Bakbakan: Mga Pelikulang Patok sa Baryo

 

Naaalala mo pa ba ang mga pelikula nina Fernando Poe, Jr. at Lito Lapid? Iyong ang bida ay palaging api sa umpisa, pagkatapos ay babawi, lalaban at sa huli -siyang magwawagi? Iyong mga pelikulang ang lead actor ay laging tahimik, gentleman at tagapag-tanggol ng mga naaapi? Oo, iyong ang mga kontrabida ay sa unang tingin mo pa lang, mukhang hindi na gagawa ng mabuti – sina Paquito Diaz, Max Alvarado, Romy Diaz at Bomber Moran? Iyong mga pelikulang maraming habulan, suntukan at barilan. Oo, iyon na nga.

 

sketched images of FPJ, borrowed from fpj-daking.blogspot.com

Larger than life presence of the king of Philippine movies/fpj-daking.blogspot.com

 

Sa kanyang mga pelikula, si FPJ ay laging inilalarawan bilang matipuno, tahimik at maginoong bida. Si Lito Lapid naman ay talagang maliit, maitim at may bigoteng bida – Pinoy na Pinoy, kumbaga. Sa pagkaalaala ko, ang mga pelikula ng dalawang aktor na ito ay laging puno ng bugbugan at mga pantastikong labanan. Sa umpisa, ang karakter na ginaganapan nila ay laging dehado. Sa huli, sila na ang llamado. Sa umpisa, sila ay ipinapahiya at tinutugis. Sa huli, nalilipol nila ang mga masasamang kalaban at itinatanghal sila bilang bayani ng pamayanan.

 

Doon sa amin, kapag dinuru-duro na si FPJ sa pelikula, umpisa na ng aksyon. Naka-pokus na ang atensyon ng lahat sa tv. Ganoon din kapag iginapos na ng kaaway si Lito Lapid… Alam na ng lahat na  magpi-pick up na ang istorya. Ang kasunod na noon – ang paghihiganti ng bida. At sa puntong iyon, kakampi na nila ang mga manonood.

 

Ano ba naman kung patumbahin ng nag-iisang lalaki ang isandosenang haragan sa pamamagitan ng mga rapido niyang suntok? Masayang-masaya ang mga manonood noon sa amin at sinasabayan pa ang kilos ng kanilang idolo. Ano ba naman kung bugbugin ng todo ang bida, pagkatapos ay ipahila pa siya sa kabayo para mapanood ng madla? Alam na ng mga taga-roon sa amin, ang kasunod noon ay ang pagbabalik ng bida sa bahay ng panginoong maylupa – para magpadulas sa makintab na sahig, habang bumabaril.😉

 

poster of a Lito Lapid movie, borrowed from video48.blogspot.com

Poster na imahe ng pelikula ni Lito Lapid noong ’60s/video48.blogspot.com

 

At ano naman ngayon kung sa mga pelikulang iyon ay may mga lumilikong bala, nahahating bala at balang tumatalbog kapag ang bida ang tinamaan? Mas mabuti nga, para malaman ng mga kaaway na wala silang takas. Ano namang masama kung ang bidang naubusan ng bala ay hahagisan ng dalawang kalibre 45 na mapapaputok niya ng sabay – maski baligtad ang kanyang pagkakasalo? Mas maigi nga, para ilang kalaban agad ang bubulagta.😉

 

poster image of Lito Lapid as Leon Guerrero, borrowed from video48.blogspot.com

Si Leon Guerrero,’80s, ang tagapag-tanggol ng mga naaapi/video48.blogspot.com

 

Para sa mga taga-amin, hindi usapin kung kapani-paniwala ba ang mga stunts na ginagawa on screen nina FPJ at Lito Lapid. Ang importante, puno ang mga iyon ng aksyon at bakbakang katakut-takot. Ang mahalaga ay mapagtimpi at matiisin ang bida, pero kapag lumaban – mapapaluhod at mapapatumba niya ang lahat. Ang importante ay ang kababaang-loob, sapagkat sa huli,  ang taong mayroon noon ang nananaig at nagtatagumpay. Marahil, ito ang mga dahilan kung bakit – patok na patok doon sa amin – at sa iba pang bahagi ng bansa, ang mga pelikula nina FPJ at Lito Lapid.🙂

 

image of Lito Lapid, borrowed from tigaslang.blogspot.com

Mapagtimpi pero matapang/tigaslang.blogspot.com

May mga iba pang mga bituing pinapanood sa baryo namin. Sina Joseph Estrada, Ramon Revilla Sr., Tony Ferrer, Jess Lapid, Jr., Dante Varona, Jun Aristorenas, Ramon Zamora at Zaldy Zshornack ay marami ring taga-subaybay. Sa mga dramatic actors naman,  marami ring tagahanga sina Rudy Fernandez, Phillip Salvador, Christopher de Leon at Dindo Fernando.

 

image of FPJ by the sea, borrowed from pep.ph

Tagapag-tanggol, kasama, kaibigan at idolo/pep.ph

Pero walang makakatalo sa hatak nina FPJ at Lito Lapid sa mga taga-roon sa amin. Para sa mga kababaryo ko, sila talaga ang mga artista at idolong walang katulad.

 

Sa aming pamilya, ang nanay namin ang masugid na tagahanga ng dalawa. Mula noong maliliit pa kaming magkakapatid, hanggang sa magkabait na, lambing na ng Inay sa mga anak na samahan siyang manood sa telebisyon ng mga pelikula nina FPJ at Lito Lapid. At kahit sabihin pang wala naman sa aming die-hard fan ng dalawa, agad naming pinagbibigyan ang aming ina. Saan ka pa, iyon na ang pagkakataon para maka-score ng ganda o pogi points sa aming nanay.😉

 

poster image of the film, Sutlang Bakal, borrowed from fpj-daking.blogspot.com

Kalaban ng mga bandido/fpj-daking.blogspot.com

 

poster image of the film, Leon Marahas, borrowed from fpj-daking.blogspot.com

Kalaban ng mga sundalong Hapon/fpj-daking.blogspot.com

poster image of the film, Asedillo, borrowed from pep.ph

Isang gurong naging rebelde dito si FPJ/pep.ph

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

poster image of Alakdang Gubat, borrowed from fpj-daking.blogspot.com

Mabangis dito ang hari/fpj-daking.blogspot.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

poster image of the film, Partida, borrowed from wowpinoytvko.yolasite.com

Istilo ni Rambo ang pakikipaglaban/ wowpinoytvko.yolasite.com

 

* Huling binago ni Doon Po sa Amin noong ika-22 ng Nobyembre 2010 para idagdag ang mga larawan.  Maraming salamat sa mga site na pinaghalawan.

 

5 responses to this post.

  1. natawa ako sa mga nabanggit mong hindi kapani-paniwalang pangyayari na pinapalagpas ng mga manonood😀 bakit ba naisip-isipan ng mga itong maging pulitiko?

    Tugon

    • ahaha, who can forget ang rapido series ni FPJ at ang pagpapadulas sa sahig ni Lito Lapid, naman… a, e, they got the public service bug, huh? tantyado nilang marami silang followers and influenced?😉

      Tugon

  2. Ang paraan ng paghawak ng baril.. Pormado hahha

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: