Noong maliliit pa kami, ang madalas naming kaining minatamis ay bukayo at pakumbo.
Ang bukayo ay kinudkod na magulang na pero malambot pang niyog. Ihinuhulog ito sa pinakuluang tubig na may katamtamang dami ng asukal at saka hinahalo. Tapos, ito ay pinalalamig at inihahaing hugis pabilog.
Ang pakumbo naman ay asukal na niluto sa kumukulong tubig. Kung minsan yata, sa kumukulong gata. Nilalagyan din ito ng niyog pero ilang strips lamang. Saka ihahain sa hugis na pabilog din. Kasing-hugis at halos sinlaki ng polboron ang pakumbo. Ang itsura nito, may hawig sa minatamis na bao. Pero, mas maliliit ang pakumbo. Bite-sized, kumbaga.
Pinatigas na asukal, may niyog sa loob/ forum.philboxing.com
Sabihin pa, parehong ubod ng tamis ang bukayo at pakumbo… 😉
Sa mga Tagalog, madalas pag-usapan kung alin sa dalawang minatamis ang mas masarap. Para sa akin, maski noon pa, mas hilig ko na ang bukayo. Matamis ito pero, mas maraming niyog na malambot.
May mga kalaro naman ako noong mas gusto ang pakumbo. Mas matamis daw ito at mas matagal bago maubos. Masarap din daw kapag natagpuan mo na sa loob nito ang dadalawa o tatatlong strips ng niyog.
Doon sa lugar namin, bihira ang batang papasa kay dok ang kalagayan ng ipin. Kunsabagay, nakakakita lang kami ng dentista noon, isang beses siguro sa isang taon. Iyon, siyempre, ay pag emergency na. 😉
Laging may handang ngiti ang mga bata sa amin/squidoo.com
May mga kendi rin naman kaming nabibili noon. Meron na noong Viva – na ubod rin ng tamis – Stork, Snow Bear, Lipps at White Rabbit. Pero mas mahal ang mga iyon kaysa sa bukayo at pakumbo. Bakit kamo? E, kasi may balat at may pangalan. Kaya, singko ang bawat piraso. Samantalang ang bukayo at pakumbo, dalawa singko lang. At, walang balat o balot. Nakalagay lamang sila sa mga garapon.
* Huling binago ni Doon Po sa Amin ang post na ito noong ika-18 ng Nobyembre, 2010 para idagdag ang mga larawan.
Posted by Rem Inish on Oktubre 20, 2010 at 2:09 hapon
Ang pakumbo any pwede ring pang ulam sa kanin, pag walang kape at sapsap na binangi.
Posted by doon po sa amin on Oktubre 27, 2010 at 5:06 umaga
Oo nga, may mga kilala rin akong nag-uulam ng pakumbo. Sa akin naman, masarap iuulam ang brown sugar sa kanin… :s
Posted by nadia on Oktubre 31, 2011 at 9:42 hapon
I love bukayo! You brought back sweet memories.
Posted by doon po sa amin on Nobyembre 3, 2011 at 12:03 umaga
salamat sa pagkaligaw dito sa post, nadia. haha, alam mo talaga ang bukayo! ikaw na talaga ang mala-Pinay. 🙂
Posted by CrazyFrog on Pebrero 10, 2013 at 10:12 hapon
PinaPagalitan ako ‘pag lumagpas sa dalawang kagat ng bukayo… 😦 ‘pag naubos ang isang malaking bukayo mabubuko ni nanay noon kasi mamamaga ang lalamunan at lalagnatin.. Huli! Di pwede magsinungaling lalo na pag unti nalang ang laman ng garapon sa mesa ^_^
Pakumbo din ang tawag dun sa bilog n matamis na laging may strip ng kawayan sa gilid di ba? 🙂 ano naman ang tawag dun sa mani na minatamis na parang bukayo? 🙂
Hallo San! Usapang matamis!
Posted by doon po sa amin on Pebrero 11, 2013 at 10:54 umaga
ahaha, sensitive ang lalamunan ng dear froggy. dalawang kagat lang? shaks… ang galing ni nanay mo sa monitoring, kainaman na… ang sarap kaya ng bukayo, lalo pag bagong luto – nangingintab pa,hehehe.
oo, pakumbo din. ang mani na nuluto with plenty of asukal (na hugis bilog din) ay panutsa ang tawag sa amin. 🙂
ahihi, mahilig talaga sa matatamis ang blogger dito. borderline diabetic, hihi. howdy, froggy! salamat at naparine ka sa gawing ire… 😉