Ordinaryo Lang

 

Ordinaryo lang si Charice. Wala kang mapapansin agad na kakaiba sa kanya. Mukha siyang bata – medyo tahimik, medyo papansin din, medyo makulit… Pag nakita mo nga siya nang malapitan, iisipin mo lang na kamukha siya ng kaklase mo noong elementary. Iyong tipong parating nasa unahan ng pila pag nagpa-flag ceremony. Iyon, ganoon.

 

Hawak nya na nga ang mikropono at nasa unahan o gitna na siya para mag-perform, parang nagtataka ka pa rin. ‘Siya ba ‘yon?’

 

Charice sings at the 30th Anniversary of Carousel of Hope Ball

Bigay na bigay kumanta/Kevin Winter/GettyImages.com

 

Pero, pag narinig mo na ang kanyang boses, hindi mo maiiwasang lumingon at hanapin ang pinanggagalingan ng malakas at makapangyarihang tunog. Kapag bumirit na siya sa pagkanta, walang abug-abog o pasabi, mapapatindig ang iyong mga balahibo. Parang gusto mong lumapit at itanong mismo sa kanya kung saang lupalop ba nanggaling ang ganoong nilalang. Parang gusto mo siyang komprontahin na para bang kasalanan niyang magaling siyang kumanta.

 

Kaya niyang punuin ang stage. Akala ko dati, figure of speech lang ng mga hurado sa paligsahan ang pagsasabi ng ganoon. Hindi pala. Meron pala talagang performer na kayang sakupin ang buong lugar ng concert o event sa kanyang pagkanta . Iyong tipong kayang salikupin ang audience at isama sa pag-abot ng matataas na nota ng kanta. Pagkatapos ay dahan-dahan niya silang ibaba at ipaghehele sa mga notang pababa. Ganoon si Charice Pempengco.

 

Isa pa lang ang kilala kong mangangantang may ganoon ding kakayahan. Sandali lang siyang sumikat at nawala rin. Pero, ganoon din iyon noon. May kaunti na akong paghanga sa kanya pero mas malaki pa ang pagdududa. Nang mapanood ko na siya, napanganga ako. May tao palang ganoon?

 

9 responses to this post.

  1. Wala pong kinalaman ang blog post na ito sa mga pangyayari doon sa amin. Nagkataon lamang na ito ang unang blog na matagumpay kong nakabitan ng larawan kaya ang saya saya. Isama na rin natin. Mahusay naman talaga ang batang ito. :}

    Tugon

  2. Ismolbateribol talaga yang si Charice. Di nga nabiyayaan ng tangkad pero ang kapangyarihan at ganda naman ng boses niya ay walang kawangis.😉

    Tugon

  3. aica, di ko sasabihin, kamo doon sa nagtatanong, he, he…

    thanks for visiting the site. punta kayo lagi doon sa amin, ha?

    paalala lang, ‘neng – ang facebook ay hindi 5-unit subject, he, he… mag-aral maigi🙂

    Tugon

  4. Posted by Rakel on Nobyembre 4, 2010 at 7:16 umaga

    Napunta ako sa ASAP dahil sa re-launch ng RTO with B Vitamins. Duon ko unang napanood si Charice. Lumitaw na sya sa Oprah nung mga panahong yon. Hindi ko lang sigurado kung napakilala na siya ni Oprah ke David Forster o ipakikilala pa lang. Nang kumanta sya, hindi ako na-impress. Nakakairita pa yung sobrang pakumpas kumpas nya ng kamay. Ang pakiramdam ko nung panahong yon sinuwerte lang talaga sya. Maraming ganon kagaling kumanta sa Pilipinas. Ang naisip ko pa si Manilyn Reynes. Di ba nag umpisa rin yon as a child singing sensation. Kung me youtube na nung panahong yon at napanood si Mane ni Oprah, pakiramdam ko pwede ring si Mane ang nasa posisyon nya.

    Ngayon siguro mas magaling na si Charice kumanta at gaya ng sinasabi mo, napupuno nya ang entablado at buong performance venue. Siempre nagka-training na sa mahuhusay na vocal coach. Hindi ko pa napapanood ulit ng live si Charice kaya di ko masabi kung bilib na ako sa kanyang pagkanta (hahaha, akala mo naman magaling ako kumanta). Pero ang isang malinaw, bilib ako sa swerte nya. Siguro nga nakaguhit sa kanyang palad ang ganitong kasikatan at tagumpay.

    Teka linawin ko lang, siempre masaya ako para sa kanya at sa pagtaguyod nya sa Pilipinas sa larangan ng pag-awit.

    Tugon

  5. Ha, ha, ha… ang lupit mo namang mag-criticize. Marami kaming masasaktan, sige ka.😉

    First time ko rin syang napanood shortly after ng first appearance nya sa Oprah. Small venue kasi, kaya we got to meet her up close. I think kaya ako naka-identify dahil promdi pa rin sya – shy, unassuming and her voice range is at least 30 times higher and better than mine, he, he… Tapos, masipag sya. Bilib ako sa mga ganoon…

    Napanood ko pa pala sya ng three times after that. I think andoon na ang husay at boses, dati pa. With each new performance, ang nag-i-improve ay ang appearance nya at social skills. Sa tingin ko…

    Naaliw naman ako at lumilitaw ang pananagalog at pagkamakabayan mo sa pagbabasa nitong blog. Samantalang mahahalata na nilang sa posts lang ako tuluy-tuloy nagta-tagalog, he, he… :s

    Thanks, dear for commenting. Hugs!🙂

    Tugon

  6. […] Ordinaryo Lang […]

    Tugon

  7. actually ang mga gaya ni charice ay common at marami sa atin. kaya hindi siya gaanong pansin. kainis lang kasi kailangan maganda pag singer para sumikat ng bongga. hindi ako fan ni charice pero proud ako na isa siyang filipina na sikat sa ibang bansa.

    Tugon

    • salamat uli sa comment, hoshi…

      oo, maraming talented sa pagkantang pinoy. pero ‘yong masisipag at determined na gaya ni charice (at kanyang nanay), nakaka-breakthru sa mainstream at nagtatagumpay.

      btw, malungkot ang nangyari with the death of her father. parang ang saklap… :c

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: