Maglalako

 

Iba-ibang klase ng maglalako ang dumaraan sa lugar namin noon.

 

Image of salted bread or pandesal

Masarap ang mainit na pandesal sa umaga/ http://www.flickr.com

Sa umaga, habang madilim-dilim pa, unang daraan ang maglalako ng tinapay. Malalaman ang pagdating niya sa kanyang sigaw, ‘Napoyt, napoyt!‘. Ang tinda niya ay pandesal at bonete. Nakabalot ang mga iyon sa telang katsang nakasilid sa kaing na siyang nakaatang sa likod ng maglalako. Dahil wala namang panaderya sa baryo namin, mabenta sa mga tao ang paninda niya. Lalo na pag ang mga tinapay na inilalako ay mainit-init pa.

 

painting of women fish vendors, borrowed from craftstew.com

Maaaga silang dumaan/ craftstew.com

Ang kasunod niya ay ang maglalako ng isda. ‘Isda, isda kayo riyan!’ iyon naman ang kanyang sigaw. Kadalasan, maraming bumibili sa mag-i-isda. Doon sa amin noon, isang beses isang linggo lang kung mamalengke ang isang pamilya. Lahat ng kinulang o naubusan na ng pang-ulam ay nag-aabang sa maglalako ng isda – kung hindi man makabili ng isang kilong tulingan o tambakol, makabili man lang ng isang takal ng alamang o apta.

 

 

image of Filipino kakanin, puto at kutsinta, borrowed from foodnotebook.blogspot.com

Masarap din sa umaga/ foodnotebook.blogspot.com

Sa pagitan ng alas-nuwebe at alas-diyes, daraan ang maglalako ng puto at kutsinta.  Ang tunog ng torotot niya ang kanyang palatandaan. Potpot ang tawag naming mga bata doon. Siya ang maglalakong masipag naming abangan pag Sabado. Paborito naming  silip-silipin  ang bitbit niyang mga metal na bilog – lalagyan ng kutsinta sa isa at ng puto naman sa kabila. Bumibitin kami sa saya ng aming mga nanay para magpabili ng kutsinta. Kadalasan ay pinagbibigyan naman kami.

Minsan isang linggo, dumaraan ang maglalako ng kulambo at kumot.  Ang karaniwang daan niya ay sa pagitan ng alas-diyes at alas-dose.  ‘Kumot, kulambo, kumot, kulambo. Bili na kayo!‘. May paakyat at pababa pa ang tono ng kanyang pagsigaw. Dahil hindi naman pagkain ang tinda niya, kaming mga bata’y hindi gaanong interesado. Kapag andiyan na ang magku-kumot, tinatawag lang namin ang mga matatanda sa bahay. Tapos, takbuhan na kami uli para maglaro. Kung may pambili ang mga nanay at kung papayag ang maglalakong ito sa tawad, makakabenta siya.

 

Ang susunod ay ang maglalako ng ice cream na dumaraan bago mananghalian. Alam na alam naming lahat iyon dahil sa tunog ng kanyang bell. Sa unang kuliling pa lang noon, takbuhan na kami at papalibutan na namin agad ang kariton ng sorbetes. Iyon lang, madalas ding ayaw kaming bilihan ng aming mga nanay. Hindi nila sinasabi sa aming dahil mahal ang ice cream o dahil walang pera. Ang katwiran nila ay malapit nang kumain ng tanghalian at baka mawalan kami ng gana. Kaya ang pinepeste namin ay ang aming mga tatay o lola o mga tiyahin. Sukdulang mag-iiyak kami at maglupasay para bilihan.

 

Image of an ice cream vendor in the Philippines

Bida sa mga bata sa nayon ang mamang nagtitinda ng sorbetes/ my_sarisari_store.typepad.com

 

Tapos, dahil may gulong ang kariton ng ice cream, hilig naming  sundan ang magso-sorbetes – bimili man kami o hindi.   Susundan namin siya ng mga layong kalahating kilometro, bago babalik kami sa bahay at mag-aabang naman sa maglalako ng ice drop o popsicle.

 

Para sa amin, may pagka-corny ang ice drop vendor. Hindi kasing-sarap ng ice cream ang tinda niya at ang kanyang wooden box, bitbit lang niya sa likod . Pero, may bell din ang maglalakong ito, kaya suki rin niya kami. Pag tumunog na ang kanyang bell, ilalabas na namin ang mga pinagkatagu-tagong barya para ipambili ng ice drop. Kapag ang isang bata ay walang ipon, pwede pa rin siyang mag-iiyak para bilihan ng kanyang magulang. Habang humihikbi-hikbi, pwede niyang ikatwirang hindi na nga siya binilihan ng ice cream kanina tapos hindi pa siya bibilhan ng papsikel?

 

handicrafts vendor, image borrowed from filipinolifeinpictures.wordpress.com

Masaya pag nagagawi ang mga caravan ng bangkito sa may amin/ filipinolifeinpictures.wordpress.com

Sa pagitan ng alas-dose at alas-dos, karaniwang dumaraan ang mga naglalako ng bilao, bangkito, walis, salamin at iba pang mga gamit sa bahay. Sila ang mga vendors na dalawang beses isang buwan lang kung gumawi sa lugar namin. Hindi nila isinisigaw kung ano ang kanilang paninda. Karaniwang makikita na lang namin silang namamahinga sa ilalim ng puno ng mangga. Kung minsan, nabibilihan ang mga paninda nila. Mas madalas ay hindi. Pero kaming mga bata, nakiki-salibuyboy habang idine-demo ang mga produkto – nakiki-upo kami sa mga bangkito at nakikigamit ng salamin.

 

Paminsan-minsan, may mga dumarayo rin sa aming mga nagtitinda ng damit o ng alahas o ng maliliit na furnitures, gaya ng tokador at aparador. Mga ala-una hanggang alas-tres ang daan nila sa lugar namin. Madalas, ibinebenta ng mga maglalakong iyon ang mga paninda nila  nang hulugan. Pero, bibihira pa rin ang bumibili.

 

image of philippine sweet delicacies, borrowed from skyscrapercity.com

Tagaroon lang sa amin ang magtitinda ng kakaning meryenda/skyscrapercity.com

Mga bandang alas-tres ang daan ng maglalako ng meryendang kakanin. Karaniwang dala niya ay suman, bitsu-bitso at karyokang may palamang monggo. Taga-roon lang siya sa amin, kakilala ng halos lahat at may mga regular na parokyano. Sa lahat ng maglalako, siya ang bukod-tanging pinapapasok ng bahay doon sa amin. Para sa mga bata, hindi siya kasing-sikat ng magtitinda ng ice cream. Pero, lagi pa rin naming hinihintay ang pagbaba ng bilaong kanyang sunung-sunong.

 

Larawan ng mga tari ng manok, isang device na ikinakabit sa paa ng manok

Pana-panahon ay may dumaraang naglalako ng tari ng manok at labaha para sa mga kalalakihan/ sabong.net.ph

Sa pagitan ng alas-tres at alas-singko, dumaraan ang maglalako ng sinturon, pitakang yari sa balat, labaha, tari ng manok, baraha, lanseta at iba pang mga kagamitang panlalaki. Sa oras na iyon, ang mga tatay ng pamilya na ang magkukulumpon sa ilalim ng puno ng mangga para suriin at tawaran ang mga paninda ng maglalako. Kaming malilikot na mga bata naman, nakatimo sa isang tabi. Nag-a-antay tawagin ng aming mga ama upang utusang kunin ang kanilang wallet para makapagbayad.

 

Sa mga napapanood kong pelikulang Ingles at sa mga nababasa kong Western books, ang door-to-door salesman ay pirming bihis na bihis at madalas nga ay naka-kurbata pa. Hindi ganoon ang itsura ng mga maglalakong dumaraan doon sa amin. Suot nila ay karaniwang damit lamang at madalas ay naka-sombrero o may tuwalyang takip sa ulo. Pero, hindi dahilan ang gayak nila para hindi sila tangkilikin sa lugar namin.

 

image of a street vendor in the phils., borrowed from filipinolifeinpictures.wordpress.com

Sinusuyod ng mga maglalako ang mga kalsada at bahay-bahay sa mga daang papasok/filipinolifeinpictures.wordpress.com

 

Hinihintay ng marami doon sa amin ang mga maglalako, hindi lang dahil sa paninda nila,  kundi dahil na rin sa dala nilang kwento mula sa mga lugar na kanilang napuntahan at  napagtindahan.

 

Image of an unpaved road in the rural Philippines (road in Romblon)

Maalikabok at maputik ang mga kalsada noon. Halos lahat ng pupuntahan ay nilalakad lang/ babakoto.eu

 

Malayo ang palengke sa amin noon, wala pang sementadong daan at malalayo rin ang pagitan ng mga bahay-bahay. Mahalaga ang papel ng itinerant vendors o maglalako, sa mga lugar na tulad ng sa amin, para mai-ugnay ang mga tao roon sa mga kaganapan at mga uso sa labas.🙂

 

* Huling binago ni Doon Po sa Amin noong ika-19 ng Nobyembre, 2010, para idagdag ang mga larawan sa post.

 

32 responses to this post.

  1. […] at inilathala din ang Maglalako, isang akda ukol sa iba’t ibang itinerant peddlers na gumagalugad sa magkakalayong bahay […]

    Tugon

  2. Reblogged this on doon po sa amin and commented:

    Isa ito sa mga unang naisulat ng inyong lingkod bilang paglalarawan ng buhay sa lugar na rural. Ilan lamang ang nakabasa nito kung kaya minabuti kong ilathala muli. Sana ay maibigan ninyo. Salamat…🙂

    Tugon

  3. ang dami kong iba-back read😀

    Tugon

      • hello san, tunay na nakakapukaw ng damdaming makabayan ang iyong mga katha…nalilimutan ko ang dark side ng ating bayan kapag napapadaan ako sa iyong pahina.

        ano ba ang dapat kong gawin para mapaunlakan mo ang anyayang mag-guest post sa aking blog? isang malaking karangalan sa akin ang mapagbigyan ang hiling na ito.

        pero kung hindi ka man makapagpaunlak dahil sa kung ano mang kadahilanan ay maiintindihan ko. no hard feelings😀

      • ahaha, salamat ng marami. naramdaman kong nag-expand ng one inch ang nababalot sa taba kong puso, hihi. naaliw ako sa term mong “dark side” ng ating bayan, ang lupet…😉

        a, talaga? may gano’ng request… nahihiya naman ako. isang beses pa lang ako nag-guest post, sa site ni super lolo, yong Ipamahagi ang mga Tuwa at Sakit. ayon pala, yon ang post na tuma-topic ng nationhood and patriotism, paksang parang malapit sa puso nyo ni lipadlaya, kung tama ang gets ko…^^

        sige, try ko, kapatid. between now and january, tingnan ko kung may mapipiga sa ulo kong madalas magsasakit recently, hehe. isang karangalan ang maka-extra sa cool mong site, naman.🙂

        salamat and have a good day… ^_^

      • wuhoo! ang saya-saya ko naman😀😀😀 maraming salamat sa pagpapaunlak, ate san🙂 nabasa ko nga yung post mo kay superlolongpinoy matagal na…isang buong page ang inialay para sa ‘yo doon hehe

        pero di ko pa nabasa lahat, 2 days ko s’yang binasa pero hindi ko pa rin natapos wahaha

        PM kita sa iyong email add tungkol sa detalye ng guest post. maraming salamat ulit😉

      • ahaha, wala pa… ‘to naman.😉 isip-isip muna me ng paksang maayos-ayos, ehehe… salamat sa pagbabasa no’n, marami ang natakot sa lola mo dahil do’n, whehe. matagal bago nabuo ang ideya for that post, kapatid… so, ayos lang if di mo ma-absorb agad lahat, hehe. medyo tall order nga yown, pasensya na.

        ah, ganto ang kwento ro’n. pagka-publish ng guest post, naisara din ng Automattic ang site ni superlolo, as in… may virus daw pala ang shaks na link sa guest post. one day na nag-disappear ang site nya, kakahiya. pag-restore ng site, na-delete ni lolo ang post, hehe (naiintindihan ko sya, nakaka-panic yon). so, nag-resend lola mo ng kopya ng text sa kanya at ayon, inilagay na lang ni Superlolo as separate page, hehehe. di na naman na-virus, wala nang links or pics na kasama. pero, nasa pedestal, hihi.😉

        that post is about the formation of our consciousness, so to speak. our view of the world as beings, ahehe..😉

  4. Ang ice drop na tinda ni manong may monggo sa dulo. O kaya keso ang flavor. Ang nanay ayaw ng ice cream ni manong lalo n at naka-apa haha (alam mo na kung bakit).
    Suki din si nanay ng walis tambo. Kailangan pang baluktutin ang dulong bahagi, kapag marami ang matigas n naiwan ibig sabihin maraming malalagas. =)

    Karamihan inilalako noon. Parang nakakapagod maglakad sa buong baryo at mag alok ng paninda. Pero nakakatuwa sila, kahit pagod na mga nakangiti pa rin. May lakas pang magkwento ng nangyari sa kanila maghapon. Kumusta na kaya sila ngayon…

    Ganyan din po sa amin noon ^_^

    Tugon

    • hello, froggy… ahaha, alam na alam ng isang bata dyan, patatawarin. hay nako, feeling namin noon deprived kami sa ice cream… pagtuntong ko ng peyups, dirty ice cream ang madalas na dessert pagkakapananghalian, hehe.

      sa amin naman, pagkakabili ng walis tambo, tinatahian pa uli sa malapit sa base para konti lang ang mga hiblang manlalaglag, ahihi. ^^

      hala, feature ang maglalako sa hamak kong childhood. katunayan, maliban sa mga propesyong ipinapa-recite sa akin noon, “when i grow up, i want to be…” ganyan, ang unang pangarap na na-formulate on my own, maging maglalako, as in. gusto ko noong maglako – makakapasyal na, may kinita pa.😉

      later on, pagtuntong sa city, gusto ko nang maging fish vendor. may pera na, naka-cutex pa, haha. sayang at di natupad. may post ako sa ssa, saan napunta ang mga pangarap, nyehehe.

      ahaha, nag-usap ang mga promdi…😉 good day sa iyo, teynks sa pagdaan…

      Tugon

  5. may tuldok sa taas ng “Magiwan ng Tugon”. kinaskas ko akala ko dumi.😀

    Tugon

  6. Ang saya! At nakadagdag ang mga larawan sa saya. Kaya ngayon, “Ang saya saya!”🙂
    Naranasan kong hindi magkandaugaga sa tuwing tumutunog ang torotot ng maglalako ng puto’t kutsinta. Isa sa mga masasayang alaala ng kabataan ko nung pinakyaw namin yung buong tinda pagkatapos ng ‘encuentro’ sa easter sunday at sabay sabay naming nilantakan.😀 Kumain din ako ng dirty ice cream ngunit wala pa sa bokabularyo ko noon ang dirty. Ice cream pa lang.🙂

    Tugon

    • ang saya-saya nga! talaga, nakatulong ang pics? aliw… hala, naging suki rin pala kayo ng maglalako? masaya kaya ang mag-abang, hahaha. masarap ang kutsinta. kutsinta for the win…. hihi… hindi dirty ang ice cream ng sorbetero, mukha lang dirty kasi usually, maiitim at di bihis ang magtitinda, hehehe. parang magic kaya ang dating ng bell ng manong sa isang bata? lol.😉

      Tugon

  7. Sa amin may maglalako ng mais na kung tawagin ay “Kilitian Mais o Kulti” parang nilaga ito na nakatangal na sa kanyang subal, may kasama itong kinugkod na niyog at lagyan ng asin.
    Isa rin nag lalako sa amin yung nag hahasa ng kutsilyo at itak, may kakaibang bisekleta ang mamang ito dahil dala niya ang de padyak na pang hasa sa kasama sa kanyan bisekleta at ang hindi ko makalimutang naglalako sa amin ay ang nag bebenta ng mais na nilaga (bukod ito sa “kulti”) dahil suki ko ito lalu na kung sweetcorn, makakaubos ako ng 3-4 na mais. Nice post San🙂

    Tugon

    • hello, kiko… binatog, binatog naman ang tawag sa kulti nyo doon sa amin, ahaha. meron ding maglalako ng binatog sa MM, btw.

      ang maghahasang naka-bike naman, sa MM ko na na-encounter. may suki rin kaming maghahasa ng kutsilyo, parang tatay-tayan ko na nga sya. pati ‘yong mamang maglalako ng isda sa community namin. ang nakakabilib sa kanila, parang come hell or high water, hindi sila lumiliban or nawawala sa route nila.🙂

      ang subal is ‘yong body ng mais, tama ba? uy, ansarap nga ng sweet corn na nilaga, as in… salamat, kapatid.😉

      Tugon

  8. Sa lahat ng dumadaan sa inyong naglalako ng kung anu-ano, sino pang may kailangan ng tindahan. Parang mall na lumalakad.

    Tugon

    • hello, pinoytransplant… malalayo talaga ang mga tindahan sa nayon, as in…wala naman pating masyadong pambili maya’t maya ang mga tao ro’n so, ayos din, hihi.😉
      salamat sa pagdaan at sa iniwang trace… magandang pasko po…🙂

      Tugon

  9. aba! at buong mall pala ang dumadaan sa inyo noon!! ehehehehe.. naalala ko din ang mga naglalako sa amin.. pinakapaborito ko ay ang taho sa umaga at nilagang mais sa hapon.. yummy!! hi san!! *kaway-kaway* kamusta ka na? malapit na weekend! have fun!!

    Tugon

    • hi, Pot… ahihi, wala pang malls no’ng time na ‘yon sa probinsya namin. bazaars pa lang meron, nasa city – medyo malayo… ahaha, walang magtataho sa amin saka wala ring nagtitinda ng penoy-balot, sayang… pero naadik ako sa taho no’ng makatuntong na sa city. parating nag-aabang ng taho, parang ikaw lang, hehehe. masarap ang mais pag di magulang, as in…. eto, getting by. ikaw, musta?

      shaks, malapit na kamo ang paskong weekend. i dread the thought, ehehe, cheers!🙂

      Tugon

  10. review lang… hihihi. binalikan ko ang liham, andami ko pala dapat sagutin doon.

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: