Minsan, tinawag ako sa recitation sa subject naming International Relations (IR). Ito ‘yong subject namin noong 600 pages ang required na basahin kada linggo. Ang professor namin dito ay ‘yong tipong nangongolekta ng Ph.D. Tinawag ako ni prof at ang sabi, pagkumparahin at pag-ibahin ko raw ang SALT I at ang SALT II.
Si Lyndon B. Johnson ang naging presidente ng U.S. matapos mapatay si John F. Kennedy/ reflectionsinhistory.com
‘Obi-wan kenobi! Alam ko ‘yon!’ Umabot hanggang doon ang pagbabasa ko ng lesson. Kaya, medyo listo, discuss-discuss naman ako. Dire-diretso. Panay passive voice pa ang English para impressive. Binubuo ko parati ang pagsasabi – Strategic Arms Limitation Treaty.
Habang nagsasalita ako, nakahalukipkip si Gleek professor. Ang mga tingin niya sa akin ay parang nagsasabing alam niyang 46 lang ang IQ ko. Hindi ako nagpapa-apekto. Ang mga kaklase ko namang nasa unahan ko at gilid, yukung-yuko. Naghahabol ng pagbabasa habang pinapaliit ang mga sarili para hindi sila ang sunod na matawag.
Bigla kamong nag-remark si professor. Parang galit. “Where is the linking verb in your sentence?”
‘Inangkupo! Ano na nga ba ang linking verb?’ Mabilis pa sa Google Chrome, nag-proseso ang utak ko at ni-retrieve ang ibig sabihin ng mahalagang parirala. Inulit ko ang aking huling pangungusap at nilagyan ng pesteng linking verb. Sinuma ko na rin ang diskusyon.
Pagkatapos ay huminga na ako. Sa isip-isip ko, mga labinlimang minuto na akong nagtatalakay, siguro nama’y tatawag na si Mr. Gleek ng iba. Naramdaman ko ring iba na ang postura ng mga katabi at nasa unahan ko. Panay ang kanilang inhale.
Bigla kamong sabi ni professor, “Discuss the different arguments why SALT I and SALT II are considered as failures.” At, heto. Nakatingin pa rin siya sa akin. Nag-a-anasan ang mga kaklase ko sa likod. Nagsipagtinginan naman sa akin ang mga nasa unahan ko at tabi. Ang mga tingin nila ay may pag-aalala.
Wala akong mahagilap isagot. Hindi na umabot sa parteng iyon ang pagbabasa ko. Nanunukat ang mga tingin sa akin ni professor. Nag-a-antay ng susunod kong sasabihin.
Sa sandaling iyon, parang puputok ang ulo ko. Literally. Gusto kong umuwi na lamang sa probinsya at kumbinsihin ang kamag-anakan kong i-revive namin ang pagtatanim ng palay. Doon sa amin. Maski sabihin pang hindi naman ako marunong humawak ng araro… 😉
Posted by doon po sa amin on Oktubre 28, 2010 at 11:19 umaga
Ang IR ay isang subject kung saan tinatalakay ang ugnayan ng mga bansa. Pinag-uusapan din dito ang world issues gaya ng pagkakamit ng kapayapaan sa gitna ng mga gera at conflicts na pinangungunahan mismo ng mga gobyerno ng malalaking bansa.
Salamat ng marami sa pagbabasa. 🙂 🙂
Posted by Larawan ng Taong Wala sa Sarili « doon po sa amin on Marso 18, 2011 at 9:42 umaga
[…] Parang Puputok […]
Posted by Kalsadang One-Way « doon po sa amin on Agosto 8, 2011 at 5:00 hapon
[…] pinaghirapan ng maraming taon – ibinabahagi ngayon ng walang bayad sa sinumang mapadaan; mga patawang may kahalong pait; mga larawang gustong magpakilala habang wari’y nais rin namang magkubli; […]
Posted by Maiksi Lang… « doon po sa amin on Agosto 9, 2011 at 4:15 hapon
[…] Parang Puputok – kahihiyan sa loob ng klasrum […]
Posted by Nagsasawa « doon po sa amin on Setyembre 30, 2011 at 12:20 umaga
[…] Parang Puputok […]
Posted by doon po sa amin on Hunyo 4, 2013 at 11:50 hapon
Reblogged this on doon po sa amin and commented:
Hello, ka-blogs! Pasaway daw ang pamagat ng post, hihi. Deterrence ang ibig nitong sabihin, isa sa mga laganap na prinsipyo sa ugnayan ng mga bansa o International Relations. It is the threatened use of force for political and military purposes. Stockpiling of arms ng mga bansa ang naging outcome ng patakarang ito… Siyanga pala, totoong tao si Professor, ang teacher namin noong nag-i-stutter in eight (8) languages, hahaha. Pero sa kaklase ko noon nangyari ang kwento, di sa akin and to a large extent, pinalabnaw ko na ang kwento. Para sa mga pamangkin ko rin, kaya ito naisulat. Isa pa, dito ko yata tinangkang i-introduce ang ideyang wala nang mga palayan – doon sa amin… Sana ay maibigan ninyo. Happy rainy season… 🙂
Posted by aysabaw on Hunyo 5, 2013 at 2:15 hapon
hehehe…hangkulet naman nito…wala akong masyadong alam sa history or general knowledge o kung ano man ang tawag dyan…kaya siguro kung isa ako sa mga kaklase mo sa subject na yan ay isa ako sa mga nakayuko at nagdadasal na hindi matawag…nagdadasal na marami pa sanang itanong sa iyo para maubos ang oras at nang makhindi na talaga ako matawag,,,hihihi
Posted by doon po sa amin on Hunyo 5, 2013 at 4:38 hapon
hihi, natuwa naman ako, comment ka rito… nakikita ko na ang avatar mo rito before, saka nagre-reg sa stats na uae (but not kiko or nadia). pero, shy ka kunwari mag-comment, haha. 🙂 ayon, isa kang mabuti at tapat na kaklase, kung sakali… ang classmates sa IR noon, pumaplastik na concerned sila sa pobreng natawag. pero palagay ko, sa inner selves, ganyan din iniisip, whihihi…^^ mahirap ang IR, feeling naiihi kami noon habang nasa klase. masungit pati si Sir, pwede ka nyang kagalitan in Arabic, Mandarin or French, mamimili ka lang, hakhak. alinman, pahiya ka pa rin, hihihi. 😉 salamat sa pagdaan, aysabaw…
Posted by aysabaw on Hunyo 5, 2013 at 8:46 hapon
hahaha..hindi sa shy magcomment…minsan kasi pag nagmamadali…picture lang or title ang titingnan ko hahaha…hindi ko nababasa ng buo kaya di ako nagcocommment…hahaha tapat na kaklase talaga….ayokong magpanggap na tumutulong sa pobreng natawag dahil malamang pag ginawa ko yon, ako naman ang matatawag ng Prof…ang technique dyan…mag mega freeze to death invisible mode ka…para hindi mapansin ng prof haahaha…yung tipong kahit may langaw sa ilong mo hwag kang gagalaw wag ka lang mapansin wuhahahaah….sosyal naman yang prof nyo at maraming alam na lengwahe
Posted by doon po sa amin on Hunyo 5, 2013 at 9:09 hapon
gano’n ba? ahihi, ang honest talaga, mabbigyan na kita ng medal. 😉 mega freeze to death invisible mode, ganda… may gumagawa na sa amin nyan noon, kapatid. pero ikaw ang nag-coin ng term, whehe… 😉
geek si sir, di sosyal… classic geek, summa cum laude sya sa UP at ang Ph.Ds nya, sa best univ ng Japan, France and US, di dito sa ‘tin, hakhak. btw, marami noon sa UP prof, multi-lingual… 🙂 kawawa mga gaya naming mimiha-miha, hehe… :c
Posted by aysabaw on Hunyo 5, 2013 at 9:14 hapon
gawain kasi yan eh, ang maging estatwa wag lang matawag ng prof…haha…
wuhahaha…ang galing naman ng prof mo….pag nga daw maraming lengwahe ang kaya nyang isiksik sa utak….matalino nga….nagkaron kame ng Foreign Language na subject nung college na Nippongo…ayan…hanggang ngayon anime lang ang alam ko…buti na lang nakapasa pako don hihihihihi
Posted by doon po sa amin on Hunyo 6, 2013 at 8:17 hapon
ahihi, estatwa? pag me gumawa nyaan, maya-maya, z z z z na, hihi.
ay, si sir yata ang pinagbatayan ng character ni sheldon sa big bang theory, suspetsa lang… 😉 hmn,mahirap daw Jap language, para ring Chinese… medyo matagal matutunan pag di native tongue ng isang tao. buti at wagi ka, ahaha. 😉
Posted by aysabaw on Hunyo 7, 2013 at 1:26 hapon
hihi…pag zzzzz…..monumento na yown…hahaha…
naku…weird siguro kausap ang mga tulad ng sir nyo…well, weird para saken dahil baka di ko maabot ang lalim hehe….bihira lang ang ganyang mga shining creatures…tahahaha
Posted by doon po sa amin on Hunyo 7, 2013 at 1:55 hapon
ahaha, ba’t mo alam ginagawa ko dati – sumasakay ng bus from cubao to monumento para sa sightseeing and para matulog? pambihira ka… 😉
weird na nakakatuwa si sir. ang dami nyang alam, para sya minsang di tao, ahaha. one of the world’s authorities on IR sya. pero, mukha lang syang geek, di sikat or mayaman. di mo sya makikita sa tv, pero sya ang kinokonsulta sa big issues sa international events. equivalent siguro sya sa 100 PCs na may max GB and capacities, ahaha. nakakaiyak syang maging titser – open book na exam, kamote pa rin. 😉
Posted by aysabaw on Hunyo 7, 2013 at 2:31 hapon
hahaha…buti na lang di ko sya naging titser…salamat sa mga bituin at itinadhanang hindi kame magtagpo….baka nagka leukemia yung ilong ko..tahahaha…halimaw naman yang sir nyo…
Posted by doon po sa amin on Hunyo 7, 2013 at 4:55 hapon
haha, your life would have been different, kung sakali… ^^ kamuntik na kami noon nagpagawa ng tshirt saying we survived him, hakhak. privilege daw maging estudyante nya. baka nga… sabi nya sa first meeting – I encourage you to drop my subject, spare yourselves, hakhak. 🙂
Posted by aysabaw on Hunyo 7, 2013 at 4:57 hapon
nakaka encourage naman sya masyado…lol…dream believe survive pala ang peg nyo noon….haha
Posted by doon po sa amin on Hunyo 7, 2013 at 5:03 hapon
ang sabihin mo, kulang na lang, mag-rosaryo kami noon at magkapit-kamay bago pumasok sa class nya, haha 😉
at sya ang titser na nagbo-vote out. pag pinulot sa balag ang sagot mo sa recitation, instantly ejected ka sa klasrum! walang lifeline or text a friend, hahaha 😉
Posted by aysabaw on Hunyo 7, 2013 at 5:05 hapon
napakahusay nya palang guro kung ganon…..
hindi lang sya malikhain…..naturuan nya pa kayong maging madasalin…tahahahha
Posted by doon po sa amin on Hunyo 7, 2013 at 5:21 hapon
paano’ng di magdadasal? para kayo laging tatalon sa cliff pag papasok sa klase nya? aysows… yong ibang professors, 2 to 3 pages lang ang syllabus. sa kanya, 8 pages, hahaha. kung magpabasa sya ng libro, kala mo, comics lang ang assignment. hayon, dahil sa kanya, napagtanto naming kaylaki-laki pala ng mundo at kami yong malilinggit at aanga-angang tao, haha. 😉
btw, indi ba nahalata? may post tungkol sa kanya, hihi. 😉
Posted by aysabaw on Hunyo 7, 2013 at 5:24 hapon
tahaha…imba talaga yang sir nyo….
Posted by doon po sa amin on Hunyo 7, 2013 at 5:25 hapon
hahaha 😉 🙂
Posted by 25pesocupnoodles on Hunyo 4, 2013 at 11:57 hapon
ang cold war ay parang panunulsol na parang ikinukubli sa paraang “treaty” sa pagitan ng bawat bansa, base sa aking pagkaka-alam at paniniwala.
Posted by doon po sa amin on Hunyo 5, 2013 at 10:55 umaga
hello, Cup… natutuwa ako, ikaw ang unang nakabasa at nag-like upon reblogging netong post. ikaw na ang gising pa ng midnight (parang yong nag-publish lang, hihi). salamat. 🙂 ahumn, Cold War is upholding the principle of expansion and aggression among nations without the physical battles and attacks – takutan and ipunan ng armas. keeping the spectacle and horrors of war around, minus the actual bloodshed, ahaha.
di ko alam kung mas maigi ang Cold War kesa sa actual suguran and patayan, ahaha, ikaw, sa tingin mo, kapatid? panunulsol, as you say… but maybe, maybe, more than that din… i think, it polarized people, gave way to extremist thinking in different parts of the world… 🙂 gandang araw sa iyo…
Posted by nadia on Hunyo 5, 2013 at 12:19 umaga
This post is too funny, ‘San! It brings back vivid images of my college days as well.
“Gusto kong umuwi na lamang sa probinsya at kumbinsihin ang kamag-anakan kong i-revive namin ang pagtatanim ng palay.” Haha
Good thing you didn’t do that 🙂
Posted by doon po sa amin on Hunyo 5, 2013 at 11:28 umaga
hello, Nadia dear. why, thanks at natuwa ka. ahaha, did you also experience – magpaliit ng sarili para di matawag sa recitation? 😉
why not? at that time, it seemed to be the more sensible option, haha. i was a farm girl, i could differentiate among the grasses and could tell when’s the planting season for this and that crop, haha, way better than i could make sense of the long-range and short-range missiles… and the posturing and manipulations of the world’s big men on the negotiation table… ^^
am not sure it’s wise i didn’t do it, hahaha. 😉 love your comment, dear. cheers!
Posted by potsquared on Hunyo 7, 2013 at 10:26 umaga
wala akong alam sa SALT na yan.. ang alam ko ay yung nilalagay sa pagkain para magkalasa.. o di kaya yung pelikula ni angelina jolie… ehehehehhe… bibo ka kasi san.. ikaw na…
hi san!! *kaway-kaway* hope everthing is ok on your end.. ehehehehehe ingat palagi…
Posted by doon po sa amin on Hunyo 7, 2013 at 1:36 hapon
hello, Potski… aliw at dumaan ka. 🙂 ay, kaya ko nalaman, inaral sa klase, haha. wait, actually, di ko alam kung talagang nalaman ko na, hakhak. 😉 btw, tungkol ang subject sa devts sa mga bansa after WWII, time of peace, daw… pero, kanya-kanyang imbakan ng arms – all countries na may kakayahan. mahirap na, hihi…^^
that period (1947 to 91), paved the way para maging isang industriya worldwide ang spying, hakhak. nagka-career sina James Bond (parating naghahanap ng nuclear arms na naka-stash) and yes, yong character ni Angelina Jolie, double agent ata sya sa movie – KGB and CIA? hindi ko napanood, e… pero, pagkaalam ko, parang itinatanong daw ng movie – paano na ang spy agents sa pagtatapos ng Cold War (na-displace na mga gaya nya)? ay, tsaka si Bourne. his character is also a product of that period, ahaha. o, kitam, exciting sa mundo nila, hihihi. ^^
boring ang mga inaaral namin noon, di singganda ng action movies… not that ok, Pot pero buhay pa naman. medyo magulo. ako, ahaha… ikaw, sana, you’re okey and kinakaya mo mga problema. ingat ka po… 🙂
Posted by rod on Hunyo 28, 2013 at 3:27 hapon
hello..ung history subject namin during high school days 4th yr ndi ko napgtuunan ng pansin kasi nmn ung sched. 1pm to 2pm kakaantok pnay tuloy may i go out ko sa maestra nmin pasaway.haha..pero gnun p man may natututnan nmn ung sikat na quote “i shall return” ni Mc Arhturr.mas abala kasi ako sa ibng subject gaya ng PE sa sobrang hilig ko sa sports naging varsitarian ako ng school nmn.at least today sa pamamagitan ng blog mo ms. dpsa may npupulot akong kaalaman.thanks keep it up..lol kaway kaway
Posted by doon po sa amin on Hunyo 28, 2013 at 10:42 hapon
hello, Rod… salamat sa pagdaan at pagbabasa rito, ha… iwan ka ng link ng blog mo (kung meron) next time… ahaha, acquired taste din yata ang pagkahilig sa History, e. 🙂 ako man, mahilig sa sports, pero mas nood than laro mismo, hihi… but i enjoyed my PE classes in college, maski nakumpleto ko na required units, nag-e-enrol pa rin sa PE, haha…
glad you appreciated this post at ang iba pa. sana nga, maski konti, may napulot ka, kapatid… happy weekend. 🙂 ~ ate san
Posted by ResidentPatriot on Hunyo 29, 2013 at 1:01 hapon
“Gusto kong umuwi na lamang sa probinsya at kumbinsihin ang kamag-anakan kong i-revive namin ang pagtatanim ng palay. ”
hahaha…ako rin siguro ganito ang maiisip ko sa terror na titser na ‘yun “abandon all hopes” 🙂
Posted by doon po sa amin on Hunyo 30, 2013 at 2:32 hapon
hahaha, e, paano’ng hindi? ibinalik kaya ang usapan sa linking verb? hihi.
true. 🙂 … all ye who enter here.