Hello world!

 

Welcome to my blog!

 

Sa kalakhan, ang site na ito ay tungkol sa mga karanasan namin ng aking mga kababata noong early ’80s na isinulat sa kasalukuyan.  Ang mga entries dito ay karaniwang tungkol sa buhay-bukid, naganap sa aming baryong, sa wika nga ng mga propesor ko dati,  poor and technologically backward pa.

 

Mahigit dalawang kilometro ang lalakbayin namin noon bago sapitin ang pinakamalapit na aspaltadong kalsada. May koryente na pero ilang kabahayan pa lang sa aming nayon ang nakakabili ng linya at sikat ang bahay na mayroong tv. Wala pa rin noong tubig sa gripo at lalong wala pang telepono.  At gaya nga ng sabi ng iba, marami pa noong nabibili ang singko, pero napakahirap kumita ng piso. Marami pa noong mga palayan doon sa amin.

 

Bata na ako nang panahong iyon. O, bata pa ako noon pero may kaunti nang bait para matandaan ang ilang mga bagay at pangyayaring tumulong humubog sa aking mga kapatid, kasabayan at sa akin mismo.

 

Gusto kong maitala ang mga karanasang ito para magkaroon ng ideya ang mga pamangkin ko tungkol sa buhay-buhay noong kapapanganak pa lang sa kanila o bago pa lang sila ipinanganak. Maaaring para sa kanila, ang mundong ito ay boring, weird at far out. Pero, maaari ring sa ibang pagtingin, ang kaparehong mundo ay interesting, typical at close to heart. Hindi natin malalaman hanggang di naisusulat, nababasa at napag-uusapan.

 

Sa aking pag-intindi, ang blogs ay ginawa at dinesenyo para mabasa at makita ng kasalukuyan at mga susunod na henerasyon. Tila sila mumunting paintings. Ang bawat entry ay tila canvass kung saan iginuguhit ang mga impresyon, hindi lamang ng may-akda, kundi pati rin ng mga babasa. Sa gayon, sikapin nating ang modest work of art na ito ay hindi ma-vandalize.

 

Ang mga panauhin at mambabasa nito ay welcome at inaanyayahang mag-komento sa mga paksa.

 

Maaari kayong mag-cite ng kahawig o kabaligtarang karanasan, magbigay ng kakaiba o kapareho mang opinyon sa paksa, magdagdag o magdugtong ng kwento, humingi o magbigay ng dagdag na paliwanag, magbigay ng pagwawasto at mungkahi sa nilalaman at sa anyo ng pagkakasulat, at, mag-umpisa at makibahagi sa debate (Constructive, ha?). But please do so responsibly.

 

Bawal dito ang mag-promote ng produkto at serbisyo. Iwasan din ang pagiging sobrang negatibo, sagad-sagarang panlalait at siyempre pa, ang paninirang-puri.

 

Tandaang anumang iyong isusulat dito ay maaring mabasa ng sinuman sa mundo, maging ng iyong kaapu-apuhan. Tandaan ding may option kang gumawa ng sariling blog. Panghuli, ipinapaalalang may karapatan ang may-akda ng blog, o di kaya ay ang moderator ng website (http://wordpress.com), na i-edit o i-delete ang mga komentong sa tingin niya o nila, ay di na nakakabuti sa diskusyon at di na nagpo-promote ng goodwill. Sisikapin natin ang maximum tolerance hanggang kaya.

 

Kung ang mensahe mo sa akin (may-akda) ay very personal, mas maiging i-email mo na lang ako sa read_blink_live@yahoo.com at nang tayo rin ay makapag-kumustahan.

 

Maraming salamat. Happy reading!

 

Doon Po sa Amin


4 responses to this post.

  1. nakakatuwa talaga ang rason nyo bakit nyo ginawa ang blog na to ate … nagsusulat ka sa paraang alam kung ano ang patutunguhan nito. dahil sa totoo lang sa parte ko, nagawa kung mag-blog dahil gusto kung magsulat, di ko na alam ang ibang rason..hahaha

    Tugon

    • hello, anini. sa totoo lang, nang mag-umpisa ako, hindi rin malinaw ang rason. nagsulat lang ako no’n tungkol sa bukayo at pakumbo. tapos, nakagawa pa ako ng anim na posts. saka ko pa lang naisip na i-design itong site. saka ko pa lang din naisulat itong hello, world!
      gano’n, haha…😀

      Tugon

  2. Lagi akong ibabalik sa aking kabataan na kung saan tanging unga ng kalabaw na inuula ang musikang magpapaalaala na umaga na sa baryo. Nandoon din ang budyong na nagpapanglaw sa akin noong bata pa ako, ginagamit ang budyong upang marinig ng mga kabaryo na may mahalagang pangyayari ang naganap sa nasasakupan, kadalasa’y mga kapitan del baryo ang umiihip sa budyong.
    Inihahalintulad ko ang aking kabataan sa sining na luntian at sariwa, payak at payapa, batang pangarap at pagsasaya.
    Ngunit, tumatanda ang panahon, nagiging bakat na ang mga litid sa bahagi ng katawan tanda nang kumikilos na ako sa aking sariling pag-usad. Sumasabay ang pagbabago sa ating lipunan. Kailangan nating magbago ng lugar maging sa pananaw sa buhay.
    Ito palang site mo ang sagot para mabalikan kong muli ang kalahating bahagi ng aking pagkatao dahil ako ay isang promdi na naligaw sa Kamaynilaan.

    Tugon

    • salamat sa madamdamin mong komento, kulisap.🙂

      doon sa amin ay walang kalabaw at paminsan-minsan lang may naliligaw na kabayo, ahaha. di na rin sa amin gumagamit ng budyong maski noong maliit pa ako. bell na ang gamit sa bandang amin. ang brgy captain sa amin ay parang errand guy ang dating – taga-lakad ng mga papeles sa bayan ng mga taong nasasakupan at taga-lakad rin ng mga asuntong madalas ay inaareglo lamang, ahaha…

      ang lugar namin ay napapaligiran ng bundok on three sides, maberde ang buong paligid. subalit iyon din dahilan para umalis doon ang marami sa amin – para makita at malaman anu-ano ang nasa likod ng mga bundok, paano mabuhay ang mga tao sa ibang dako…kaya ayon, nakarating kami sa Maynila, hehe.

      sa Maynila, mas mabilis ang takbo ng buhay. maraming nabibili at nakikita.. subalit marumi ang paligid at ang mga tao ay magkakalayo ng husto ang antas sa buhay. ang iba ay walang pakialam sa kapwa… di ko sigurado kung ang Maynila nga ba ang katuparan ng mga pagbabagong inaasam at hinahangad ng mga promding gaya natin. maraming bagay na rin ang aking natutunan sa lungsod at alam ko ring nababagalan na ako sa takbo ng buhay doon sa amin.

      patuloy pa rin ako at ang iba pang promdi (rin siguro) na maghahanap ng pagbabagong magbibigay-kahulugan sa pag-unlad – sa kalinangan, kultura o pananaw sa buhay. hopefully, in exploring our pasts, we may have a better grip on the present and even on the future. ahaha, malay mo? natin…🙂

      salamat sa pag-appreciate sa mga tinatalakay sa site, jkul…

      Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: