Pag-aani ng mga Tanim

image of eggplants ready for harvesting

Pag walang pang-ulam, may talong sa puno/ bar.gov.ph

Ito ang pinakamasayang parte sa pagtatanim – ang anihan o harvest. Bawat halaman, may kanya-kanyang panahon ng pagsuloy, paglaki at paglago hanggang sa gumulang na ang kanilang mga bunga o lamang-ugat na siyang maaring anihin at ihanda para kainin. Sa mga nagtatanim ng halamang-gulay, ibang saya ang dulot pag nakitang maaari nang pitasin ang mga bunga at ugat na pinaghirapan at inalagaan sa mahaba-haba ring panahon.  Ang mahawakan ang malulusog na bungang ilang buwan o taon ding pinagtiyagaan at binantayan para magkaroon ng katuparan  - katuparang maihain o maipagbili para maihain sa hapag ng iba.

 

image of bataw beans ready for harvesting

Masarap ang bataw sa gulay na bulanglang/ flickr.com

Sa amin sa bukid, halos buong taon o year-round, mayroong inaani. Bale, ini-schedule ang pagtatanim sa paraang tuluy-tuloy na may maaani kada buwan. Kung maari nga, kada linggo. Bibigyan ko kayo ng ilang halimbawa. Ang kalabasa, may season iyan. Ganoon din ang pipinong Tagalog. Ganitong panahon ang tag-pipino sa amin. Ang patani rin, may panahon iyan kung kailan lang mamumulaklak at mamumunga ng husay. Ang mga kasabayan ng patani ay ang sebatsi at ang bataw.

 

image of bitter gourd hanging from its vine

Inaani pag mabilog at magulang na/ wn.com

Sa kabilang banda, ang talong, ang sitaw at ang kibal o paayap naman ay maaring itanim at pabungahin sa buong taon. Ganoon din ang kamatis na pangkaraniwan o table tomatoes. Ang ampalaya raw ay maaring pabungahin sa buong taon pero doon sa amin, dalawang beses isang taon lang ang anihan nito.  Ang karamihan naman sa mga talbos o green leafy vegetables, buong taon ring napag-aanihan, gaya ng malunggay.  Ganoon pa man, karamihan sa mga gulay sa bansang tropiko ay pinakamasisigla ang paglaki at pagbunga sa panahon ng tag-ulan – Hunyo hanggang Agosto. Masagana ang hapag sa kabukiran sa mga buwang iyan para roon sa mga masisipag magtanim at mag-alaga ng gulay.

 

 

 

Please see:

http://www.bar.gov.ph/vegrde/rdeprograms.htm

http://www.stuartxchange.org/Kalabasa.html

http://www.bpi.da.gov.ph/Publications/productionguides/squash.htm

http://agriculture-b.blogspot.com/2010/02/tomato-not-just-for-salads.html

http://www.filipinoherbshealingwonders.filipinovegetarianrecipe.com/ampalaya.htm

http://www.agribusinessweek.com/they-plant-the-next-crop-way-ahead-of-the-last-harvest-of-their-standing-crop/

http://www.agripinoy.net/growing-malunggay-or-moringa.html

About these ads

7 responses to this post.

  1. yan nga ang pinagtataka ko e, sa pinas pwedeng buong taon may bunga, di ba? ang saya sana kung may tanim, walang gutom. dito sa alemanya may ilang buwan lang ang tanim at ani, simula march o april hanggang october. pero hindi ibig sabihin nyan parating may ani, kasi kapag biglang mag yelo, edi patay ang halaman. pero naman, ang daming halaman at puno na kahit walang nagbabantay ay panay bigay ng prutas tulad ng mga karamihan ng klaseng berries — kahit sa mga daan lang mabubusog ka na. nitong isang araw napansin ko rin na sa dulo ng aming hardin ay may tumutubong wild grapes! nakapulupot sya sa puno ng yellow plums, kakaiba talaga. parang magic garden :-D nga pala, nung meron pa kaming greenhouse ay nagtanim din kami ng ampalaya dito, iba daw ang lasa sabi nung mga pinoy na nakatikim.

    Tugon

    • hello, kengkay!

      “ang saya sana kung may tanim, walang gutom,” – gusto ko po ang sinabi nyong ito. siguro, iyon ang isang concern na kailangan nating ibalik sa kamalayan ng mga tao, kababayan natin. marami na kasi ang nakakalimot na may papel ang bawat isa sa usapin ng pagse-secure ng pagkain. kumbaga, nahihirati na rin lang na bibili sa palengke o sa supermarket at bahala na ang ibang magtiyak ng supply – kung paano at kung saan ang mga ito manggagaling.

      iyong ideya po ng backyard planting, curiously, bawas o nasa-sideline na sa maraming tao, e. maski doon po sa amin ngayon, hindi na ganoon ang enthusiasm ng mga taong magtanim. medyo nagti-take over po ang cash economy at ang kaakibat nitong attitude – basta magkapera. nalilimutan ang pagtatanim para tiyaking may makakain pag nagutom.

      kakaiba nga po. tayo ang tropical country pero ang mga mamamayan pa sa malalamig na lugar gaya dyan sa alemanya ang strong pa sa pag-appreciate ng role ng pagtatanim at pagkalinga sa kalikasan. sana nga ay maibalik natin ang usapin ng food security (at pagtatanim) as a pressing, doable and everyday concern ng mga pinoy.

      salamat, kengkay, sa pagdaan uli at sa pagsi-share ng iyong experiences. :)

      Tugon

  2. nice post ;)

    i will attest to the fact na buong taon pwede mag harvest ng selected vegies. kabilang dito ang okra, mga talbos (malungay, kamote tops, alugbati, etc.), calamansi atbp.

    ang mga talong at kamatis pwede rin buong taon, ang trick lang is kapag nagbubunga na ang mga ito ay sooner or later the mother plant will overmature and stop producing fruits. kung kaya ang mainam gawin ay mag punla na ng next batch kapag mag umpisa na magbunga ang first batch… kumbaga may naka linya na kaagad for continuing harvests.

    importante sa mga halaman wag masyado mababad ng tubig at para magawa ito, mainam itanim sa mga container gaya ng malaking timba (lagyan ng drip holes sa gilid malapit sa ilalim na parte) or used tires ang mga halaman. lagyang ng binulok na compost ang lupang gagamitin upang madali ito mag drain ng excess na tubig.

    mainam gamitin fertilizer ang mga natural sources gaya ng hugas bigas, hugas isda or karne at mga fermented plant and fruit juices. iwasan ang pag gamit ng chemical fertilizers at pesticides. ang malusog na halaman ay kailangan lang regular na bantayan upang maagapan ang pananalasa ng peste sa pagsisimula pa lamang.

    madali ng ipwesto ang mga plant containers sa ating pamamahayan, mas mainam sa bahaging bubong o terasa ilagay upang masinagan ng saganang sikat ng araw at mas mainam kung sa parteng umaga hangang tanghali magmumula ang sinag.

    simple lang ang mga ito kapag nasimulan na at nakaka igayang gawain lalo kapag nag harvest na. tunay na sariwa, masustansya at matamis ang mga bagong pitas na bunga.

    i hope mapalaganap ang gawaing ito upang makatulong ang lahat sa mumunting paraan upang makontrol ang pag kagutom at maging malusog ang bawat pilipino bunsod ng pagtatanim sa sariling bakuran.

    mabuhay tayong lahat :)

    Tugon

    • great comment, haribon! thanks…

      salamat sa mga ibinahagi mong tips at tricks sa pagtatanim at pangangalaga ng mga halamang gulay. higit sa lahat, salamat sa pagpapatotoong kayang gawin ang pagtatanim at pag-aalaga ng halaman hanggang umabot sa pwede nang mag-ani.

      sana ay mabasa ng iba ang mga paalaala mo dahil galing sa recent at current experiences ang sa iyo, e. samantalang ang mga ibinabahagi ko, e, galing pa sa luma, kumbaga… pero palagay ko, may mapupulot ang mambabasa sa pareho, kahit paano… :)

      oo, ang food security ay social concern. mapapababa natin ang presyo ng mga gulay sa palengke at supermarket kung maramihan at iba’t iba ang sources o pinanggagalingan ng mga produkto. ganoon din, mas maa-appreciate natin ang pagtatanim (at gulay) kung totoong gagawin natin at di lang academic discussion o kursunada lang, kumbaga… mabuhay ka! :)

      Tugon

  3. Pag ginugupo na ako ng rayuma, magtatanim pa rin ako. Kakain na lamang ako ng mga masusustansiyang gulay.

    Masaya talaga ang mamuti (harvest) lalo na kapag malulusog ang aanihin.

    Kamusta?

    Tugon

    • hello, kulisap! naman, ano ‘yan at nirarayuma ka kamo e, ke-bata bata mo pa? :)

      oo, ka. ansarap mamuti lalo na ng pipino, sitaw at sili – lab ko ‘yon!

      mabuti naman po, salamat. ikaw, kumusta ang ‘yong mga pakpak at pluma? ahehe… :)

      Tugon

  4. paano po ba inaani ang tanim na gulay o prutas pakibigyan naman po ako ng paraan

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 126 other followers

%d bloggers like this: