ng SM at nangangarap na makabili at mailagay din sa bulsa ng polo. Pero wag na lang mahal…mawawala rin siguro yun…hehe. Magaganda na ang mga bolpen ngayon…medyo hi-tek na rin…kahit di na mamili ng di-nagtatae…ok pa rin. Siguro balang-araw magkakaron din ako ng Pilot bolpen na may nakaukit na pangalan ko…para kapag nawala eh babalik pa…sana…

    Tugon

  4. hello, lolo… ang saya at dumaan kayo, di tulad ng bolpen, hehe…

    oo nga po, ba’t ang mga boys parating nanghihiram ng bolpen. tapos kami namang girls no’n, feeling namin, pag hiniraman ng bolpen parang interasado na sa’men, hihi… siyempre, user-friendly lang pala sila. bolpen lang, nothing else, haha…

    uso na ho ang pilot no’ng time namin sa college… btw, ‘lo, kahit engraved ang name sa parker, pag nawawala, di na bumabalik… :s

    kumusta po?🙂

    Tugon

  5. may mga maswerteng bolpen (nakakasagot sa exam), may malas (ung palaging nawawala) meron din jackpot na bolpen (iyong napupulot na mamahalin) sikat na bolpen, sosyal at meron ding bahala na bolpen..
    isipin mo dahil sa bolpen may nabuong blog?
    🙂

    Tugon

    • ahaha, ang dami rin nyang naisip bigla…🙂 ay, do’n me papatak sa bahala na bolpen, my dear. hindi ako butihing mag-aaral no’ng estudyante pa, as in…😉

      ahihi, dahil sa tag kaya nabuo ang post. nadiskubre ko that time – maski ano pala pwedeng ilagay as tag ng post? medyo na-weirduhan ako sa idea. kako, grabeng leniency naman ‘yon – maski anong keyword, pwedeng ilagay just to drive traffic sa post? ayon… so, in a way, satire about tagging ‘tong post. pasaway kamo…😉

      Tugon

      • ngayon ko lang din naalala noon naisara din ang binkycm’s corner ko, sa dahilang madami akong link na nilagay.. at pag ganun pala iniisip na agad ng pamunuan na spamming ang ginagawa mo..

        nangyari na sa akin noon isinara din ang aking account kaya sulat ako agad sa kanila kinabukasan binuksan naman nila agad.
        🙂

      • hello, uli… a, talaga? oo, yon nga. dati kasi, sa pagsusulat dito sa dpsa, nilalagyan ko sadya ng references na links sa dulo ng posts. my idea was to teach yong mga nagsi-search via google, ahihi. naman, kasi, ka-i-intelligent ng keywords nila, hahaha, para me mahihimatay. kumbaga, i was aiding them, paano mag-search online na maidi-direct ka sa hinahanap mo – yong hindi spoonfeeding but thru leads (research leads ang tawag). pero, ayon, sa WP pala, parang endorsement ang gano’n…

        more than a year na nakasara itong dpsa, ahaha, kainaman na… ibinalik din naman – nov 2012. basta, no’ng magsulat na sa SSA, di na me naglalagay ng links – bahala na ang mga naghahanap sa google, hihi.🙂 ayon…

  6. Reblogged this on doon po sa amin and commented:

    Hello, ka-blogs… Ginawa ang post na ito matapos matuklasan ang gamit at paraan ng pagta-tag. Satire piece itong sulatin. Lumang-luma na, pero sana, maaliw pa rin kayo, maski paano. Have a happy week! Kind regards…

    Tugon

  7. Posted by musicahliza on Hulyo 9, 2013 at 11:23 umaga

    Ballpen…tuwing dadaan ako sa bookstore mahirap sa akin ang lumabas doon ng walang nabiling ballpen. Sobrang humaling na humaling ako sa magagandang ballpen, Naalala ko nung nagtuturo pa ako puno lagi ang pencil case ko ng ballpen na may tinta at yung iba kahit walang tinta tinatago ko pa ang basyo. Hehe.🙂 Hello ate.

    P.S.
    Maliban pala sa ballpen pilit ko ding pinagtatagumpayan ang pagbili ng mgagandang notebooks hahaha

    Tugon

    • hello, musicahliza…haha, ‘lam ko ganyang feeling… hmn, usually Parker madalas kong silipin or yong mamahaling Pilot. or, minsan, drawing pens (no’ng time na mahilig mag-drowing-drowing). tambay sa pen sections ng NBS, ahihi.

      pero di me mahilig sa pencil case, for some reason… meron, pero usually, iniiwan sa kwarto or sa drawer sa office… pag sa bag, usually, i only have two pens – pang-araw-araw and isang pampirma, hehe. ay, matanda na pala, kaya ganyan na, hahaha.

      mahilig me sa magagandang notebooks & statio, hahaha. maski wala nang pera, nabili pa, hakhak. sama tayo sa club ng mga adik sa magagandang papel, lol.😉

      Tugon

      • Posted by musicahliza on Hulyo 10, 2013 at 12:39 hapon

        Haha, hindi ako masyadong nagbo-ballpen ng feeling ko madaling mawalan ng tinta hehe. Mahilig ako sa Pilot pero ‘di ko pa keri ang kamahalan ng parker eh. Pareho tayo NBS pen section patron din ako.

        Pencil case ako kasi may feeling akong dapat dala ko mga ballpen ko lagi, ewan ko kung bakit saka para hindi nakakalat sa bag. Naalala ko yung classmate ko nung college nakita na naka-pencil case pa ako natawa siya at hindi pa daw ako makamove-on sa pencil case days. hehehe

        Ay grabe nagkakasundo tayo! hahaha may classmate din ako sa grad school ngayon ayun tropa sa pen collections at yung prof namin sa Saturday class classmate namin sa notebook hoarding😀

        Masama lang loob ko kapag may humiram ng ballpen tapos hindi na sinosoli. Kaya nagiging mapagbantay ako sa mga nahiram sa akin. Tipong binabantayan ko siya hanggat ‘di nasosoli ang ballpen sa akin hehe

      • oo, mas affordable Pilot. may kamahalan Parker. but then, pag twice or thrice a year lang bibili, keri na rin naman, ahaha. ay, masaya kaya magtingin ng magagandang pens? hahaha.

        lagi rin me’ng may dalang pen. pero, girl, may edad na lola mo, past the pencil case days na sya, ahaha. ahaha, you would know that pag mas nag-age ka pa, ahihi. i-enjoy mo muna habang feel mo pa… ^^

        o, sige. pag magkita tayo, hihingan kita ng magagandang statio at notebook, hehe. basta, maski wala nang pera, nabili pa ng Mead, tama ba naman ‘yon? dilengkwente.😉

        ay, kaya Parker usually ang gamit. para maalala kong kunin, ahihi. pag nahiraman naman ako ng Pilot na di isinoli, three days ko naalala, hakhak. pag pens na under P50 tapos, di na nakuha, oks lang sa ‘kin. suplada yata ako pagdating sa pens, halata na ba? hakhak. warm regards.🙂

      • Posted by musicahliza on Hulyo 10, 2013 at 4:50 hapon

        Suplada nga…pang give-away ang below P50 sa’yo ate, hahaha. Ay sige reregaluhan ko ang sarili ko ng parker minsan🙂

        Ah sige ihahanda ko ang notebook na para sa’yo😉

        Eto medyo may oras akong mamasyal-masyal (nagde-delay ng papel na kelangan isulat huhuhu) habang nagreresearch at nahihilo sa hindi ko pa kabisadong online lib ng peyups. kaloka!

        Teka ate, anong Mead? hahaha

      • ahihi, suplada na, sige… ay, maraming magnanakaw ng pens, mula sa kapatid, kaoopisina, kaibigan, lahat na… isa yata yan sa mga katotohanang maaga-aga kong natanggap, hihi. oo, bili ka minsan ng Parker, masarap gamitin.

        ahihi, sige. kerami ko yatang notebooks na di nasusulatan. baka isa yon sa dahilan ba’t ako nag-blog. sa notebooks ang drafts, handwritten, aba…

        maunlad ka, inabutan mo na ang online lib. kami noon, nagka-catalog talaga, as in, sa piles ng index card ginagalugad ang books, as in…

        Mead is a paper brand – preppy and mahal. maganda. parang ako lang, hihi. tsos.😉

      • Posted by musicahliza on Hulyo 11, 2013 at 9:44 umaga

        Ay sige ma-try bumili ng parker minsan. Grabe no? Sa ballpen nagkakakitaan ng ugali, nagkakaalaman kung sino ang magnanakaw at hindi (echos!) hahaha

        Masarap balik-balikan ang mga entry sa lumang journal. Nakatago pa yung mga journal ko nung high school – high school kasi ako nagstart eh. Tapos ayun paganda nang paganda yung mga notebook na binibili ko hehehe

        Iikutin ko ulit yung online lib hahaha sumakit ulo ko kahapon. Pero pupunta padin ako isang araw sa main lib para maexperience ko naman at hihiram ng libro para feeling studious😉

        Ah ok hahaha…ngayon ko lang na-encounter ang Mead. Meron sa NBS? bakit tsos yung maganda? Naniniwala ko ‘wag ka mag-alala🙂

        Ay grabe nadadagdagan ang mga bibilihin ko hahaha.

      • yun nga, maraming kwentong bolpen, hihi, sabi rin sa post. pwede na kamo tayong ikwento ng ating mga bolpen, hala…😉

        ahaha, oo nga. ako, kerami ring notebooks pero marami ay nabaha, ilan lang ang na-retain. for the blog, nakawalo na yata me. sobrang kapal ng iba, haha. gano’n nga yata – paarte pero paganda, hihi.

        a, oo, punta ka ng main lib, go! ang tagal ko nang di nakakapunta ro’n. suki pa naman sa panghihiram at pagtulog, whehe.

        meron sa NBS. ay, pangmayaman lang price, dear. it will cost you an arm, haha. ayos lang sa features, di me magandang magdala, di gaya mong pa-girl, hihi. masungit tingnan.

        ayos lang ‘yon. aral muna, saka na mindless pagbili-bili, haha…. good afternoon, Tina.🙂

      • Posted by musicahliza on Hulyo 11, 2013 at 5:09 hapon

        Pangarap kong magkaron ng library sa bahay ko tapos may isang section na puro journal ko lang ang nakalagay. For my family’s (asawa’t anak hehe) consumption na…transparent ang peg.

        Haha naisip ko din matulog dun kapag nagpunta ako, hindi naman ako pagagalitan ‘di ba?

        Hindi pa naman ako bibili ate, titignan ko lang kung anong itsura…may mga nakita din kasi akong journal na manipis lang pero tipong 800+++ hehehe.

        Masungit din ako dati hindi lang tignan pero masungit talaga hehehe…pero nagpapakabait na ako😉

        Aral-aral…aral-aral…nakakahilo pero ginusto ko ito hahaha kelangan panindigan. Hi Ate San😉

      • hihi, gandang pangarap. cool yan… may munting lib na kami dati, minus the asawa at anak, hihi. yon lang, na-Ondoy… mag-iipon siguro uli but then, sa bahay na nasa mas mataas nang lugar, hakhak.

        hala, pwedeng matulog sa libs ng UP, yon ang nakakatuwa. basta di ka mag-i-snore, walang magagalit.😉

        ay, masayang magtingin. oo, meron ngang OA sa mahal, pang-mayaman sadya. pero, ang gaganda…

        a, gano’n. e, parati naman me mabait, whaha, masungit lang tingnan. medyo OA na nga kabaitan, dapat matuto nang mag-masungit talaga, hakhak.

        ha, paninindigan mo ‘yan, kapatid. kasubuan na, hihi. but you’ll enjoy it. masaya rin sa UP, iba-iba ang tao at maraming matatalino, maha-humble ka.🙂 yown…

      • Posted by musicahliza on Hulyo 14, 2013 at 9:54 hapon

        minus the asawa’t anak talaga hihihi…dito ka na sa Tagaytay bumili ng bahay para mataas at malamig mas masarap magbasa hihi

        OA talaga sa mahal ‘te haha tapos maliit sa usual na journal

        buti na lang talaga first impressions don’t always last hehehe…kung hindi baka wala tayong friends

        ay opo ang tatalino nila nakakatuwa pero ang babait din…happy sunday ate

      • ahaha, what to do, kapatid? kahiya mang aminin… ay, kamahal sa Tagaytay, dear. Baka sampong square meters lang ma-afford, hahaha.

        ay, mahal maging preppy at may taste, yun lang…😉

        sows, buti nga at may seminars and projects, do’n at sa gano’n lang nila nadidiskober – lovable me, hakhak…

        oo, maraming matatalinong mababait… the first school friends i had in college – taga-Magallanes, Ayala-Alabang, Filinvest, Greenhills… konyong-konyo sila, patatawarin. may promdis rin, pero kokonti gaya namin. what to do, gano’n composition ng studentry sa peyups.oh, well… in the long run, nag-iba na rin kami ng sirkulasyon and set of friends. but then, somehow, nabawasan biases against rich pipol, hahaha…

        have a good week, Tina… aral maige, ha…🙂

  8. Ang cute! Parang dinaanan ko lahat noong araw lahat ng binanggit mo dyan hahahaha…naku, lam mo San, kinagagalitan ako ni hubby at laging ninanakaw ko daw ballpen/signpen nya kaya pag may hearing siya naman ang nawawalan.

    Kaso mo, noong isang umagang hearing niya, ang natangay niya ay yung eyeliner ko. Kaya nung pipirma na siya ng minutes sa court after ng hearing niya, ang nailabas niya na pampirma ay yung eyeliner ko. pambihira, inaway ako pagdating hahahaha!

    Tugon

    • haha, cute? salamat po. e, yong daming laman ng pencil case, tapos puro tuyo na pala ink, hahaha. magnanakaw ka ng bolpen, ayon. :)siguro, mas magaganda pens ni hubby mo, hakhak. pilferage ginagawa mo…😉

      kasi naman, do’n ka ata sa league ng feeling pag may nakitang magandang pens, kanya na… ayon, maaaway ka. ikaw kaya, eyeliner ang ipirma mo, biatch. subukan mo lang, whehe. ganda ng kwento, hihi – dyahe moment ‘yon, dyahe… 😉

      Tugon

  9. Nag-enjoy akong basahin ito. Hindi ako mahilig sa ballpen pero namimili ng ballpen ang kamay ko, nakasalalay sa ballpen ang ganda ng handwriting ko. Nyahahaha! =)

    Ballpen..ballpen. Namiss ko tuloy mag-aral! Nakaka-nostalgic talaga ang ballpen na yan. Magandang araw! Padaan lang.

    Tugon

    • haha, salamat, vincent…🙂 true, pag di maganda ang bolpen, panget labas ng sulat, ahihi. di ako masyadong mahilig sa ballpoint ang tip… pero, pag walang pambili ng maganda (sharp tip), ayos rin, haha. pag everyday use, almost any pen, pwede.

      pero from time to time, sarap ng feeling ng may magandang pen, hihi. ay, paano, di pwedeng estudyante forever?😉 bolpen nga naman… salamat sa pagdaan🙂

      Tugon

  10. Haha Panda, marami nyan sa canteen at bookstore ng eskwelahan. Pag nawalan o nanenokan ng bolpen yan muna ang pagtitiisan. Nung High School, Pilot gusto ko. Nung College, yung gel-pen. Yang mga yan, sa desk laging ibinabalandra pero pag Panda, ipit ipit na muna.😀

    Tugon

    • hello, June… ahaha, matagal na ata me gumradweyt sa Panda. pero yun nga mas nabibili, hano? i guess, mid 20s, medyo nag-iba na pen taste, ahaha. naimpluwensyahan siguro ng friends… gusto ko rin Pilot gel pag pang-araw-araw lang. pag pampirma at importanteng notetaking, mas Parker na komportable. di na ako masaya sa ballpoint tip, gano’n ata pag tumatanda, hakhak.

      pero, ‘lam mo, masaya rin habang estudyante, agawan at nakawan ng pens kahit mga cheap lang, hihihi.😉 kumusta ka na, antay ko next post mo. keep well…🙂

      Tugon

      • Pati sa taste sa pen din ata, there’s no other way but going up.🙂
        Daming memories bumabalik dahil lang sa pen no?
        Hehe I’ll publish a post soon Ate San.🙂
        Thanks!

      • ahaha, baka nga… nag-umpisa lang ‘yon noon nakita ko, may nagregalo sa isang ate ko ng one box ng Cross, purple pa ang box, kaloka. nagising ang diwa kong mimiha-miha, nagkaroon ng paghahangad sa magagandang bagay, hihi.

        aantayin ko ‘yan, nakow… thanks rin sa pagbalik.😉🙂

  11. ahaha, lahat yata ng ballpen eh nagamit ko na maliban lang dun sa super duper mahal na hanggang ngayon ay tinitingnan ko na lang sa estante ng tindahan. grabe nga naman kapag naadik sa bolpen, lahat gustong bilhin. ..

    oi, may paper collection at statio ka din..hehehe naalala ko tuloy ang papemelroti days ko.. na miss kong biglang maging estudyante…

    Tugon

    • oy, babetski, kamusta… ahaha, natuwa me, napa-comment ka sa usapang bolpen. ay, gan’to, noong HS pa kami sa probinsya, wala pa namang malls do’n, bazaar pa lang… pagkakalabas, daan kami ng friends na sectionmates din, sa dakilang bazaar. bano kami sa pens and statio na nasa estante, as in… parang dinadalaw namin lagi? hihihi.

      ay, me papemelroti years din me, dito na sa Kamaynilaan, hakhak. mga adik tayo.😉

      Tugon

      • hahaha.. adik lang sa bolpen at papel. kaya nga lagi akong secretary sa classroom kahit di ko abot ang blackboard, kasi di daw ako nauubusan ng lapis, bolpen at papel… hahaha..

        naalala ko, may writing club ako sa school after class hour yung mga naghihintay ng service sa labas, instead na tumakbo, iniipon ko yung mga bata para lang pagsulatin.. mapangmata kasi ako sa sulat kamay… hahaha… ang ganda kasi ng mga bolpen at papel nila tapos ang handwriting aysus… kaya ayun, noong naging in sa campus yung ginagawa ko, dumami ang bolpen at papel ko kasi yung mga rich kid sinimulan ng ipa tutor sa akin sa writing.. ang bayad mga mamahaling statio at bolpen + mechanical pen.. ayiiii.. para-paraan lang daw para maka collect…;D

      • ahihi, parang nai-imagine ko mga kwento mo, pambihira ka. at ikaw na ang madiskarte sa buhay, aliw… btw, sana, ginawa ko rin ‘yan, finance project? importante kaya ang kabuhayan, hahaha. ay, gan’to, i learned na pag di pala ginagamit ang pen say, for eight months, natutuyo? kahit ‘yong mamahalin pa… may mga nasayang akong pens and inks lately, mamahal pa naman, hakhak…😉 uulitin ko, tayo ay mga adik, harhar…

      • hahaha : tayo ay mga adik,😀

        ay oo madami din akong pen dito sa office tuyo na rin iba, kasi naman sinulatan ko lahat ng pens ko ng ganito “kapag ako’y tapos ng gamitin, ibalik dahil ang hindi magbalik mamamatay.” adik eh.

        nagka “pencil for hopes” din ako during my youth ministry day, tuwang-tuwa kasi ako sa mga batang first timer sa pagsusulat.. ambidextrous nga pala ako in writing, left handed ako ng elem, right handed ako noong high school. noong college, typewriter in dotdot system na . hahaha

  12. Sa isang bolpen nag-time warp na ang utak ko. Hakhak. Ayos!

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: