Sundot-saging, Pinindot

 

Ang sundot-saging ay tawag ng mga Tagalog sa meryendang mas kilala bilang banana que. Ito ay hinog na saging na sabang ipinrito, nilagyan ng asukal bago tinuhog ng stick. Karaniwan itong mabibili sa mga palengke at kanto kapag oras ng meryenda o kapag uwian na galing sa trabaho at eskwela.

 

image of freshly-cooked bananas on que, borrowed from 365greatpinoystuff.wordpress.com

sabang ipinrito, nilagyan ng asukal at tinuhog sa stick/ 365greatpinoystuff.

Noong ikinuwento ko sa mga kabarkada ko na sundot-saging ang tawag sa aming lugar sa banana que, nasagwaan sila. Masyado raw graphic. At medyo bastos. Isipin mo nga naman, sundot na ang ibig sabihin sa ingles ay poke. Pero iyon talaga ang tawag. Sabi ko, kung gusto nila, palitan namin at gawing tuhog-saging. Masagwa pa rin daw. O, sya, kako, banana que na lang dahil iyon naman ang katawagang alam ng lahat.

 

Tapos, nang binanggit kong ang bilo-bilo ay mas kilala ng mga Tagalog bilang pinindot, naghagalpakan sila ng tawa. Mas masagwa raw. Ipinaliwanag ko sa kanila ang proseso ng paggawa ng nasabing kakanin.

 

image of glutinuous rice, shaped into small balls, borrowed from latestrecipes.net

pantay-pantay ang pagkaka-bilog ng malagkit para sa pinindot/ latestrecipes.net

 

Una, ginigiling ang binasang bigas na malagkit. Pagkatapos, binibilog nang maliliit. Paulit-ulit na pinipisil ang mga bilog para maging malambot ang consistency. Saka inilalagay sa kumukulong tubig na siyang lalagyan ng gata, asukal, ube, kamote at iba pang sahog. Kaya, kako, pinindot.

 

Tawanan pa rin sila. Bilo-bilo na lang daw ang itawag.

 

one big bowl of bilo-bilo, borrowed from opensourcefood.com

Pinindot ang tawag sa amin sa bilo-bilo/ opensourcefood.com

 

Bago iyon, di ko naisip na masagwang pakinggan ang mga salitang iyon. Iyon talaga ang tawag sa mga pagkaing iyon sa aming lugar. At kung iisipin mo, ang ibig sabihin ng pindot sa ingles ay press. Pero sabi ng mga kabarkada ko, may innuendoes raw.  Medyo may katwiran naman sila.

 

Sa ganang akin, pag naririnig ko ang mga salitang iyon, ang naiisip ko ay pagkain. Masarap kainin ang sundot-saging pag bagong luto at kainamang meryenda naman ang pinindot kapag tag-ulan.

 

* Huling binago ni Doon Po sa Amin noong ika-18 ng Nobyembre 2010 para idagdag ang mga larawan.

 

4 responses to this post.

  1. Posted by Rakel on Oktubre 11, 2010 at 10:46 umaga

    Naalala ko pag nagba-bakasyon kami sa probinsya namin, iniigib din ang tubig mula sa poso. Ang swerte naman, yung poso eh hindi lalayo ng mga 20 talampakan mula sa bahay. Naalala ko pa, naliligo rin kami sa may poso nung mga panahong yon.

    Tugon

  2. Posted by Rakel on Oktubre 11, 2010 at 10:48 umaga

    ay! meant for another entry yung comment ko. hehe

    Tugon

  3. Pinindot… Hihi
    Dapat pinagulong ^_^ gulong gulong bago naging bilog🙂
    ..dapat madaming sago (‘yon lang kasi kinakain ko sa PININDOT… Haha nkakaloka )

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: