Imbak para sa Kategoriyang ‘Buhay-buhay Doon sa Amin’

Si Yolanda at ang mga puno ng niyog

 

Hello, ka-blogs… Kumusta kayo matapos itong bagyuhan? Ay, hanging pampasko na, napansin nyo rin? Kahapon pala, paggising ko, napansing may snow sa site, nanlalaglag sa screen ng WordPress, hihi. Natuwa ako, countryside na countryside ang dpsa, sa tropikong bansa, tapos may snow? Aliw… Anupaman, masayang pagbati sa panahon ng kapaskuhan… :)

 

Tungkol sa ating paksa, napansin nyo rin marahil ang mga puno ng niyog sa mga lugar na hinagupit nitong napakabangis na bagyong itatago natin sa pangalang Yolanda, ahihi. Oo, yon, tanging sila ang naiwan matapos ang pagwawala ng kalikasan, ahaha. Last one standing lang ang peg ng mga nasabing puno – tall, stately and proud – sila na… ;) So, bakit nga at paanong sila ang tanging naiwan?

 

Image of a part of the Visayas that has been hit badly by supertyphoon Yolanda

Tila kalansay na lamang ng lugar ang natira sa mga pook na tinamaan ng mahigpit ng bagyong si Yolanda o Haiyan… / globalnation.inquirer.net

 

Ay, kakaibang bagyo itong lola natin… Kinaya niyang buhatin ang mga sasakyan at ihagis ng kung ilang metro, hoho. Itinumba niya ang mga poste ng koryente at telepono, inihampas at iwinasiwas ang mga iyon sa mga gusali, kainaman na. Habang pinapanood, parang hindi totoo? Parang palabas sa cartoons, ay… Hindi lang niya binali ang mga sanga at katawan ng kalalaking puno, binunot pa niya ang marami – kasama ang mga ugat – bago ihinandusay sa tabi-tabi. E, tayo, dito sa Pinas, nakagisnan na natin, dalawa o tatlong puno lang sa isang village ang karaniwang naitutumba ng isang malakas-lakas na bagyo. Balita na sa atin pag may punong naitumba, oo. At mas madalas, kaya ang mga iyong i-clear out ng authorities, sa loob ng dalawang araw…

Sanay na tayo sa mga bagyo, ahaha. Tayo na… Pero yon, mas sanay tayo sa bagyuhang pagkakadilim ng paligid, umaalulong ang hangin at may nagliliparang mga yero ng bubong. Pag minsan, may kasamang mga bintana, ahaha. Ay, hindi si Lola Yolanda. Sabihin na natin, ini-level up, up nya ang bagyo experience ng mga Pinoy… ;)

 

Iyon ang isa, may kasama si Yolandang “storm surges of the sea,” term na nito-nito na lang natin narinig. Sa madaling salita, nagkaroon ng sariling buhay, galit at galaw ang mga alon ng dagat. Umahon sila at nanalasa sa mga pampang, hinabol ang mga tao, kainaman na…

Kung inyong mapapansin, sa mga lugar na matatagal nang tirahan ng mga tao, sentro madalas ang tabi ng tubig. Naroroon ang maraming istruktura, may pamilihan at siyempre, may pantalan o port… Wala naman, iyon lang mga iyon ang binayo ng storm surges. Alala nyo yong sa Bibliya, ang wall of Jericho? Ayon, parang ganoon ang ginawa ni Yolanda sa Tacloban at sa coastal villages sa Kabisayaan – ni-ram through ng mga higanteng alon ang breakwaters at structures doon, ang una sa line of defense ng mga lugar sa tabing -dagat …

 

Anyway, mabalik tayo sa mga puno… Ang dramatic ng shots na ravaged ang buo-buong lugar tapos, tanging mga puno ng niyog na panot sa isang side ang natira, o, di ba? Post-apocalypse scenario, hoho… Tapos, ang camera man ni Anderson Cooper, panay ang pakita ng mga patay na taong nakahandusay sa daanan at sa tabi, pambihira… Anyway, ang kwento, habang dumarami ang mga nakahandusay – formerly animate and inanimate objects – tumataas at bumibilis ang fund-raising for the victims sa West, lalo pa sa Europe. Ewan ko, hindi ko rin alam ang eksakto, pero fever-pitch daw – dinaig pa ang sabungan pag may special derby, ang auction houses sa kasiglahan ng bidding at ang stock exchange, pag araw na masiglang-masigla ang trading, kainaman na… Hindi raw nababakante ang mga telepono sa telethons – para sa mga nasalanta ng pasaway na si Yolanda. Ayon…

 

Bakit pala na-shock ang mundo sa mga patay na ilang araw na ay di pa naililibing? Di nga, seryosong tanong… Bukod sa health consideration at sa amoy, amoy na naaamoy ng typhoon survivors at delikado sa kalusugan ng mga bata, ano pa ang meron doong ikinagimbal ng mga manonood? Sapagkat, saanmang lugar at sa  anumang kultura, parating may paggalang sa patay. Yown… Kung maalala natin, kahit sa panahon ng gera, basta may pagkakataon, ang mga sundalo ay humihinto at kung di man nila maitabi ang bangkay, isinasara nila ang mga mata at inilalagay sa gitnang bahagi ng katawan ang mga kamay nito – tanda ng paggalang at pagbibigay-pugay sa buhay. Ayon…

So, unang pagkakataong nangyari, wari ko, na may na-witness ang mundong ang itsura at pagkakaayos ng mga patay ay pareho pa rin, matapos ang ilang araw… Sobra-sobra marahil ang shock ng mga naiwang buhay sa naranasang bagyo – na-traumatized at na-paralyzed ang marami sa kanila. Iyon din marahil ang paliwanag — bakit marami sa mga nanghihingi at naghahanap ng makakain – children survivors — walang lakas at huwisyo ang matatanda para sila ang maghanap at dumiskarte. E, siyempre, mas mabilis mag-bounce back ang mga bata, sila ngayon ang lumalabas sa evacuation areas at sa temporary shelters – para maghanap ng tubig at makakain. Parang pag may pista sa mga baryo? May mga batang naghilera sa kalye – hinaharang nila ang bawat makitang sundalo, rescuer, foreigner at journalist – hininihingian ng tubig, pagkain at tulong. Ang lungkot, sa totoo lang… ^^

 

Image of mature coconut plants

Habang tumatagal, papatangkad rin ang puno ng niyog/ http://www.colourbox.com

Balik na tayo sa kwentuhang puno ng niyog… Itinuro yaan sa atin noong elementary – versatile na puno ang niyog. Bawat bahagi raw nito ay may gamit – nagagawang mantika, bunot, walis-tinting, construction materials at iba pa… Doon sa amin, mas appreciated ang puno ng niyog bilang panghati ng hangganan ng lupang pagmamay-ari. Oo, ahaha, parang pambakod ng property sa amin ang puno ng niyog? Pag pumaroon kayo, mapapansin nyo, basta hangganan ng ari-arian – may marker na puno ng niyog – dalawa hanggang limang puno sa dulong bahagi ng property. Maliliit lang ang cut ng lupa sa amin – kalahating ektarya hanggang dalawang ektarya sa isang magtatanim o magsasaka. Tapos, ang isa pang purpose ng pagtatanim ng niyog, para patibayin ang border o hangganan, para hindi dumausdos ang lupa. Pinipigilan ng mga ugat ng niyog ang soil erosion, para hindi bawas ang lupang ari-arian matapos ang sampong taon, ahaha.

 

Pero sa lugar namin, hindi main product o pangunahing kalakal ang bunga ng niyog. Iyon lang may malalapad na lupang hindi tinataniman ng ibang crops ang naglalaan ng lupa para gawin sadyang taniman ng niyog. Ilan lang ang alam kong nag-kokopra ng niyog, doon sa amin. Bakit? Sapagkat ang puno ng niyog ay nangangailangan ng malaking espasyo, ahaha. Jealous plant ang niyog, mga kapatid, ayaw nya masyadong mag-share… Ang alam ko, doon sa amin, 30 hanggang 50 hakbang ang layo ng itinatanim na puno ng niyog – para lumaki ng maayos at mamunga, ahaha. Tapos, sa lupa sa mga pagitan nila, ilan lamang klase ng halaman ang pwedeng itanim, iyong mga hindi mang-aagaw ng nutrients ng lupa gaya ng monggo, sitaw at tapilan, ahaha. Isa pa, ilang taon muna ang hihintayin – bago ang isang punong itinanim ay mamunga, mapitas para magamit pansarili  o maipagbili… Kaya kung ang isang magtatanim, may iisang ektarya lang na lupa ay sa mga niyog aasa, malamang magugutom muna siya at ang kanyang pamilya.

 

Larawang karton ng mga puno ng niyog

Matitibay raw at maasahan ang mga puno ng niyog, maging sa oras ng sakuna/ rahulmax.deviantart.com

Noong maliit pa ang blogger dito, bago mag-grade one yata, nakakita ako ng lupang kini-clear para taniman ng hindi niyog, ahaha. Bale, ang ginawa ng mga magtatanim, pinutol ang mga puno ng niyog, saka hinukay ang mga ugat. Alam nyo gaano kalalaki ang mga ugat ng matatandang niyog? Sinlalaki o mas malalaki pa sa bahay, ahaha. Marami, malalim at sapin-sapin ang ugat ng puno ng niyog – parang isang community, ahihi. Iyon siguro ang patunay – bakit jealous plant ito at bakit matibay ang kapit ng punong niyog sa lupa, kayang manatili at indahin ang mga hambalos ng napakalakas na bagyo… Si bagyong Yolanda, may mga puno rin ng niyog na nabunot, nabali at naitumba. Pero ang hula ko, hula lang naman, ang mga iyon ay mga punong mas bata… Marahil, sila ay 20 taon pababa ang gulang. Ang mga naiwang nakatayo, mga puno ng niyog na 30 to 50 taon na ang edad, ahaha. Ang tatangkad nila, parang hinahamon ang super bagyo, ipinapakita – may nilalang na kayang mabuhay at tumayo, matapos ang malupit na pananalasa… :)

 

Comment kayo, ka-blogsMay naaalala kayong kwento sa mga itinuro sa atin ukol sa puno ng niyog noong elementary? :)

 

mumunting alaga

 

Nakaranas na kayong mag-alaga ng baboy? Oo, biik sila, siyempre, sa umpisa… Ang kukyut! Para silang pets, pink babies na parating gutom. Pag ipinapanganak sila, maramihan. Karaniwan, isang panganak, isang dosenang sanggol, ahaha. Mga dalawang linggo pagkasilang sa kanila, pag pumasok kayo sa loob ng kural o barn, lapitan sila agad sa inyo. Pero, ingat, baka kayo suwagin ng nanay – andoon din siya sa loob, hihi. ;)

 

Image of a young, small and clean pig

Cute na hayop ang baboy, lalo pag maliit pa/ http://www.pregnancy.org

Nakakatuwa silang alagaan, parang napapalapit din sa loob ng mag-aalaga? Pag minsan, pinapangalanan din sila, haha. Ayon, lagot na pag may panga-pangalan na… Ibig sabihin, may personal na kayong ugnayan, hihi. Tinatawag nyo na sila pag kakain, akala mo, tao… Iyon lang, nakaka-turn off silang kumain – ang iingay. Kagulo sila parati, pag ibinuhos na ang feeds o darak na pagkain nila. Galit-galit muna, ahehe. Saka na kayo uli papansinin ng mumunting hayop – pag wala nang laman ang lagayan, hahaha.

 

Iyon lang, matrabaho ang magpaligo sa kanila. Araw-araw yon, walang absent. Dinaig nyo pa ang kumuha ng maraming anak na sabay-sabay papalakihin (buti hindi sinusuutan ng uniform, kundi, kailangan pang i-pagplantsa, haha). Tapos, tapos, pagkakapaligo sa sangkaterbang cute na cute (pero ang babaho) creatures, pupulbuhan. Hihi, biro lang. Nanay naman nila ang kailangang paliguan. Ang laki, kadalasan, ng inahing baboy – parang baby elepante, hakhak. Bina-brush ang katawan ng malalaking baboy. Yown.

 

Image of a swine being bathed

Mas matrabahong paliguan ang malaking hayop/ lifebeyondthesea.com

 

Sabihin pa, maraming tubig ang kailangan nyo… Aysows, noong araw, wala pang running water doon sa amin, nai-imagine nyo gaano karaming tubig ang kailangang igibin at ipunin para sa mga alaga? Nakow, matibay dapat ang likod ng sinumang nag-aalaga ng baboy – para sa igibang walang-puknat… Ang daming hakot ng tubig ang kailangang gawin para mapanatiling malinis ang mga alagang hayop. Tapos, pagkapaligo sa kanila, kailangang linisan ang kural. Hahaha, iyon ang parteng masaya – ang dami nilang dumumi, shaks na iyan. Siyempre, tubig na marami pa rin ang kailangan, bukod sa walis at sabon, hihi.

Pagkatapos noon, kailangan nyo nang maligo. Kailangan talaga – di ko na ipapaliwanag bakit. Basta, maiinggit kayo sa mga biik, pretty in pink sila, glowing ang mga balahibo at nakahilera roon sa sahig na pagkagaganda, hehe. Kayo namang si tagapag-alaga, amoy-hayop, parang mas bagay na tumira sa kural? Peace! Pero, siyempre, kakausapin nyo muna sila, papagalitan, hahaha. ;) Basta, mag-a-update kung sino ang sipunin, sino ang mahinang kumain, sino ang may pilay, ganyan… Sa kung ilang buwan nyong gagawin ang ganoong routine, pag hindi ba naman napalapit ang loob nyo sa mumunting alaga? Ewan ko lang…

 

Mabibilis lumaki ang mga alagang baboy. Basta, pirming may pagkain, malilinis at di nagkakasakit, bago mo pa ma-realize, nagsilakihan na sila. Pwede nang mag-college, haha. Biro uli, pwede na silang ipagbili. Papapuntahin nyo na sa may inyo ang tatampa o appraiser. Susukatin niya at titimbangin ang mga hayop at magbi-bid kung magkano ang halaga – in live weight. Ayon, payday na, yehey. Yon lang, sabi sa inyo, hindi dapat masyadong na-a-attach sa mga alaga. Kasi nga, isang araw, lilisanin nila kayo, kayo ay magwawalay, huhu.

 

Image of a swine feeding its young

Ang piglets pagnakailan, malalaking baboy na ring maaring ipagbili/ http://www.flickriver.com

 

Nakakita na ako ng baboy na nanganganak, hihi. Parang ang hirap? Pag umiire ang inahing baboy, tumatalsik papalabas sa kanya ang mga biik. Iyong nakita ko noon, ang isang biik, humagis ng mga 15 hakbang ang layo. Nasalo naman yata, parang may sumalo. Nabuhay ang biik na iyon, sa pagkaalaala ko… :)

 

Possibly related posts:

 

Baka Sakali

Pag-iigib ng Tubig

 

may mga paborito

 

Hello sa inyo… :) Ang tagal ko nang di nagpo-post, ahaha… Yaan ang bago kong learning – masarap din pala ang hindi nagsusulat sa blogs. Nakaka-relax, try nyo… Nainggit yata ako sa ka-blogs na nagha-hiatus mode… ^_^

Sinubukan ko lang… Nakahinga naman me, wala namang nangyaring kakaiba. If anything, naka-break ang lola nyo, sa mga pang-ookray ng ilang ka-blogs at sa mga kwentuhan online na walang habas at walang patawad. Palagay ko, marami rin ang sumaya during the period, hohoho.

 

 

Anyway, against their will and their bid, andito na muli ang inyong lingkod. Kukwento na lang muna me tungkol sa ilan sa mga paboritong posts na naisulat at nailathala sa blogs. Kunwari, may interesado, hakhak…. ;)

 

Marami-rami ang nagtitingin sa post na Larawan ng Taong Wala sa Sarili – post tungkol sa pagiging inlababo, yihee…  Sabagay, mahaba-haba ang kwento ko about it sa SSA, sa post na Balik-tanaw… Anyway, ang tsikang pasaway, hindi ko personal na istorya ang Larawan. Naisulat iyon, based sa binitiwan ni kapatid. Bale, ang wento, sinusulat ko that time ang Ang Magmahal post. Si batang kapatid, panay ang labas no’n, with the same set of friends…

In three weeks’ time, tatlong beses yata silang nag-dinner at sa mamahaling lugar pa. Sabi nya, isa lang ang nanlilibre, yong barkada nilang valedictorian ng batch. Tinanong ko si kapatid, bakit… Kasi raw, inlababo ang Lolo mo, hahaha. So, yun, in love ang kabarkada nila and nag-set na noon ng date si guy and his girlfriend. In fact, they got married in 2012. Ayon, kwento niya ang Larawan, satire sa inlababo state nya. Salamat sa kanya, medyo bumenta ang kwento-kwento ng blogger dito, ahihi.

 

Ang paborito ko sa mga naisulat ditong ukol sa pag-i-pag-ibig, ang kailan huling nagpasya ang iyong puso? Gaya ng naikwento na rati, medyo personal ang nasabing post, ayiii…. ;) Doon ko ipinahiwatig ang dahilan, bakit naging mailap ang pagkakataon sa blogger dito, hihi. Ayon lang, may kahabaang istorya. Sa mga maiiksi, paborito ko ang Tawagin ang Pulis. Tawa ako ng tawa, habang iyon ay isinusulat.

Paborito ko rin ang Lumalakad ang Balita. Two-part series ito – kahaba, kaseryoso pa… Mabilis lang yaon naisulat, pero dalawang buwan yata bago natapos i-cross-check, kainaman na… Ay, walang gasinong nag-like ng article. Akala yata ng iba, parinig iyon o pahiwatig sa kanila, pambihira. Far from it, ka-blogs… Doon ko isinhare ang experiences sa behind-the-scene writing – gaano ka-nuanced ang mundo ng pagsusulat at paano tinitimpla ang pampubliko at pribadong impormasyon. Anyway, trivia muna, whehe… Ang classmate na nabanggit sa panulat, sya ang pumalit kay Jun Lozada sa ahensyang  pinamumunuan, yon.

 

Another favorite of mine, ang Papalayo, Papalapit. Blog about blogging din ito, tungkol sa context sa pagsusulat. Ewan ko, feeling ko, I went beyond the usual sa nasabing panulat (ahihi, may gano’n…) . Hindi ko lang alam, if the article was viewed and appreciated as such… Mas balanced than Gawa-Gawa Lamang ang Papalayo… Sa Gawa-Gawa, nais ipakita ang ecosystem of information in the digital age. But it came out yata na parang nakakatakot. Ang pinaghalawan ng post, isang nobelang medyo eerie, ang The Hunchback of Notre Dame… Si Victor Hugo rin ang author ng nasabing akda. Hihi, halata na bang paborito ko sya? ;)

 

Malapit rin sa akin ang Hindi na maputik ang daan sa amin series. Sabi, it came out too strong for some? Ay, di para manakot o para magyabang ang nasabing posts, ganoon man ang  naging dating para sa iba… Nais sana, ipakita ang bigger view ng usapang development. Halos lahat tayo, may sentimyentong umunlad – hindi lamang ang sarili, kundi maging ang lugar at bansang ating pinagmulan… But then, it seems, we need to view development or lack of – above and beyond our immediate, raw, inchoate and (sabihin na natin) crude, understanding. Silipin ang social and international dimension of things sa usapang pag-unlad – para hindi short-sighted, kundi realistic at mas malayu-layo ang mga hakbang na mararating natin. Sana…

May salespitch ako sa serye – against ignorance, stereotyping and prejudice – atin mismo at maging sa ibang tao. Una, ang thinking na pag taga-baryo, walang asenso. Pangalawa, na ang kawalan ng development, isang bagay na dapat nating tiisin, sa pagkahabang panahon. Pangatlo, ang paniniwalang iilang tao lang ang may karapatang at kakayanang umasenso. Sa akin, ang pag-unlad ay isang concerted effort … Panghuli, mas maiging may pagkilala sa nakalipas at sa riyalidad ng pananamantala ng kapwa sa iba. May social impediments, hala pa, may inequalities at may mga taong nakikinabang at nagtataguyod sa di-pantay na kalagayan. Paborito ko pala, ang ikatlong bahagi  – sabi roon, traditionally, people resist change… :)

 

Sa SSA, isa sa mga paborito, ang ulan sa puso at iba pang mga tila walang saysay na panimdim. Dati, inilathala rito ang Pangako ng Tag-ulan  –  iilan lang ang nag-like, ahihi… Ayon, ulan sa puso was another attempt to tackle the same subject matter – tag-ulanan.  Mas light ang treatment sa pangalawang pagkakataon, parang nakikipagkwentuhan lang… Ay, mas marami na ang nag-like at nag-comment, ahihi. May salespitch na konti, about taking care of and preserving our rivers and bodies of water. Sa totoong buhay, di ako strong sa environment-environment. Wala lang, hindi ko lang siguro kabisado ang issue… But then, maybe, bilang naninirahan sa earth, mabuting pag-ingatan at igalang ang paligid at kalikasan. ‘Yan naman, hihihi. ;)

 

Image of a box filled with favorite things

Cucumber melon ang favorite scent ko sa cologne. May masabi lang, whehe/ runningenthusiast.net

Siyanga pala, naranasan nyo ‘yong may naisulat, pero parang ayaw nyong ilathala? Ahaha, mismo. Ganyan yata sa Hindi Ito ang kwentoisa sa mga naisulat na wari, gusto kong ipagdamot, ahihi.  Una, hindi ko inaasahan na mabubuo ang kwento. Ikalawa, medyo mataas din ang antas ng diskusyon, mas safe na huwag na lang i-publish. Dangan, malamang, higit ang flaks na makukuha kaysa sa appreciation… Ayon napilitan pa ring ilathala para magka-oras tapusin ang kasunod na post…. Pero ang Hindi Ito ang Kwento,  isa rin sa mga paborito – nasa sulating iyan ang mga pelikulang napanood ng lola nyo sa buhay nyang sawi, ahihi. :)

 

Isa sa posts na nangwindang yata sa marami-rami, ang Mga Talunang Mandirigma. Hindi ako umaasa noong iri-receive ito ng maayos at handa rin sa posibilidad, it will drive readers away from the site, hoho. Ay, medyo explosive talaga ang issue… For another, uso ngayon sa netizens ang maka-opinyon lang… Pero ewan ko lang, may social issues na kailangan ng sapat at grounded na kaalaman, bago makabuo ang isa ng informed at patas na palagay. Ganito wari sa issue ng Sabah claim – Madali lang magreklamo, kung sa reklamo… Madali lang pumanig, sa biglang-tingin… Pero, kung iyon ay responsableng opinyon at paninindigan, ibang bagay marahil… :)

Ang pasaway, nagdi-discuss ng mga ganoon?… Aaayy, sa tagal ko na rin naman sa mundong ibabaw, ganoon na rin katagal na isyu sa bansa ang usapin sa Mindanao. For years and decades, isa iyan sa mga isyung hindi ko naiintindihan. Maski noong nasa college na, the topic still escaped me…  Ibahagi ko pala sa inyo, ang titser namin sa subject, si Prof. Miriam Coronel-Ferrer, kasalukuyang pinuno ng GRP panel sa negotiation with the MILF. Hay, naku, alam ni Ma’am, isa ako no’n sa mga nangangamote sa quizzes nya, hihi. Sa post na Kinder and Gentler, conclusion sa English site, unang natalakay ang paksa. Marami ang ka-blogs na Pinoy na nagbasa ng post, salamat and in fairness. Hindi nga lang nag-like or comment, hoho… Actually, di ko alam, baka gusto ko lang ipaabot kay Ma’am sa panulat, finally, parang naiintindihan ko na, ahaha. ^^

 

Ang nationhood angle ng usapin, gusto kong alamin para sa sarili, kung alam ko na ba talaga… At kaya masaya, ang nationalism at ang romanticism, closely intertwined concepts. May ka-blogs, giliw na giliw pag nagdi-discuss ako nito, haha, at animated rin ang online okrayan pag ito na ang paksa… Ay, ito ang wento ko sa inyo – hindi pa tapos ang diskusyon sa nation-state, nationalism and romantic thoughts. Sakaling sisipagin pang magsulat sa blog, may diskusyon pa dyaan, hihi…. Isa pala sa mga gurong nag-impluwensya somehow sa blogger dito ukol sa paksa, si Prof. Alex Magno – kolumnista sa Abante at sa Inquirer. Tatlong beses ko siyang naging titser, ahihi. Mapanlait siyang nilalang, hoho, at may writing assignment every meeting – natuto kaming magsulat, kahit hindi maaalam… Ay, si Sir, ang recall nya parati, estudyante nya ako, 10 years earlier, ang sama… Isip ko minsan, gantihan sya – gawaan ko ng write-up… XoXo ;)

 

Sa English na site, ang paborito ko sa love posts, ang When Love Comes A Knockin’. Sa ka-blogs na Pinoy, ang gusto yata nila, ninyo, yong post tungkol sa Valentines… Ewan ko, gusto ko itong kumakatok dahil tila improvement na ito over Larawan ng Taong Wala sa Sarili. Pareho lang ang dalawa, satire on love, kung tutuusin… Pero parang mas mature na ang handling sa paksa sa When Love Comes. Bakit at paano? Noong sulatin iyon, na-encounter ko na ang love writings nina limitsandhorizons at bagotilyo, ka-blogs na pinagkakautangan ko ng loob sa paksa…. Tapos, personally, proud ako, ang post ay ni-like ni fivereflections - isa sa pinakamahusay na poet blogger na nasalubong ko.

Mas at home yata akong magkwento sa English site, kumpara sa Tagalog. Hindi ko alam, but I find the audience there more open to ideas, more liberal and accepting siguro. … :) Sa isang banda, mas sanay nang maghayag at magsulat sa salitang Ingles ang blogger dito, parang… Sa mga naisulat doon, paborito ko ang The rain and quiet. Fiction story ito based sa news na may model na dinukot, pinatay at inihagis sa isang mataong lugar… Aliw nang iyon ay maisulat, pakiramdam ko, ako ay malikhain, ahihi… Ang approach na ginamit sa post, galing sa Oro, Plata, Mata – pelikula  tungkol sa Japanese occupation ng Pilipinas. Ang kakaiba, sa entire movie, isang eksena lang may ipinakitang Hapones. O, di ba, kakaaliw…

 

Sa mga tulang naisulat sa Ingles, dalawa ang paborito ko – ang In the Fields of Hate I Wandered at ang The Things We Brave. Conceptually, contrast ang dalawang akda… Calling out for peace ang In the Fields of Hate, piyesang naisulat dala ng masaklap na pangyayari sa totoong buhay, sa isang sitwasyong damang-dama ang kawalan ng pagmamahal… Sa kabilang banda, ang The Things We Brave, pagkilala sa pangangailangan ng pag-ibig sa buhay ng tao, hihi… Sabi sa akda, darating sa punto, kailangan ng taong mag-reach out, para makatawid sa buhay. Nang maisulat ang mga iyan, wari ko, may nag-mature na somehow sa pagdamdam at pag-iisip ng blogger dito. Na kahit paano, I have something to show for all the years that passed, for all the pains and joys that I’ve experienced… :)

 

 

Kumusta, mga kapatid? Sana kayo ay nasa maigi… Mabuhay kayo! :)

 

Payak na pamumuhay sa isang luma pang panahon

 

Lampas sa nostalgia for rural past ang iniaalok  dito, pasensya na. Sakaling hanggang doon lamang ang inakala ng mambabasa, ikinalulungkot ko. Hayaan ninyong magpaliwanag ako ng bahagya kung bakit…Nakatira kami noon sa bahay-kubo, ang karanasan ay di singromantic at singsaya noong sabi sa kanta… Pero, appreciated ko ang parteng iyon ng aming buhay at pamumuhay. Hmn, iniisip ko pa bang ulitin? Parang di needed, di na rin practical. Hindi ko rin sure, kung kaya ko pa… ;)

 

Image of a couple reaping palay harvest in rural Philippines

Maraming mga palayan ang nangawala sa bansa na nagdala ng kagutuman sa kanayunan ng mga huling taon/ rbapmabs.org

 

May isa kaming kapatid, parating dreaming na ibalik ang luma pang panahon.  Sabi nya, simple lang daw noon. Totoo naman… Pero, duda ako kung kaya nya, sakaling mangyari ang return of the comeback, hihi… Sa aming lahat, siya ang pinakakumpleto ang gamit sa pagluluto, moderno at convenient ang mga kasangkapan at mababa ang tolerance nya sa alikabok, putik at mga dumi, hahaha. Dahil nagkukunwari akong fair na tao, bibigyan ko sya ng, hmnn, three days… Try lang. ;)

 

Image of women washing clothes in a river in rural Philippines

Masarap maglaba sa ilog, huwag lang papaabot sa init/ http://www.backpackingphilippines.com

Payak din ang modernong buhay, sa tingin ko… Pag magluluto, pipihitin lang ang gas stove, pag maghuhugas ng pinggan, pipihitin lang ang faucet at pag madilim, ipi-press lang ang ON ng switch – ano pang mas sisimple? Ang medyo komplikado, pag walang pambili ng LPG refill, pag nalimutang bayaran ang bill sa tubig at pag walang pambayad ng koryente, hoho…. Ayon, medyo komplikado ang manghiram ng pambayad ng bills, medyo mahirap i-explain. ;)

 

 

Image of a man on the way to the forest in rural Philippines

Pirming may gulok sa kaluban ang mga Tatay sa kanayunan/ http://www.terraproject.net

Nakakatuwang magluto sa kalang de-kahoy. Masarap din ang mga pagkaing luto sa kahoy, mabango at natural na natural, ‘ika nga… Ang di nakakatuwa, ang magpaputi ng mga kalderong puno ng uling. Sabagay, okey pa rin pag may mauusap o mauupahang maglinis para sa iyo, hihihi… Hindi na rin madaling maghanap ng taga-sibak ng kahoy ngayon, maski sa liblib na lugar. ;)

 

Pinakamahirap ang magkasakit sa remote na barrio. Kung pangkaraniwang sakit lang, pwede nang lunas ang mga tradisyunal na halamang gamot. Pag malala at kumplikado na, kailangan na ng makabagong gamot at ospitalan… Sabihin mang may natural healing powers ang medicinal plants – kailangang dumaan sila sa process – para tumalab sa katawan ng maysakit at makapagpagaling. Di  pwedeng paracetamol lang ang iinumin at nakaantabay sa taong seryoso ang medikal na kalagayan…

 

Ang food production ng makabago man o makalumang bansa, dependent pa rin sa mga kanayunan. Sa gayon, kailangang magkaroon o panatilihin ang kabuhayan ng mga taga-bukid… Sa bawat kalamidad na dumarating, unang naaanod ang self-esteem ng mga kalalakihan sa nayon, daan para mapalapit sila lalo sa alak, sugal, kapabayaan sa mga tungkulin at pananakit sa mga miyembro ng pamilya. Hindi biro ang dinaranas ng asawa at mga anak nila – sa kahirapan ng buhay at kalupitan.

 

Sa Pilipinas, pinakamababa ang productivity ng agricultural sector, may malaking gap, sa napakalaking bilang ng mga taong naka-depende rito… Matagal nang nakaungos ang manufacturing sector  at nitong mga huling taon, nangunguna na ang service sector sa productivity or output sa pangkalahatan… 15 taon ang nakakaraan, 93% ng negosyo sa bansa, di man lang papasok sa kategoryang small scale business. Categorically, sila ay tiny or micro. Nag-improve na, pero sa kasalukuyan, at least 85% pa rin ay micro – pagawaan sa silong, talyer, stalls, mobile peddling at mumunting tindahan sa harap ng bahay…

 

Image of a farmer's dwelling in rural Philippines

Ganito ang karaniwang tirahan ng magtatanim sa bukid sa ating bansa/ tourism-philippines.com

Ang pagsasaka gamit ang hayop at ararong bakal, na-devise pa ng tao, libong taon na ang nakakaraan. Biblical times, kung tutuusin, matapos matuklasan ang bakal at metallurgy. Ito pa rin ang gamit ng maraming farming communities sa Pilipinas… Pero may mga mas luma pang preoccupations. Ang pagpapastol ng hayop, isa sa oldest professions ng sangkatauhan, lumaganap sa unang yugto ng settled communities. Isa rin ito sa least remunerative na hanapbuhay sa ngayon. Subalit, may mga kababayan pa tayo, tanging sa ganitong paraan nabubuhay. Ganoon din ang pangingisda – gamit ay kawil, buslo at simple hooks lamang.

 

Kung papansining maigi – yaong mga nakapagtayo na ng matitibay na negosyo, nakapagpatapos ng maraming anak at nakapagtrabaho sa abroad sa mahabang panahon – siyang nakaka-afford mamuhay sa rural setting, pero may kabuhayan at access sa pasilidad at mga serbisyo. Sila ang may kakayanang mabuhay ng “payak at sapat” sa natural setting, pero di nahuhuli ang antas ng pamumuhay.

Sa mga taong wala sa buhay na nakatira sa rural na lugar, nanatili pa ring luntiang kabukiran, sikat ng araw at simoy ng hangin ang afford nila. Kapos sila sa pagkain, kalusugan, salapi, aral, transportasyon, pakikipagtalastasan, tiwala sa sarili at maging sa mga pangarap at balakin sa buhay. 

 

Image of a verdant rural community in the Philippines

Malawak ang bukid, luntian ang paligid at malamig ang simoy ng hangin sa kanayunan. Subalit kakambal pa rin ng buhay doon sa ngayon ang kahirapan at atrasadong pamumuhay/ http://www.panoramio.com

 

Ka-blogs, comment kayo…  Ang dami ko na yatang naikwento, kayo naman… ;)

 

Pagbabalik at Pag-ibig

 

Kung babalikan, ang ideya ng napipintong kamatayan marahil ang nagtulak sa aking magsulat sa blog. May isang gabing dumating ang notion (weird and crazy, yes) na posibleng pumanaw sa susunod na taon… Hindi ko alam, pero sakitin ako nang mga panahong iyon at naisip ko, may maiwan man lang sa mga pamangkin at kapatid, ahaha… Dati, noong bago dumating ang sangkatutak na family problems (o, hindi pa ganoon ang patas), pera lang ang iniisip kong iwan, hihi. Medyo meron pa noon at pakiramdam rin, kaya pang gumawa at mag-ipon ng marami, hihihi. Basta, nagbabasa ako no’n ng manipis na libro, tungkol sa wills and testaments, ang adik lang. ;)

 

Image of a book by the seashore

Sa fairy tales, laging masaya ang ending./ http://www.facebook.com

May mga naisulat na before, essays and poems, tungkol sa kabukiran. Naikwento ko rati, influenced yaon by Jim Heynen… Pero, sulat-kamay. Ako itong si maraming notebooks, hihi. Samutsari ang laman, sinusulatan ng kung anu-ano sa gabi – bago matulog. Hindi ako exactly nag-journal sa buhay. Feeling ko, ragtag at relatively mabilis ang aking tinahak… Samantala, ang journal kako, para sa mga taong secure and leisurely ang buhay. Kaya hindi… Walang journal o diary at wala ring maayos na files ng mga naisulat sa trabaho. May ilan sigurong naitatago, alinman sa groupmates, kabarkada, kaibigan o officemates ang nagtabi. Di ko gawi to keep files of what I have written, for some reason…

 

Ang in-adopt kong system of recording, dalawa. May small notebook para sa daily expenses (halos dalawang dekadang habit na noon) at notebooks (ang iba ay makakapal, ang iba ay fancy), lagayan ng musings, doodles and observations. Pag minsan, may assessments and plans na nagagawa, ahaha. Pero, sporadic attempts – may buwang maraming entries, may buwang kakaunti… May panahong too eager to systematize things, sa paraang nakasulat at may panahon, wala nang time or energy para magsulat o magtala ng mga nangyari o binabalak. May planner ako lagi, like most people… Pero, deadlines, meetings and appointments ang ando’n. Parang mas listahan din lang? Walang gaanong reckoning, sabihin pa…

Noong naisip, posible nang magkasakit ng malubha at mamatay, hahaha, isusulat na kako, ang personal takes sa bagay-bagay, naks…  I mean, seriously. So, nagsulat na nga… Natatandaan ko, tungkol sa umaga unang articlethe sounds of the morning in a typical urban neighborhood. May tilaok ng manok, mga naglalako at mga batang sumisigaw sa paglalaro. Ang ikalawa, tungkol sa pagbabago – city sights, squatter, mga tanawin pag nakasakay sa taxi at kung relevant pa ang ma-involve sa mga isyung pampamayanan. Parang ganyan… Ang take off  – small town girl pa rin. Nakaalis nga sa bukid at sa antuking bayan, pero nag-end up sa city sa Kamaynilaang para rin namang maliit na bayan lang, ahihi.

 

 

 

 

Tapos, nag-blog na, tungkol sa bukayo at banana que, haha. Iyon ‘yong kako, precipitated ng napanood sa AFC. Di ko inilagay o inilathala ang about  morning sounds and pagbabago… Tungkol muna sa pagkain ang unang entries. Sa isang banda, the year before, kinukulit na ‘ko ng isang college friend mag-blog… Simple – karami ko raw opinyon at pagtingin-tingin, haha, at maalam daw na magsulat (sabi nya). Nagpo-photography pala si friend – analog camera pa gamit, black and white film, yong ipinapa-develop… Hilig niya, picture-picture-an ako pag magkasama kami, haha. Sya lang nakakagawa no’n, ako’y  taong iwas sa camera, hehe … Risk consulting line of work niya, married sya with one kidupdated  sa technologies and social media, what’s in & what’s not… Sya ‘tong unang nagbalita sa ‘kin, may Twitter na, hihi. ;)

 

Anyway, marami siguro akong kalituhan at agam-agam noong mga panahong iyon and I must have wanted to clarify certain things for myself. Maaring yuppie dilemmas, ennui sa buhay-buhay and restlessness, siguro… Simple akong tao, in person. Simple ang desires, hindi nangarap yumaman and hindi pumalaot sa ideya ng marriage, for some reason… I mean, theoretically and from observations, alam ko… It is settling down and making a life with a person of your choosing. It is making a claim in this world, for whatever joys, tears, fears and horrors  life holds. Pero, all along, mahirap ang naging buhay namin, sa bukid at maging sa lunsod… Nag-iba naman na, to certain extents and kahit paano, pwede na ring pumili – anong klaseng buhay ang ili-live and ili-lead, and with whom.

 

 

 

 

Most of my friends are married and most of my siblings are, too. Sa mga kaibigan, late marriages sila, halos lahat, ahaha. Iyong iba, humabol lang, hakhak. May dalawa o tatlo pa ring unmarried...  May isang sense,  It’s a big and complicated world. We’re just lucky,  may space ako, kami, kahit paano, rito. Just glad we survived and got this far… At ayos na rin, kumbaga, given na walang-wala sa umpisa… Nakatira sa malaking bahay, nakakain sa labas every so often, nakakabili na rin ng magagandang bagay and generally, professionals  ang nakakahalubilo. May telepono, cable TV, internet, nakakanood ng plays pag may time, at may subscriptions ng dyaryo… Naglilinis pag walang pasok, o, nagga-garden, at nagsa-shopping, ahaha. Madalas, nakakotse pag paalis o, taxi…

Hindi malinaw, saang point nag-burst ang bubbles - kailan nag-umpisang maanod isa-isa ang certitudes and routines na so far, naipundar… Andoon ang Ondoy – disaster na nag-introduce sa amin ano ang gera, first-hand and direct – paano iyong may pera, pero walang mabiling pagkain, paano pumila at makipag-agawan at paanong maghalungkat ng susuotin, from among the ruins and remnants ng sarili nyong gamit, haha… Pero, bago pa, may mga nauna na. Andoon ang pagkakasakit ng Inay at pag-iwas ng mga kapatid, ang pag-adopt nila ng escape mode at sabi pagkatapos, “Move on na tayo.” Sinundan ‘yon ng pagkakasakit ng brother namin, hysteria ng asawa nya at escape mode din, at paano mas in-up ng mga kapatid ang ante ng escape mode. Ang pagpanaw ni kapatid, ng biglaan.

 

Sa point na iyon yata, nag-statement ang buhay, “Hindi ka pa pwedeng masyadong masaya. Wala pang karapatan. ” Siguro nga, ini-earn ang happiness sa buhay at kulang pa ang natrabaho… I mean, gaya ng naikwento, for most of my life, nagbasa lang at nag-observe. Ginagawa ang duties, sa abot ng kaya, tulong sa mga magulang at kapatid, at nag-o-occupy ng maliit na space lang sa mundo at buhay. Trained and oriented na ganoon… Dito lang yata sa blog nangahas mag-boses ng iba, ‘yong parang sure sa mga sinasabi… Napapaligiran ako ng magigiit na tao, sabi ay may higit silang claim – sila itong nagmahal, may kapangyarihan at nasa tama. Sila ang nasa lugar at nakakaalam – aling kasinungalingan ang pagmumukhaing totoo at paninindigan. After all, susi raw sa buhay ang paggawa ng constructed realities. Sabi…

Kung ngayon tatanungin, tanggap ko na ang pagkakasakit at pagpanaw ng Inay, pati ng kapatid naming lalaking panganay. Am now on my fourth decade of existence, nakuha ko na – kasali at parte ang mga iyon. At ang mga naiiwan, mandate sa kanila, sa amin, ang magpatuloy harapin ang buhay – gaano man kalungkot and unsure... Ang mahirap wari, coming to terms with –  kawalan ng pakialam, justification ng karuwagan at pagmamatigas ng loob – ng sariling pamilya at mga kasamahan. Naitatanong, “Asan ang pagmamahal na kanyo, alam nyo? Anong klase at nasaan?” Kahit paano, alam ko na rin,  It is the thread of love, affection and respect that keeps the world going. It is important to secure and protect it, for those times when life rushes in on you, as in a battle.

 

Image of a damsel just rescued by a knight in shining armor

Sa chivalric love, parating may damsel in distress, kailangang iligtas/ http://www.paganspace.net

 

Sa mga sumunod na henerasyon, tila mas madaling makita para saan boboto at kailan mangangahas at magpapasya… One casts away his fears and makes a vote for love. For in so doing, he is making a stake on life – for whatever it may hold... Hindi ganoon kadaling makita iyon sa generation namin, for some reason. Or, at least, sa akin, ahaha.. Sa kasalukuyan, malakas ang trumpet para sa individuality at pagsunod sa pansariling desires. Tila mas may confidence din ang mga bata, may sense of entitlement. Iba pa yata noon… Tingnan daw ang mas malaking larawan, maraming nagugutom at matutong magparaya, sabi. Matuto raw mag-sakripisyo at i-align ang paghahangad sa kalagayan at layon ng iba. Nag-stick iyon sa akin – galing ako sa malaking pamilya, marami kaming magkakapatid… Panahon din iyong trampled upon ang rights, lives and desires ng nakararami…

Kung sa ngayon titingnan, hero complex lang ‘yon, reverse egotism at misplaced na pagnanais iligtas ang mundo… Thing is, hindi naililigtas ang mundo, na-i-in love lang ang tao – alam ko na rin yata, from experience. Hindi naililigtas ang mundo, although it remains to be a pitiful, sad place, perpetually threatened by the untrammelled desires ng mga nakatira rito. It seems, ang tao ay pwedeng malito at di makita ang kaibahan ng love sa desire. Na ang pangalawa ay bahagi lamang ng una, na ang paghahangad o pagnanasa, umpisa pa lang at ang real reckoning – kung kayang panindigan ang una. Mahalaga ang pagnanasa sa buhay at pagkatao ng tao. Pero maari itong mawala, masira, magmalabis at napi-perverse - kung hindi pamamahalaan at gagabayan ng pag-ibig… May tendency and capability itong maging marahas, malupit at mapangwasak. Romantic love is but the beginning.

 

Marami-rami akong nailathalang posts about romantic love sa blogs. Gusto sanang i-explore kung alam ko pa – paano magkaroon ng paghahangad at pagnanasa sa buhay… Kung tama ang kuha ko, marami ang ka-blogs na nahiya para sa akin, may mga umiwas at lumayo. May mga nanlait rin ng labis labis… :) Hindi ko sinasabi sa mga sulating mas alam ko ang usapin. The proof of the pudding is in the eating. Iyong sabi, “E, lab layp, meron ba?” Ang sagot, isang tamemeng, “Wala po.” Hihihi.  Pero, marami akong kwento at hiling sana sa ka-blogs at mambabasa, pwedehin na muna sana, ahaha… Well, nasasa inyo iyon. I guess, hindi yata lahat nakakatagpo at natatagpuan… Hindi sa nagmamaganda ako o, nagmamataas ng standardscheap din, ahaha. Am the type, sumasaya na pag inalok ng 3-in-1 na kape. Sus, marami rin ang naipasulat sa akin, libre lang.

 

 

 

 

Dito sa site, may isinulat, Pag Nagkakasakit ang pamagat. Kwento iyon tungkol sa pagiging sakitin no’ng bata pa, medyo comedy ang format at, first person ang boses na ginamit. Sa isang banda, kwento ko ‘yon. Sa kabilang banda, hindi rin… May isang word, dapat andoon sa article, pero kung susuriin – wala. Ang salitang iyon, o ang kawalan noon ang dahilan bakit namatay ang bunso naming kapatid na lalaki, nasa grade 5 ako noon… Naikwento ko ang pangyayari, sa isang post sa English site. Naipahiwatig din sa page sa SSA site. Curiously, walang ka-blog na nakapansin, wala ang nasabing salita. From my end, ang post ay kwento sadya tungkol kay bunsong kapatid.

As things would turn out, baseless ang notion na mamamatay na by 2011, ahaha. Katunayan, sa susunod na buwan, magta-tatlong taon na po sa blogging, naks… :) Pero, tama pala ang kutob, may dapat ngang balikan sa mga pangyayari noong araw. At natuklasan ko na ang consequences ng pagkamatay ni bunso, ang una sa series ng  tragic na pagkamatay sa aming pamilya. Hindi ko ikukwento sa blog, ha, sa amin na lang… Pero, I am grateful, nalaman ko, interrelated ang death and love sa pamilya – love or lack of.  Sabi, alinman sa takot o pag-ibig ang nagi-generate ng isang ugnayan. Pag una, karuwagan at karahasan ang resulta. Pag ang pangalawa – may mararating, may pupuntahang maganda.

 

Innate raw ang magmahal sa tao and love always finds a way. Ayon lang, requirement ng pag-ibig na maging matapang, ahaha. At this point, hindi ko pa masasabing matapang na ako. Ang kaya pa lang sabihin, alam ko na bakit may mga pagkakataong naduwag. Gaya ng nasabi dati, masakit ang naging kapalit ng pagbabalik doon sa amin, ng pagkabatid sa puno at dulo ng mga pinuntahan, napagpasyahan at tinahak sa buhay… Pero kung iyon ang susi para mabuo muli at maging handa sa mga kinakaharap at kakaharapin, bakit hindi? Sa umpisa lang bulag ang pag-ibig, sa mga kasunod na yugto, mulat na. Pag nanatili itong bulag, abuse and bondage ang kasunod. Tila dapat rin, ito ay buo – para kayang ihatid ang tao sa landas na nais niyang puntahan. ;)

 

 

 

 

Pagbati sa inyo, ka-blogs. Here’s wishing for love-filled days… :)

 

Ang ugat ay siya ring bunga

 

Hello, ka-blogs! Kwentong ube tayo, ahihi… Alam nyo ang ube, sure me much. ;) Purple yam ito sa English. Isa itong uri ng tuber or rootcrop. Iba pala ito sa taro, mga kapatid. Tuber din ang taro at malapit na kamag-anak ng ube, pero magkaiba sila… Nakakain ang ube at masarap, walang tututol, hihihi…. Halayang ube, anyone? Oo, siyempre, nakalagay sa halo-halo, sarap! Purple yam jam nga pala ang halayang ube sa English, mabanggit lang… :)

 

Image of purple yam jam

Halayang ube, isa sa masarap at kinasanayang minatamis ng mga Pilipino/ wanderingchopsticks.blogspot.com

 

Ang ube, isa sa mga halamang-ugat na paboritong itanim ng mga taga-amin, bukod sa luya, hehe. Bagay ang ube sa lupa roon… Tapos, hindi ito high maintenance na pananim. Basta maganda ang lupang taniman, medyo malamig at may kaunting espasyo – malayu-layo sa iba pang pananim – nabubuhay at lumalago na itong halaman.

 

Image of a puple yam tuber with sapling

Tanim na ubeng may suloy na/ en.wikipedia.org

Ang pagtatanim pala ng ube, para ring pagtatanim sa kamote at patatas. Pipiraso ng ubeng magulang, malulusog at may mga mata – siyang itatanim. Maliit lang, about two inches na cubical, ilalagay sa hinukay na lupa. Tatabunan yaon at regular na didiligin. Ang kapirasong tanim, pag nakailang-linggo, magkakasuloy na, ahaha. Pagnakailan, iyon ay lalago… Habang lumulusog ang mga dahon sa itaas ng halaman, nagkakalaman rin at lumalaki ang mga ugat nito sa ibaba, sa ilalim ng lupa. Nakakamangha, nakakagiliw…

 

Para rin nga palang kamote o sweet potato ang halamang ube. Bukod sa kulay ng kanilang laman, ang kaibahan ng dalawa, ang puno ng ube ay mas matingkad ang vine-like property. O, ha, may vine-like na nalalaman, shaks… Oo, mas gumagapang ang puno, mga sanga at dahon ng ube kaysa sa kamote. Ewan ko lang, bakit…

 

Image of purple yam plant with green, healthy leaves

Hugis-puso ang mga dahon at uri ng halamang gumagapang para mabuhay at lumago/ en.wikipedia.org

 

Pareho sila ng kamote – gumagapang at pumupulupot sa balag o katabi nitong shrub o kaya, poste… Pero, kung tama ang na-observe ko, ang kamote, pwedeng walang gagapangan sa loob ng isaang  yarda o isang metro, pero makaka-survive pa rin at lalago. Pataas… Samantalang ang ube, isang foot rule pa lang ang suloy, kailangan nang lagyan ng kawayan o posteng makakapitan. Kung hindi, babagsak itong halaman sa lupa, mamamatay. Para itong baging, baging na malambot ang mga tangkay at dahon…

 

Image of a robust purple yam plant in a backyard

Kulay lila ang gilid ng tangkay at outlines ng mga dahon ng halamang ube/ davesgarden.com

 

Sa amin, ang mga tanim na ube, may sariling balagan o trellis. May gapangang ginagawa para sa kanila ang magtatanim. May alloted space rin para sa kanila. Pag ginawa silang paningit lang sa ibang mga tanim, hindi sila lumalaki ng ayos. Pag minsan, alternate crop din ang ube. Halimbawa, inaantay pa ang planting season ng major crop, magtatanim muna ng mga ube. O, kaya, nasira ng bagyo ang sadyang tanim, lalagyan muna ang espasyo ng mga ube, para di masayang ang lupa at panahon…

 

Image of clean purple yam harvest

Lumalaki at bumibigat ng husto ang tanim na ugat ng ube/ http://www.imagesphilippines.com

Pag inaani na ang mga tanim na ugat ng ube, sinlalaki ng sanggol na bata o mas malalaki pa, ahaha. May hawig din ang tuber na ube sa luya, parang ganoon din. Mas malaki lang ang size na inaabot ng mga ugat ng ube, kaysa sa ugat ng luya. Bale, ang tanim na luya, maaring lumaki ng kalahating kilo hanggang dalawang kilo ang mga galamay. Ang ube, mga dalawang kilo hanggang limang kilo ang inaabot na laki ng isang tanim. Nakakatuwa… ;)

 

Sa amin pala, pambenta sadya ang ube, kaya itinatanim. Cash crop, ibebenta sa mga mangangalakal ng gulay para dalhin sa malaking pamilihan. Ang gamit nito sa bahay o personal consumption, pang-special occasions lang, pag magha-halaya ng ube – pag pasko, Bagong Taon, pista at iba pang mahahalagang petsa. Kung hindi rin lang, ipagbibili ang inaning ube.

 

Paano na ang mga batang gaya namin noon, parating foraging for food sa loob ng mga balagan? Ahaha. Ay, di problema, sa totoo lang… Dito nag-a-apply ang sabi, Nature provides. Ahihi, paano? Ang ube ay namumunga, ganoon ka-simple at ganoon kadali… Bale, ang ugat o tuber na lumalaki sa ilalim ng lupa, iyon ang ipagbibili at ang bungang ube, pangkain ng mga batang makukulit at parating gutom, hihi. ;)

 

Image of ube fruit

Ang bunga ng ube, sinlalaki marahil ng mga manggang Indian na may buto na, nakabitin itong mga bunga sa halaman/ marketmanila.com

Oo, mga kapatid, bumubunga ang ube ng ube rin. Totoo, walang halong biro… Kasinlalaki ng mga manggang bubot pa – ang bunga nito. Kita nyo ang Indian mango na ilang linggo pa lang namumunga? Parang ganoon kalalaki ang bunga ng halamang ube. Para silang pansabit sa palosebo, mga palamuti sa halaman. Pinipitas namin ang mga iyon noon at inilalaga, parang kamote… Ang galing ng kalikasan, hano? Pag naka-ipon kami ng mga kalahating kilo o isang kilo ng bungang ube, may pang-meryenda na kami, ahaha. :)

 

Ano’ng lasa ng bunga? Lasang ube, as in… Di nga, parang ugat rin ng ube. Ayon lang, mas maputla ang kulay nito kaysa sa ugat at mas mild ang lasa. Pag wala na kaming mahukay na ugat ng kamote noon, bunga ng mga ube naman ang kinukuha namin, pampakalma sa mga tiyang pirming gutom, hihi… Sa totoo lang, pag ang ugat ng ube ang inilaga, hindi gaanong masarap… Masyado itong kulay ube at concentrated ang lasa (parang squid). So, happy kami noon pag ang mga tanim na ube, namumunga na.

 

Personally, isa ang ube sa nakaka-amaze sa akin sa mga tanim sa amin. Kung ano ang ugat, siya ring bunga… Ang ugat ay for industrial consumption; ang bunga, for personal and immediate consumption ng nagtatanim. Bakit for industrial consumption? Napaparami kasi ang ube, kayang i-mass produce, kumbaga. Pag nahukay na sila at napagsama-sama, ibebenta sila ng maramihan. Kadalasan, industrial consumers ang bumibili ng mga ito.

 

Pag sinabing industrial consumers, mga mamimili silang hindi kaaagad iko-konsumo ang produktong nabili, kundi ipo-proseso pa nila iyon o gagawing ibang produkto, para maibenta. Ang halimbawa ng industrial consumer – ang mga may gilingan ng bigas sa palengke, ang may malalaking tindahan ng halo-halo at ang mga naglalagay ng ube sa garapon – sweets manufacturers. Pati rin ang mga confectionery and bakeries. Ayon…

 

Image of boiled purple yam fruit boiled and skin removed

Ganito pala ang itsura ng nilagang bunga ng ubeng binalatan/ marketmanila.com

Siyanga pala, medyo matagal ko nang gustong isulat ang tungkol sa ube, para sa mga pamangkin… Hindi na nila ito naabutan. Nakakakita na lang sila ng ube, pag may galing sa Baguio, nakalagay sa garapon, ahaha. Pag minsan, may ubeng ugat sa kusina ng mga bahay nila, bigay ng mga tiyahin namin sa bukid. Naka-stand by sa bilao sa sulok, kung ilang linggo, nag-aantay na may magsipag gumawa ng halaya, hihi… Pero hindi alam ng mga pamangkin – ang ube ay bumubunga. At, sa maraming taon, isa ito sa mga meryenda namin. ;)

 

Hindi na maputik ang daan sa amin, last part

 

Hello, ka-blogs! Busy ako kunwari sa kabuhayan at sa pag-aayos ng magulo kong buhay, hehe. Ayon tuloy, di halos nakakapagsulat para sa blogs, ahaha. Pasensya naman… ;)

Sana ay nasa magi kayo. Kaunting panahon na lang ang ipagtitiis, pasasaan ba at darating rin ang mga araw na uulan na at mababawasan ang init, hala pa… :)

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Image of ice blocks in an ice plant, ready to be sold

Mga bloke ng yelo sa loob ng isang ice plant, handa nang ipagbili/ portblair.olx.in

Usapang ice plant pa rin tayo, haha. Bakit importante ang may ice plant sa isang lugar? Well, bukod sa ubod ng init sa Pilipinas sa panahong ito, hehe, maraming ibig sabihin ang pagkakaroon ng ice plant. Tingnan nyo, classic indicator sya ng progress, hakhak. ;) Pwera biro… Pag may ice plant, nangangahulugan, malaki na ang populasyon ng tao sa lugar at may kabuhayan na ang mas marami roon. Kailangan ng malakihan at maramihang storage facility para sa pagkain – karne ng baboy, baka, manok at isda para sa kung ilang pamayanan o community sa malapit. Ibig sabihin, may malaking palengke na sa bayan o sa lungsod, may large-scale na kalakalang nagaganap, may malaking bilang ng mamamayang namimili at gayundin, nangangalakal ng iba’t ibang produktong kailangang iimbak ng pangmatagalan, at, may sapat na cash o perang umiikot sa lupon ng pamayanan.

Ang point ko, hehe, hindi lang para makapagtinda ng halo-halo pag summer ang ice plant, hakhak. Hindi rin para lang may mailagay na yelo pag nag-iinuman na sa hapon at gabi at pag may handaan sa lugar, haha. Kasali rin ang mga iyan. Demand din sila, kung tutuusin… Pero ang mas malaking demand para sa produktong yelo, galing sa iba pang nagtitinda ng isda, karne, gulay at prutas – nangangailangan ng marami sa karaniwang supply ng yelo – to meet the daily demands of stores and households… So, kumbaga, pag nagka-ice plant na sa isang bayan, economically, may industrial and institutional demand na para sa produkto, may mga permanente nang palengke sa perimeters (hindi na lang talipapa) at may significant na bilang na ng mamamayang may purchasing power.

 

Image of a relatively modern ice plant building's facade

Larawan ng facade ng isang makabago nang ice plant sa Pilipinas/ polytrade.com.ph

 

So, sa usual phase ng development, pag nagka-permanenteng palengke na, sa susunod na taon o sa ikalawa, may magtatayo na ng ice plant. Ayon lang, medyo mahal ang puhunan sa pagtatayo ng planta. Sa Economics, economy of scale ang tawag – pangmaramihan ang produksyon at venture ito para ito sa may malaking kapital. Producing or processing water into ice requires lots and continuous energy supply, heavy machineries and huge market demand for ice products. May mga bayan sa Pilipinas,  sampo o dalawampong taon nang may palengke – wala pang negosyante sa lugar na makapagtayo ng ice plant. At dahil sa kabilang bayan pa o sa lungsod kukuha ng yelo ang mga nagtitinda sa palengke, hirap silang gawing araw-araw na bukas ang pamilihan. O, minsan, pag ubos na ang yelo, sarado na ang palengke, di nga… Siyempre pa, sa mga bayang wala pang koryente, walang ice plant, hoho.

Image of a machinery for processing milk inside a factory

May kamahalan ang puhunan sa infrastructures para sa pag-iimbak at pag-proseso ng mga inumin at pagkain/ rokk-processing.com

Noong 1960s and 70s, panahon ng ating mga magulang and erderly, masasaya na sila pag nakatira sa bayang may planta ng yelo – malaking gaan na iyon sa buhay nila. Malaking bagay ang nakakabili at nakakakain ng sariwa o properly stored food – lalo pa sa kalagayang mahirap pa rin ang magbyahe at mamalengke. Doon sa amin noon, di uso ang bumibili  ng karne sa palengke. Sa baryo mismo, nagkakatay ng hayop, binabahagi iyon sa mga tagaroon sa parehong araw at sinisingil ang bayad – isang linggo pagkatapos, sa bahay-bahay. Ang mga bumili naman – wala pa noong refrigerator o maski cooler – niluluto agad ang kinuhang karne. Lahat ng matira, alinman sa ina-adobo o tinatapa… Ahaha, crude ba? Old-style? E, ganoon noon sa amin. Noong nasa elementary pa, nakakakita lang ako ng refrigerator pag may quiz bee, hakhak. Dumadaan muna kami noon sa bahay ng principal o isang teacher na taga-bayan, bago ang contest. Na-associate ko tuloy ang quiz bee sa pag-inom ng Milo at pagkakita ng ref, patatawarin… ;)

 

Image of an old gas station in a far-flung place

Isang luma pang gasolinahan sa isang malayo at liblib na pook/ http://www.123rf.com

Anyway, isa pang indicator ng progress ang gasolinahan sa bayan, hakhak. Isa rin ang gasolinahan sa mga negosyong kailangan ng economy of scale – mahal din ang puhunan and needing huge and continuous demand for the product. Dito sa atin, ang isang bayan, lalo pa pag di naman malapit sa malaking lungsod, iilan-ilan ang may sasakyan – ang may malaking babuyan o poultry farm, ang nagluluwas ng gulay at prutas at ang may kamag-anak na matagal nang nasa abroad (yong malaki ang remittance na ipinapadala, haha). Pag sa mga bayang kakaunti pa ang paved road, mabibilang sa daliri ang mga pamilyang with wheels, ahaha. So, hindi local demand ang basehan ng pagtatayo ng gasolinahan. Kadalasan ang basis,  kung may national highway na tumatagos sa nasabing bayan at sa gayon ay may sapat na bilang ng bus, dyip at pribadong sasakyang daraan doon sa pagbabyahe… Madalas din, one pump or two-pumps na gasolinahan ang naitatayo. Pero noon – 60s, 70s, 80s at maging hanggang 90s – angat na sa iba ang bayang may gasolinahan…

Anyway, dito rin pumapasok ang kahalagahan ng infrastructures – kalsada, patubig at kuryente – sa isang bayan o lupon ng mga pamayanan o villages. Pag nagkaroon ng kalsadang sementado o aspaltado man lang, bibilis ang kalakalan at ang pag-labas-masok ng mga tao, produkto at serbisyo sa lugar. Pag may regular na patubig – mag-iimprove ang productivity ng mga magtatanim, tataas ang agricultural outputs at sa pangkalahatan – tataas din ang antas ng pamumuhay ng mga tao sa lugar. Pag may koryente na, hindi lang sumasaya ang mga magulang dahil sumisipag mag-aral ang mga anak nila. Ipinapanganak din madalas ang iba’t ibang negosyo at neighborhood and village level. Sa pangkalahatan, nagiging vibrant, more commercial and linked –  ang buhay ng mga nakatira sa lugar. Lumalaki rin ang halaga ng pera o kapital na umiikot sa communities at pati ang demand para sa yelo at gasolina… Nagkakaroon ng higit na purchasing powers ang mga tao at nagbubukas yaon ng opportunities – to create more businesses based on new demands, brought about by changed income and lifestyles.

 

A rural bank in Southern Tagalog region that has recently been closed

Isang rural bank sa Timog Katagalugang ipinasara ng Bangko Sentral, kailan lang/ thefilipinoconnection.net

Si economy of scale, madalas kasali sa usapang pagbibigay ng impetus o tulak sa development sa isang lugar. Paano? Sa isang bayan, ang usual na may puhunan – alinman sa yaong may pinakamalalapad na lupa at maraming ari-arian o  yaong mga naunang nakapagpundar ng negosyo  – halimbawa, babuyan o poultry farm. Madalas, ang pinakamayayaman sa lugar ay sila ring nakakapagtayo ng gasolinahan at ice plant. Sila rin ang nag-uumpisa ng unang bangko sa lugar – rural bank. Hahaha, o, di ba? Pamilyar ang kwento? Oo, medyo ganyan dito sa atin. In a way, di lang naman sa Pilipinas ganyan… Sa maraming iba pang bansa, tila ganyan din – ang pioneering elites ang halos may monopolyo sa establishments, businesses – sa local communities. Sila ang nag-umpisa,  kontrolado nila lahat … At dahil halos walang kompetisyon, madalas din – sobrang baba ng pasweldo sa mga tauhan,  sobrang higpit o  malupit ang palakad at konserbatibo ang business decisions ng mga may-ari – sa loob ng maraming dekada…

Kadalasan, hindi efficient or optimized ang pamamalakad ng mga lokal na negosyo sa bayan-bayan – gasolinahan, ice plant at rural bank. Marami raw dahilan – managerial capacity ng may-ari sa larangan, paglobo ng pautang o credit lines sa mga kapwa negosyante, kamag-anak at mga kakilala o, kakulangan ng demand para sa mga produkto – petrolyo, yelo o pautang (loan products). O, maari rin, pagkakampante ng mga may-ari – pagiging kontento nila sa ownership. Pinapatakbo ang negosyong parang pagma-may-ari lang ng lupa – rent from the properties ang hinahabol – – sa halip na profit from the business. Sa Economics, magkaiba sila. Pag rent, may tiyak na upa o halagang tinatanggap ang may-ari sa loob ng maraming taon. Pag profit, ang kita ay depende sa volume and value ng produkto o commercial transaction  sa negosyo… Kaya, ang local business na pinatakbong ala-landlord, malamang – hindi aabot sa limang dekada. At pag tumakbo pa sa halalan o na-engganyo sa politika ang may-ari,  malamang na mas mapapabayaan pa niya ang mga ari-arian at negosyo…

 

Images depicting local development in an area in the Philippines

Sa isang lupon ng pamayanan, madalas na crucial ang pagkakaroon ng kongkreto at tuluy-tuloy na kalsada, patubig para sa mga halaman at hayop, sustained livelihood para sa mga nakatira at malapit na eskwelahan para sa mga bata/ http://www.seafdec.org.ph

 

In many ways, tila ganyan ang nangyari sa maraming bayan-bayan sa Pilipinas. Stalled o nalubak ang economic development sa mga lugar sa atin – kinapos na ng puhunan, skills and diskarte ang mga lokal na mamumuhunan at sumuling sa politika – para isalba ang dumadausdos na kabuhayan. Ang entrepreneurship din ng lugar, maaring sabihin… Nakompromiso ang economic potential ng bayan, kasama ng mga kumakapit sa mayayaman at dependent sa kanila – para sa kabuhayan at pag-asenso. Sa isang banda, nakontrol na ng pionering citizens ang mga haliging negosyo sa lugar at pati politika sa kanilang mga pamayanan, habang ang bulto ng mga kababayan –  lugmok pa rin sa hirap at atrasadong pamumuhay sa araw-araw.

 

Madalas, tanong natin – bakit tila mapanghi at malansa  ang ating national politics?  :) Ahaha, ang sagot, marahil – sa municipal, city and provincial levels – naka-kompormiso rin ang ating politika at tsansa for economic and social development… Ang ating politika at the national level ay reflection ng ano ang mayroon tayo sa ibaba, sa base… Ayon lang, medyo masakit itong aminin… :)

 

Hala, ating ituloy ang kwento ni Lolo Andres Panganiban – ang Pinoy na successful banker sa Manhattan – umuwi sa Pilipinas taglay ang pagkilala ng mga dayuhan sa kakayahan niya sa stocks and foreign currency market. High tech siya – promdi sa Pinas na umasenso sa sentrong kalakalan ng finance capital sa mundo… Pagbalik nya rito sa atin, maganda nang um-English, haha, at naka-Americana… ;) Sabihin na natin, swabe at sophisticated na syang tao – malayo sa estudyanteng naglakad sa kaparangan ng Nueva Ecija noong araw…

Pagbalik nya, nasalubong nya sa daan ang mga nanay na kupas ang suot, may bitbit at akay na mga payating bata, against the background ng mga kalabaw sa pilapil. Close-up shot ng rural Philippines ang bumati sa kanya, ahaha… :) Nakita pa rin niya ang lumang gasolinahan – na gasolinahan na sa lugar noong siya ay umalis ng Pilipinas – at ang ice plant na iyon pa rin – mas luma na nga lang at mas marami na ang lumot sa paligid, ahaha. Pag-ikot niya sa mga kalapit na bayan at maging sa buong probinsya, halos iyon pa rin ang mga eksenang nasaksihan niya. Palagay ko, hindi lamang siya nalungkot noon – malamang, napamura sya. Nagalit at nagtanong, sa mga dinatnan and later on, sa sarili… Para saan?  :)

 

Image of a typical rural community in the Philippines

Karaniwang tanawin sa mga lugar sa Pilipinas, sampong kilometro mula sa isang national highway/ comdevnet.net

 

Marami pa sanang nais at maaring talakayin – naipangako ko sa inyo previously, iuugnay natin ang kakulangan ng development at village and town levels – sa land distribution, technology, tax system ng ating bansa at sa local governance sana… Pero kapos na ang ating oras at pasensya, haha, at wari ko, nakuha na naman ng mga nagbasa ang nais tunguhin ng ating pag-uusap. Nabanggit ko sa post sa SSA, sa Doon Po sa Amin, balik-tanaw – usapang pag-unlad – ang pag-asenso ng isang indibidwal sa makabagong panahon ay mas maiging sukatin, hindi lamang sa layo at saklaw ng kanyang inabot sa mundo at buhay – kundi sa extent ding naibalik niya ito sa ibaba, sa iba pa – at ground level siguro… Sapagkat, saanman makarating ang isang tao, anuman ang kanyang makamit at  mapagtagumpayan, kung hindi niya iyon kayang ipamahagi, paramihin at idamay ang mga kasamahan – mahirap sabihing  success in the real sense.

 

Image of children in the barrio

Pangarap ng mga magulang ang mas magandang buhay para sa mga anak. Pangarap ng mga mamamayan ang mas magandang bukas para sa susunod na henerasyon/ http://www.pfpi.org

Perhaps, success – material or social or both – is best enjoyed when shared. And personally, I believe that excellence, as a goal and as a virtue, is a public good. It is like the roads – everybody should be entitled to walk on them and traverse them. We maybe travelling at different speeds and means and we will likely get to our destinations in varying shapes and conditions. But we should be responsible for their upkeep and we should pay for their maintenance – we must give back. Or, else, we all go back to the prairie days of old. ;) :)

 

Mga ka-blogs, maari kayong mag-comment dito at sa mga nauna pang articles  sa serye. Pwedeng magtanong – maliit o malaki, mukhang may sense man o wala, o, maski yaong trivial observations lang – ukol sa pag-pursue ng kaunlaran sa ating bansa. Pipilitin kong sagutin o tugunan, sa abot ng kaya… :) Huwag kayong mag-alala, malamang, ang mga tanong nyo ay tanong ko rin, ahaha. Maraming maraming salamat sa lahat ng sumubaybay at nagbasa sa serye. Mabuhay kayo! :)

 

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 139 other followers