Mga Paskil na Minarkahan ‘babaeng may-asawa sa kanayunan ang prototype ng pinakamahirap sa bansa’

Hindi na maputik ang daan sa amin, part 8

 

Hello, mga ka-blogs! Puntahan na natin ang usapin ng kahirapan o poverty. Tutal, dito naman nag-umpisa ang ating usapan – doon sa kako ay liblib na, mahirap pa – ang lugar at panahong pinagmulan namin. Sabi ko, nakakatuwa, may cemented roads na doon sa amin – connected na ang mga tao at bawas na ang hardships sa buhay. Ang laking kaibahan sa dati… Pero, bakit tila yata naghihikahos pa rin ang nayon? O, kung susuriing mabuti, parang mas naghihirap pa? Hindi nga… :)

 

Image of a young girl in rural Philippines

Larawan ng isang batang babae sa nayon sa Pilipinas/ http://www.poverty-in-the-philippines.com

Mahirap at salat ang buhay sa nayon - stereotype na palagay ng marami. Payak o simple rin ang pamumuhay, routines at pati kaligayahan ng mga tagaroon, sabi… Sa mga di nakatira sa nayon, parang exotic ang tumira sa kabukiran – isang experiment sa alternative lifestyle o kaya ay natatanging privilege… Na parang ang pagtira roon ay usapin lamang ng pagpili – kung nais ng tao ay mahirap ngunit payak na buhay sa bukid  o ang may-asenso raw, pero kumplikadong buhay sa bayan o lungsod. Na tila nasa tao ang pagpapasya sa lahat ng oras – kung ang gugustuhin niya ay ang sinauna, ngunit may pagka-atrasadong pag-iral o ang pangkasalukuyan, ngunit makabago at nakakasabay na klase ng buhay. Totoo ba? Totoong nasasakanya ang pagpapasya? Na pipili lamang siya kung saan ang lokasyon at magkakatotoo na ang mga pagbabago sa kanyang buhay-buhay? :) Totoo ring paglikas niya sa lungsod ay agad mababago ang kanyang identity at uri ng pamumuhay? Tiyak ang pag-asenso?

 

Sa Sociology, mayroong tinatawag na birth circumstance o kalagayan ng tao noong siya ay ipanganak. Sabi rito, hindi napipili ng tao ang kanyang birth circumstance – sino ang kanyang mga magulang, saang lugar siya isinilang, ano ang kalagayang pangkabuhayan at panlipunan ng kanyang pamilya at kailan o anong panahon o historical age siya ipinanganak… Sa Western philosophy, ang taas ng pagdidiin sa kakayahan ng indibidwal na taong panghawakan at i-direhe ang kanyang pansariling buhay. Ang tinutuntungan, ang pagkakaroon daw ng free will ng isang tao, ang kanyang kakayahang i-determine at isabuhay ang klase ng buhay at pag-unlad na nais niyang tahakin sa mundo… Na kaya niyang lampasan ang birth circumstance – sapagkat siya ay free and self-determining. Free nga ba? Self -determining nga ba ang tao o  nakatali siya sa kanyang sitwasyon at mga panlipunang ugnayan? :)

 

Sa nakaraang posts, napansin nyo marahil, kung ilang ulit kong ipinag-sentimyento ang marginalization namin noon by distance, by location. At wari ay malalim ito – nagkahiwa-hiwalay kaming magkakapatid dahil sa pag-aaral. Walang high school sa aming baryo. Ibig sabihin, kung ang isang taga-roon ay nais mag-aral, tiyak na aalis siya sa lugar. Pero, paano kung walang pera o salaping gugulin sa paglipat? At lalo pa, para sa gastusin sa pag-aaral? Marami sa aming magkakapatid, nakitira para makapag-high school. Nanirahan, ibig sabihin, parang nag-katulong sa kamag-anak para makapasok, hindi nakakauwi sa sariling bahay maski weekends. Madalas noong pinag-aawayan ng aming mga magulang ang pagpasok ng mga anak, namin… Para sa aming ama, huwag nang mag-high school – bakit pa? Para sa aming ina, iyon ang pinakamahalaga.

 

Image of a rural community without electricity in the Philippines

Wala pang semento, ni aspalto ang mga kalsada sa amin noong nasa elementarya pa ako. Wala pa ring koryente sa lugar namin/ article.wn.com

 

Alin-alin nga ba sa mga pagdarahop at kahirapan noon ang mga pagtitiis na dapat talagang tiisin? Alin-alin doon ang marapat na iangal, ireklamo? Kasi, sabi, pag mahirap at pare-pareho lang namang mahihirap sa lugar at panahon, walang issue – dapat… Iyong sinasabing dictates of the times? Pare-parehong nagluluto sa kalang de-kahoy, nag-uulam ng gulay lang at least, tatlong araw sa isang linggo at, naglalaba sa sapa – sapagkat pare-parehong walang running water, ahaha. Pare-pareho rin, pag pasko lang nagkakaroon ng bagong damit o may mga taon nga, ni hindi pa. Pare-parehong kulang at kulang ang pambili ng mga pangangailangan sa pang-araw-araw… Pare-pareho ring kulang sa aral, sinauna at magaspang ang kalinangan at kulturang kinagisnan at nilakihan, at,  hiyang-hiya, tuwing may darating na kamag-anak o panauhing taga-malaking lungsod, “Ay, pasensya na kayo, ganito lang kami… Ito lang ang mayroon, ganito lang ang nakayanan. Pagpapasensyahan ninyo…” Ganyan.

 

Maaaring itanong, gaano katagal na pamumuhay, ilang henerasyon, bago  makaranas ang isang pamilya ng ease o gaan sa buhay? Kusa bang dumarating ang mga kaluwagan at kaalwanan sa buhay o pinagsusumikapan at pinagtatrabahuhan ng walang humpay? Nangyayari rin bang panay ang pagtatrabaho at pagsusumikap ng tao, pero lubog at tubog pa rin sa hirap? Sa Social Science, may sinasabing structural poverty at transitional poverty. As the term suggests, ang structural poverty ay tila mga pader – odds stacked against a person, constraining him from becoming rich. Ang transitional poverty, mga hadlang na panandalian lang at nalalampasan din – sapagkat hindi naman structural or basic constraints. Ang marginalization by distance, isang halimbawa ng structural constraint. Dahil sa layo, nawawalan ng access ang mga nakatira sa isang lugar – sa basic sanang oportunidad at serbisyo – pagkakataong maghanapbuhay, mangalakal, mag-aral, mag-avail ng health services at makapagpa-ospital, kung maysakit.

 

Image of a man and his son loading up his boat with banana harvests

Mahirap ang mangalakal kapag walang maayos at mabilis na transportasyon/ http://www.kayavolunteer.com

 

Ang halimbawa naman ng transitional poverty ay pansamantalang pagka-lay off sa trabaho or in-between-jobs situation, pagkakasakit (na hindi tumutuloy sa disability), pag-aasawa or contracting a marriage (sapagkat malaki ang gastos sa wedding at may mga gastos sa pagpupundar ng pamilya), pagkabalo at pagkakaroon ng family emergencies (pagkakasakit ng kapamilya). Sinasabing ang mga ganitong sitwasyon, panandaliang paghihirap lamang ang dulot sa tao, sapagkat nalalampasan at karaniwang may nahahanap  na solusyon. Sa mayayamang bansa, ang usual recourse ng tao sa mga ganitong pangyayari – gumamit ng savings o halagang naitatabi o di kaya, lumapit sa malalaking institutions para sa aid, welfare, assistance or loans. Sa mga mahihirap na bansa, mas karaniwan na ang nagigipit ay lumapit sa pamilya, kaibigan at sa informal channels, associations or networks – para makatawid ang indibidwal sa mga alanganing sitwasyon.

 

 

Map showing the Gini score of some European countries

Mabababa ang Gini score ng karamihan sa European countries kumpara sa ibang bansa /shaneleavy.blogspot.com

Sa international na antas, ang Gini coefficient ang ginagamit na metric ng income inequality. Ito ay formula para sukatin ang distansya sa pagitan ng pinakamayayaman as against sa pinakamahihirap. Ito rin ang gamit para ikumpara ang income inequality across countries… Sa Gini measure, frequency distribution ng values ang sinusukat – ang pinaka-equal na kalagayan ay zero (0) at habang papalapit sa one (1) ang coefficient, nagiging higit ang inequality… Naipapakita at naimamarka ng Gini measure ang rich, poor at ang middle class sa mga kasapi o nasasakupan. Ang premise, nasa iisang bansa at may iisa at interconnected na ekonomiya ang mga mamamayan. Ibig sabihin, iisang economic pie, iisang pinagkukuhanan at pinaghahatian ng mga miyembro. Iisa rin ang pamahalaang gumagawa at nagpapatupad ng batas at nagbibigay ng economic sanctions and incentives. Sinusukat ang inequality para – makita gaano karami at alin-alin ang lalaanan ng transfers or welfare measures, matukoy ang vulnerable sectors at mailatag ang poverty indicators, para batid ang suliraning tutugunan at i-a-address.

 

Image of urban poor boys taking a rest in between scavenging plastics

Paglilibang na rin para sa kanila ang mamahinga sa pagitan ng pamumulot ng plastik na ipagbibili/ aangirfan.blogspot.com

Before we get too technical on the subject, punta muna tayo sa usapang leisure. Sa mga mayayaman, maaari silang mag-weekend sa Hongkong o sa Maldives o kaya, magbakasyon sumandali sa Bahamas – tatlong araw o isang linggo mula nang kanilang mapagpasyahan o maisip. May panggastos sila at mabilis na lang ang preparasyon, kahit pa may kamahalan ang byahe… Sa middle class, ang ganito ay reward sa sarili at karaniwang pinag-iipunan at pinaghahandaan ng isa, dalawa o tatlong taon bago maisakatuparan… Sa mga mahihirap, maaring ang paglalakbay ay pag-ipunan ng halos buong buhay at makakamit sa dulo o, maaaring hindi pa rin… Katunayan, sa karamihan sa mahihirap sa atin, out of the question ang magbyahe  – maliban na lang kung sa labas ng bansa magtatrabaho. Sa gayon, ano ang kadalasang anyo ng leisure o paglilibang para sa mahihirap? Mas malamang, makipagkwentuhan sa kapitbahay, dumalaw sa kamag-anak, maglakad sa parke (kung nasa lungsod) o magpahinga sa may gulod (kung nasa baryo). Sa mas adventurous – mag-bingo, mag-inom o pumunta sa bahay-aliwan sa lungsod.

 

May kaibahan ang mahihirap sa bukid at ang mahihirap sa lungsod. Ang rural poor ay karaniwang may bahay na sarili, ngunit madalas – kapos sa pagkain, pambili ng pangangailangan at parating nagdarahop… Ang urban poor ay homeless or squatting illegally, subalit may kabuhayan – sa mga delikado, kundiman, illegal or degrading na larangan. Kapos din sila sa buhay at mababa rin ang tingin sa kanila ng lipunan… Ayon sa mga pag-aaral, ang prototype ng pinakamahirap o poorest of the poor sa Pilipinas – – babaeng may-asawa sa kanayunan, babaeng magsasaka… Napakababa ng kanyang income, kulang siya sa nutrisyon, bagsak ang katawan sa trabaho at mababa ang kanyang social standing. Sinasabi roong mas madalas, ipinapahuli ng Nanay sa bukid ang kanyang sarili – maging iyon man ay sa pagkain, gamot, damit o panggastos – ang inuuna niya ay ang sa asawa at mga anak na lalaki.

 

Sa kabilang banda, magkaiba ang anyo at mukha ng kahirapan sa mahihirap na bansa at sa mayayamang bansa. Ang malaking pagkakaiba ay sa infrastructures – kalsada, tulay, ospital, koryente, linya ng telepono, public facilities tulad ng paliguan – mga bagay na given at nai-enjoy maski ng mahihirap sa mayayamang bansa, ngunit wala o kapos o matatagalan pa bago magkaroon, ang mahihirap – sa mahihirap na bansa. Karaniwan, may assistance o subsidy sa poor in rich countries,  habang napakaliit ng scope ng cash transfers o ayuda sa poor in developing nations…  Sa karamihan ng developed nations, may universal insurance and health care package ang mga mamamayan, wala nito sa mahihirap na bansa. Kadalasan, ang pagkakasakit ay daan para lalong maghirap ang mahirap na… Mayaman man o mahirap na bansa, parating may poor sectors. Parating marked ang disparity of incomes at may maliit na segment ng population na ubod ng yaman at luho ng buhay.

 

Ang oil-exporting countries (OECD) at ang European Union (EU), ang ginagamit na panukat ng income inequality ay ang relative poverty. Dito, ikinukumpara ang income ng poorest one-third of the population sa income ng pinakamayamang 1%. Ang bansang U.S. at ang institusyon ng World Bank, ang ginagamit namang panukat ay ang absolute poverty. Ang absolute poverty measure ng U.S., may base year na ginagamit (1963-64), based on Department of Agriculture’s  Food Plan multiplied by a factor of three. Bale, parang food budget ng pamilya ang tinitingnan at may absolute poverty line na tinatawag – alinman sa above or below ang isang pamilya… Samantala, ang World Bank absolute poverty measure, mas nakatuon sa nutrisyon or food security – kung naabot ba ng isang tao ang minimum dietary requirement – 2200 calories per day. Pag hindi, andoon siya sa kalagayang extreme poverty.

 

Sabi sa pag-aaral ng World Bank, 1.1 billion people ang nabubuhay sa less than $1 sa isang araw at 2.7 billion naman ang nabubuhay sa less than $2 a day – sa buong mundo, noong 2001. Ang ibig sabihin, halos ikaanim ng world population, in a state of extreme poverty…  Sabi rin, may 50,000 na namamatay araw-araw, dahil sa poverty-related diseases, karamihan ay women and children. Dagdag pa, sa buong mundo, 11 million children ang namamatay taon-taon, bago sumapit sa ikalimang taong gulang. Panghuli, may 800 million na tao raw na natutulog sa gabi ng gutom – dahil walang makain… Sa kasalukuyan, mayroon na ring tinatawag na non-income measures of development na mas nakatuon sa well-being ng tao. Bilang panukat, unti-unti na rin silang tinatanggap ng marami sa mundo. Ang mga halimbawa – life expectancy ng mga tao sa bansa, child mortality (kung pataas o pababa ang bahagdan ng mga batang maagang namamatay), maternal health, percentage of children in the labor force (kung paliit o palaki ang bahagdan), literacy of children at iba pa. :)

 

Ikinukewento ko ang mga ito sa inyo, ka-blogs, hindi para paduguin ang inyong mga ilong, ahihi. Sa totoo lang, kahit ako, nahirapang magtalakay ukol sa kahirapan, ahaha… Dito sa series, ito ang komposisyong pinakamatagal bago naisulat at nabuo. Ang malaking challenge – alin-alin sa napakalawak na sakop ng subject matter ng poverty ang i-include at i-exclude sa talakayan?

Nais  sana, maitsurahan natin ang malaking larawan ng poverty – worldwide and nationwide – para pag nagsasalita tayo sa usaping kahirapan, hindi lang siguro mga personal nating karanasan at encounters o di kaya, pansariling biases, ang tuntungan natin… Wala namang taong gustong maging mahirap, di ba? Walang mahirap na gustong manatiling mahirap. Basic sa tao ang desire for advancement, sabi… :)

 

Chart showing Gini scores of selected countries in 2009

Pinakamababa ang Gini scores ng Denmark at Japan bagaman hindi singtaas ng sa Singapore ang GDP per capita nila/ synthesistblog.com

 

But things may not be as easy for others – for the multitude others – who did not and do not have the same infrastructures, securities, education, cultural exposure, social and economic opportunities, enjoyments, that we have had. That only a privilege few, have… Ang mahihirap, maraming structural impediments na kailangang tawirin. At ang pagtawid sa tulay ng kahirapan, hindi nakukuha sa isang salin o palit lang ng henerasyon, sadly…

Pwedeng may isa o ilang kasaping maunang umangat sa isang pamilya, iyong nakapag-aral at nabigyan ng mas maraming pribiliheyo at confidence para ituluy-tuloy ang pag-asenso. Ang iba ay matatali na sa cycle ng pang-araw-araw na pamumuhay. Mayroon ding nababalaho sa pag-angat at pagsulong ng malalaki at matitinding suliranin. Mayroong iginugupo ng frustrations at nauubusan na ng drive. Hindi pare-pareho, hindi sabay-sabay… Kahit iyon, sana, ang ating nais… :)

All am saying, hindi lamang usapan ng values ang pakikihamok sa kahirapan. Importante ang values, oo. Pag may mas maayos na value set ang tao, mas kaya niyang harapin ang mga hamon, mas kaya niyang tumingin sa pangmalayuan at mag-sakripisyo – mahahalagang ingredients para magtagumpay sa buhay… Isa pa, hindi magandang tingnan ang mahirap na nga, masama pa ang ugali, haha… :) The thing is, kung papansinin natin, karamihan sa mga naunang yumaman, hindi rin kagandahan ang values, hihihi. ;)

Anyway, sang-ayon sa mga pag-aaral, close to .50 ang Gini coefficient ng Pilipinas, mga kapatid… Halos kalahati ng 1, mataas ito kumpara sa napakaraming iba pang bansa (.440 or 44%, ayon sa Stratbase Research Institute, ayon naman sa iba, .457 or 45.7% ang Gini score ng Pilipinas) … Ibig sabihin, seryoso ang problema ng Pilipinas sa usapin ng allocation of resources – mataas ang inequality among its citizens. Ibig sabihin, malaki ang kailangang trabahuhin ng pamahalaan natin sa reallocation. Ang reallocation, isa sa importanteng function lagi ng gobyerno – ang mag-equalize. Ang pinapantay o inililipat, hindi naman direktang resources, kundi opportunities ng mamamayan through policies o mga panlipunang patakaran. Sa ibang pagkakataon, maari natin itong i-discuss… :)

 

Chart showing the income distribution among regions in the Phils.

Pinakamataas ang Gini sa Region IX at pinakamababa sa ARMM, ayon sa official statistics/ http://www.nscb.gov.ph

 

 

Image of a young girl leaning on a post in the Philippine rural area

Kung makakatapos ng pag-aaral si Ineng, baka sakaling maiangat niya ang buhay ng pamilya/ http://www.shutterstock.com

 

Ayon sa pag-aaral ng isang international microfinance group, 15 years at least, ang kailangan para raw may makitang markadong pag-asenso sa isang pamilyang mahirap sa Pilipinas. Bakit 15 years? Kasi pala, 14 years (sa dating curriculum) bago may isang miyembrong makatapos sa pag-aaral. Pag may naka-graduate na anak, nagka-trabaho ng maayos-ayos at hindi agad nag-asawa, saka pa lang – maipapa-repair somehow ang bahay, makakabili ng bagong set ng pinggan, mapapalitan na ang lumang duster ni Nanay at kahit paano, magkaka-family time na pag Linggo, ahaha… :)  O, di ba? Nakakaiyak na nakakatuwa ang plight ng pamilyang Pilipino… ;)  

 

 

Susubukan ko, kung may mga kasunod pa ito, mga kapatid, ha… Let’s keep our fingers crossed. Hehehe, medyo matrabahong gawin ang ganitong post. Marami-rami ang cross-checking bago mai-finalize… ^_^

 

I hope, kahit paano, may naibabahagi ako sa inyo. Happy weekend!  :)

 

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 139 other followers