Usong Yari ng Bahay

image of a cement house and backyard, borrowed from article.wn.com

Likuran ng isang bahay na may maluwag na bakuran/ article.wn.com

 

Kwadrado rin ang karaniwang hugis ng bahay noon doon sa amin. Kung minsan naman ay parihaba. Kadalasan, bungalow style ang yari. Mga 60 hanggang 120 metro kwadrado ang sukat, depende sa budget ng magpapagawa at sa dami ng titira. Karaniwang gawa ito sa hollow blocks, semento, kahoy at yero. Karaniwan din, walang pinta.

 

Kadalasan, maliliit lang ang bahay noon doon sa amin. Pero, malalaki ang bakuran. Ang floor area ng bahay ay karaniwang isangkatlo o isangkapat lang ng laki ng bakuran. Uso rin noon ang may balkonahe o front porch na napapalibutan ng mga balustreng yari sa semento o ceramics.

Di uso noon ang bahay na totally enclosed. Uso ang may bakod pero madalas, gawa iyon sa kahoy at may mga siwang sa pagitan. Kung minsan naman, yari sa chicken wire. May ilang bahay na noong semento na ang bakod, pero mababa lang – hanggang beywang lang o hanggang dibdib. Kailangan ay may bakod lang, pero kita pa rin ang bahay at ang loob ng bakuran.

 

image of a Filipino house with cement fence, borrowed from flickr.com

Mayroong bakod pero kita pa rin ang bahay at bakuran/ flickr.com

 

Kung ang may-ari ng bahay ay may sasakyan – lumang kotse, bagong pamasadang jeepney o assembled owner-type jeep – may isang bahaging katabi ng bahay na nagsisilbing garahe. Mayroon iyong bubong pero kadalasan, wala ring sarahan.

 

May pagka-standard ang yari ng mga bahay noon sa amin. May balkonahe,  may sala, may dalawa o tatlong silid-tulugan, may dining room at may dirty kitchen. Sa labas ng bahay, kadugtong ng dirty kitchen, maaaring may isa pang kalang ginagamit pag may handaan o pag may pagkaing pakukuluan ng matagal. Mga sampong metro ang layo mula sa kalan, may palikuran sa labas na kung tawagin, doon sa amin, kasilyas.

image of an outhouse, borrowed from fotosearch.com

Dito dumudumi ang mga tao/ fotosearch.com

 

Ang kinasanayan sa amin noon, ang main door at ang back door lang ng bahay ang may saraduhan o kumpletong locks. At, isinasara lang ang mga ito talaga sa gabi, pag matutulog na ang lahat. Ang ibang bahagi ng bahay, halimbawa, ang pintuan ng mga silid-tulugan, walang pinto. May pintuan, pero walang pinto. Ang mayroon lang sila ay kurtina o tabing.

Hindi gaanong concern sa amin noon ang security ng bahay at ang privacy ng mga nakatira sa bahay. Ang katwiran ng mga taga-roon sa amin, magkaka-kilala at magkakamag-anak naman halos lahat sa lugar. Walang sekre-sekreto, hanggang maaari.

 

Pag taga-roon ka, maski nagsusukat ka ng damit, maaring biglang pumasok sa kwarto nyo ang pinsan mo dahil manghihingi siya ng kaning bahaw. Ang kainaman lang doon, pwede ring anumang oras ay pumasok ka sa bahay nila at mahuli mo siyang gumagawa ng love letter.😉

 

* Huling binago ni Doon Po sa Amin noong ika-21 ng Nobyembre 2010 para idagdag ang mga larawan.

 

5 responses to this post.

  1. Posted by Rakel on Nobyembre 4, 2010 at 6:55 umaga

    ang naalala kong bahay ng lola ko sa probinsya nung bata pa kami eh yung gawa talaga sa kawayan yung sahig, hagdanan. capiz naman nag mga bintana at tuyong dahon (ng ano, nakalimutan ko na) yung bubong. nakaangat yung bahay kse sa silong nakalagay yung mga manok. kaya sa madaling araw magigising ka kse tumitilaok ang manok sa iyong tainga… sa sahig lang kami matulog kse isa lang ang papag, sa loob ng kwarto ng lola ko.

    yung mga tiyuhin ko naman pilyo din, tinutusok ang aming mga paa at puwit ng piraso ng walis tingting sa pagitan ng kawayang sahig.

    pero kinalaunan, pinagawa ang bahay, sementado na kse siempre moderno na. nakakalungkot isipin pero siguro di na talaga angkop yung dating bahay sa probinsya.

    Tugon

  2. Nakakatuwa naman at naaalala mo pa ang lumang bahay ni lola…

    Nakatira rin kami sa bahay-kubo dati. Hamo, isang araw, baka makapagsulat ako tungkol doon.

    Thanks for dropping by. :s

    Tugon

  3. […] Usong Yari ng Bahay – mga sementadong bahay doon sa amin […]

    Tugon

  4. […] naming tinirahan sa bukid. Hindi namin iyon pag-aari, nakitira lamang kami, kumbaga. Mayroon ding Usong Yari ng Bahay, ang bahay na naipatayo ng aming ama – yari sa semento at kauna-unahang konkretong bahay sa […]

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: