Pagtatanim at Pangangalaga ng Gulay

image of a seedling for planting

Magtanim tayo/ gardeninggarden.com

Sa pangkalahatan, mataba ang lupa doon sa amin. Ibig sabihin, karamihan sa mga itinatanim doon ay nabubuhay, lumalago at naaani ang mga bunga at ugat.  Hindi ito nangangahulugang hahayaan na lang tumubo at lumaki ng sarili ang mga halaman. May plano rin naman ang ganito at may sistema rin ng pagtatanim, pangangalaga at pagmi-mintina ng mga halamang-gulay.

 

Una, kailangang pili ang mga buto, o binhi, o punla ng mga halamang gagamitin sa pagtatanim. Kadalasan, ang mga iyon ay galing sa pinakamagandang ani o best crop of the season na pinatuyo at itinabi.  Kapag walang naitabing binhi, kailangang bumili sa pamilihan. Kung minsan, maari ring manghingi lamang ng punla sa kamag-anak o kumpare, sakaling may sobra silang binhi.

 

image of a garden plot being prepared

Kailangang may takdang lupang pagtataniman/ magandangideya.com

Ikalawa, ang plotting. Ang plotting ay ang paghahanda ng lupang pagtatamnan. Ibig sabihin, itatakda, susukatin at lilinisin ang lupang napili. Mamarkahan iyon, saka bubungkalin at paluluwagin ang lupa. Aalisan iyon ng mga kalat, damo at ugat-ugat. Madalas, ang plot ay siya na rin mismong seedbed.  Ngunit, depende rin sa halaman. May mga halamang hiwalay ang lupang pinagpapatubuan o nursery ng binhi, doon sa mismong pagtataniman at pagpapalaguan ng halaman. Palalakihin muna ang seedlings o saplings , saka ililipat o ita-transfer sa kanilang designated plots.

 

Ikatlo, ang mismong pagtatanim. Kailangan, masa-masa o moist ang lupa pag nagtatanim. Hindi pwede kung masyadong itong tuyo at ganoon din naman kung sobrang basa. Kailangan ay kainaman lamang ang looseness and humidityng lupa para makahinga at makakapit ang punla. Pag ang lupa’y tuyung-tuyo, kailangan munang diligan iyon ng kung ilang araw. Pag basang-basa naman, kailangan munang pababain ang tubig, dahil kung hindi, alinman sa malulunod o maaanod ang binhi.

 

Bawat punla o binhi ay may kanya-kanyang lalim ng hukay pag itinatanim. Mayroong pananim na isa’t kalahating pulgada lang ang kailangan. Mayroon namang binhing anim na pulgada ang dapat na lalim. May kanya-kanya silang pangangailangan para mapatubo at mapasuloy. Pag masyadong mababaw ang pagkatanim, baka ang mga punla ay tukain lang ng mga dumaraang ibon at manok. Pag masyado namang malalim, baka isang buwan na ay di pa nasisilayan ang mga suloy nila.

 

image of planting employing spacing of seedlings

Kailangang may sapat na pagitan ang mga tanim/ vermiculture2010.blogspot.com

Kailangan ding may sapat na pagitan o distansya sa isa’t isa ang mga halaman pag nagtatanim. Kung hindi, maggigitgitan o magka-crowd sila at mag-aagawan sa tubig at sa sustansya o nutrients ng lupa.  Pag nagkaganoon, mababansot ang marami sa mga tubo at hindi sila lalaki at bubunga ng maayos. Kaya importante ang spacing at distancing sa pagtatanim.  Pag naitanim na nga pala ang binhi, dinidiligan ng bahagya ang  paligid ng lupang pinagtamnan.

 

May mga halamang minsan lang kung itanim pero maraming taon bubunga at mapapakinabangan. Perennials ang tawag sa kanila. Ang mga halimbawa nito ay ang niyog, papaya, kalamansi at paminta. Mayroon namang kailangang itanim kada taon pag season ng taniman o planting. Seasonals naman ang tawag dito. Ang karaniwang mga halimbawa nito ay ang ilang varieties ng luya, luyang-dilaw, kamote at kamoteng-kahoy. Ganoon din ang okra at talong. May mga gulay na kapwa perennial at seasonal gaya ng kamatis at sili. May variety silang pwedeng minsan lang itanim, at, meron din namang itinatanim tuwing panahon ng taniman.

 

image of a fruit-bearing calamansi plant

Maraming taon kung bumunga/ sntpost.stii.dost.gov.ph

image of a fruit-laden papaya plant

Marami at madalas kung mamunga/ tropical-plants-flowers-and-decor.com

 

Ikaapat, dapat ring tandaan ang regular na pagdidilig ng mga halaman. Ang dalas ng pagdidilig at ang dami ng tubig na pandilig ay depende sa tanim. May mga halamang-gulay na kailangang diligan araw-araw. Mayroon din namang makalawahan lang. Mayroong halamang dalawang beses lang sa isang linggo kung diligin at nabubuhay na ng ayos. Mayroon ding isang beses isang linggo lang ang kailangan. Karamihan sa mga ito ay iyong mga tubers o di kaya naman ay bulbous plants. Pag tag-ulan, hindi na gaanong alalahanin pa ang pagdidilig. Ang ulan na ang bahala sa mga pananim. Ang kailangan lang pag ganitong panahon, tiyaking hindi malulunod ang mga halaman sa tubig.

 

Panglima, ang paggagamas o weeding out ng mga damo sa paligid ng halaman. Mahalaga ang gawaing ito sapagkat kung hindi gagamasin ang mga damo, matatalo nila ang mga tanim na halaman. Tandaang mas malakas ang survival instinct ng mga damo kaysa sa mga halamang tanim lamang. Para sa maraming maglulupa sa amin, alam nilang kailangang araw-araw gawin ang paggagamas. Kung ang iyong halamanan ng gulay ay 50 kwadrado metro lamang, maari na ang isang oras lang sa isang araw na paggagamas. Paglaki ng area ng taniman, pagdami rin ng oras na kailangang ilaan sa paggagamas.

 

Pang-anim, ang paglalagay ng insecticides, pesticides at pataba sa mga pananim ay di rin dapat kalimutan. Lahat ng halaman, dinadayo at dinudumog ng mga insekto at peste. Ang mga insekto, ang karaniwang inaatake ay ang dahon, tangkay at mismong bunga ng mga halaman. Ang mga peste naman, karaniwang nginangatngat ang mismong binhi o di kaya naman ay ang ugat at base ng puno. Ang pangkaraniwang alituntunin, pag insekto ang sinusugpo, insecticide ang gagamitin. Kapag peste naman, pesticide, siyempre. Karamihan sa mga peste ay fungi, galing mismo sa punla o sa lupang pinagtataniman.

 

image of a farmer spraying insecticides

Kailangang sugpuin ang mga insekto sa pananim/ marketmanila.com

 

Ang bawat halaman, may kanya-kanyang ina-attract na insekto at may kanya-kanya ring peste. Kung kaya, kanya-kanya rin o specific ang pagsugpo sa mga ito. Hindi maaring iisang gamot o spray lang ang gamitin para sa lahat ng tanim. Sa mga lugar na matatagal nang nagtatanim gaya roon sa baryo namin, kabisado na ng farmers ang mga insektisidyo at pestisidyong angkop sa bawat halaman. Kung hindi naman, maari mo itong malaman sa packet of seedlings na nabibili – nakalagay roon sa balutan ng binhi kung paano pamamahalaan ang mga kaaway ng pananim.

 

image of earthworms being cultured

Pinagaganda ng mga bulate ang istruktura ng lupa/ associatedcontent.com

Ang paglalagay naman ng pataba sa lupa, sintanda na rin siguro ng agrikultura. Alam ng mga magsasaka iyon. Kailangang pana-panahon, ibalik sa lupa ang nutrients na kinukuha ng mga halaman para iyon ay patuloy pang mapakinabangan. Dalawang klaseng pataba ang mayroon: iyong organic o compost material at iyong nabibiling abono o commercial fertilizer.  Doon sa nabibili, may nakasulat ring instruction kung kailan, ilang beses at paano lang dapat lagyan ng pataba ang lupang pinagtamnan.

 

Mas mabuti kung organic  ang gagamitin sapagkat ang mga iyon ay patabang galing din sa kalikasan at mas kakaunti ang harmful chemicals na nakasama. Ang mga halimbawa nila ay mga tirang gulay at dahong pinatuyo at inihalo sa lupa, dumi o ipot ng hayop na pinatuyo at gayundin, ang lupang tinahanan ng mga bulate o compost soil.   Ngunit, ang mga magsasakang gagamit ng patabang organic ay dapat ding may sapat na kaalaman o know-how kung paano iyon ihanda at gamitin ng tama. Halimbawa, ang ipot ng manok, kung hindi napatuyo at na-proseso ng tama ay maaring makasira sa lupa at halaman dahil sa init na nanggagaling dito.

 

Gayundin, dapat tandaang mas effective ang organic farming kapag ang magkakatabing taniman o sakahan ay pare-parehong gumagamit ng ganitong paraan. Dahil kung hindi, talo ang organic farming practitioner na gumagawa nito ng siya lamang o in isolation. Lilipat sa kanyang taniman  ang mga insektong nasugpo nga niya  sa sariling bukirin  ngunit aktibo naman sa kalapit na farm.

 

Marami-rami ang kailangang gawin at pagdaanan para itanim, alagaan at palakihin ng tama ang mga halamang-gulay. Hindi pwedeng laru-laro lang ang gawaing ito o gagawin lang kung kailan maisipan o maibigan ng isang tao. Pag naumpisahan na, kailangang tuluy-tuloy ang pagtatanim at hindi dapat pabayaan ang mga halaman. Ang kapalit ng pagtitiyaga at pagsisikap na bungkalin ang lupa at palaguin ang mga tanim ay ang katiyakang sa bandang dulo, ang nagtanim ay mayroong malulusog na bunga at ugat na aanihin.

 

 

Please see:

http://www.nationsencyclopedia.com/economies/Asia-and-the-Pacific/Philippines-AGRICULTURE.html

http://www.bas.gov.ph/

http://www.fao.org/countries/55528/en/phl/

http://www.extension.umn.edu/distribution/horticulture/dg7616.html

http://en.wikipedia.org/wiki/Perennial_plant

http://www.ecochem.com/t_compost_faq2.html

 

About these ads

35 responses to this post.

  1. sana maengganyo ang mga pinoy na magtanim! kahit na simulan lang sa paso, pwede na, di ba?

    Tugon

    • hello, kengkay! salamat sa pagdaan at sa comment…

      yes, yo! maganda pag nagtatanim – nagiging berde ang paligid, nakakatulong sa pagpapaganda ng hangin at siyempre, munting ambag sa food security nating mga tao….

      oo, ka, bilib rin kamo ako roon sa mga nagtatanim ng gulay sa paso at sa mga makeshift na platforms lang sa gilid-gilid ng bahay… :)

      Tugon

  2. Ito ang tunay na Farmville.

    Ang mga magsasaka sa amin hugis ng buwan ang isang giya para sa pagtatanim.
    Makalumang pamamaraan ba.

    Tugon

  3. haha, kulisap! dugtong lang ito sa kwentong deployment mo sa linang para maggamas, hihi…. btw, andami kong kakilala rating lokong-loko at lokang-loka dyan sa farmville. mga takot naman sila sa uod sa loob ng talong, ahaha… :)

    paano ‘yong hugis ng buwan ang giya sa pagtatanim? ngayon ko lang narinig ang gay-on… share mo naman. :) sa ‘min din, di gaanong hi-tech ang farming methods ng mga tao. wala na ring extension workers na umiikot doon sa amin. dati, 70s at 80s, meron pa, e… :s

    Tugon

  4. Posted by Haring Ibon on Hulyo 25, 2011 at 6:49 umaga

    hmmmm,

    palagay ko may patungkol ang hugis ng buwan sa tinatawag na “farmer’s almanac”. may mga days talaga na angkop at di angkop sa pagpupunla, paglipat punla, pag-aani, pagbubungkal ng lupa at kung ano ano pa…

    pero di ko pa ito gaanong pinag ukulan ng pansin.

    mapag aralan nga ;)

    Tugon

  5. hmm… salamat sa pagsi-share. iri-research ko rin nga, isang araw… :)

    paging jkulisap, share ka, pls, utoy…

    Tugon

  6. nakakamiss namang tlga don sa amin pag ganito ang mga post :-(

    Tugon

  7. hi, anne..

    alin ang nagpa-miss sa ‘yo sa inyo – ang pic ng papaya o ang pic ng mga bulate? lols :)

    Tugon

  8. […] Pagtatanim at Pangangalaga ng mga Gulay – mga batayang hakbang sa pagtatanim […]

    Tugon

  9. 20110814.1700

    Ang mga tanim ko sa kapaligiran ay mga fruit trees, karamihan, mga citrus trees tulad ng lime, lemon, calamansi, tangelo, at iba pa. Mayroon din bananas, papaya, bayabas, balimbing, at iba pa. Mababaw lamang ang lupa dito sa amin kay naglagay ako ng permanent na balag made of steel para hindi palit nang palit. Matanda na ako kaya hangga’t maaari ay less strenuous ang kailangang itanim at para less na ang bibilhin.

    Tugon

    • hello, peacecrusader… salamat po sa pagkaligaw dito sa site.

      pasensya na po kayo at ngayon ko lang nakita itong comment nyo kaya ngayon ko lang matutugunan…

      maganda ho ang fruit trees na pananim ninyo. ganyan rin ho ang mga tanim ng lolo namin noong nabubuhay pa siya. katunayan ho, gumawa po ako ng post tungkol sa kanyang ang pamagat ay Ang Masusunod, ahaha… :)

      saan banda ho ang inyo at wika ninyo ay mababaw lang ang lupa? ahaha, alam ko po ang balag at may post ho ako tungkol dyaan – Bakuran Natin ang pamagat.

      it’s good to hear po na may mga gaya nyong elders who spend their time productively – sa pagtatanim. best of luck ho sa inyong mga pananim…

      regards, :) san

      Tugon

  10. 20111019.2245

    Thank you, San, sa iyong pagtugon sa aking comment.

    I am now 64 and in the sunset of my life. Kaya ayokong strenous jobs ang aking gagawin. Hayun, fruit trees ang aking mga tanim para less work. Namumunga na. Hindi na ako para bumili pa ng juice at mga fruits. Kung wala, di wala. Just use substitute. Kaha-harvest ko lang ng ubi at kamote.

    Suggestion ko nga pala: subukang isama ang minatamis na halu-halo sa ice cream (yaong murang vanilla ice cream). May laman na at authentic ang ice cream. Hindi flavor lamang.

    Sa UP Los Banos ako nagtapos ng agriculture. So ang Southern Tagalog ay napasyalan ko, hindi lamang sa Laguna kundi sa Quezon at Batangas.

    Madalas nasa Internet ako dahil tina-transcribe ko ang mga recordings with the Holy Spirit. Ibig kong ito ay tapusin before I exit this world kaya ako ay nagmamadali.

    Tugon

    • salamat din ho, peacecrusader, sa inyong pagdalaw muli.

      bata pa naman ho kayo at 64, di nga… ang Inay po namin ay pumanaw na bago pa dumating sa ganyang edad at ang Tatay naman ho namin ay wala pang 60 noong pumanaw… maganda ho ang inyong hobby -pagtatanim ng fruit trees. may nabasa ho akong libro dati na ang pamagat ay The Man Who Planted Trees (may link po yata ito sa post kong Ano ang Pagkakaiba ng Avenue sa Boulevard?)

      ay, balak ko hong gumawa ng post tungkol sa ube. maganda rin po ang suggestion ninyong ihalo ang bilu-bilo o halu-halo sa mumurahing ice cream. parang ang sarap ho noon, ah!

      hindi po ako nag-aral ng agriculture. pero agricultural area ho ang nilakihan kong lugar at naabutan ko pa hong may mga maisan at palayan doon sa amin. may mga taga – BAE at taga-BPI pa ho noong nag-i-extension work doon sa lugar. sa ngayon ho ay wala na at ibang-iba na rin ang itsura ng landscape.

      ang husay naman ho ng mga napili ninyong advocacies – pagtatanim at pangangaral. hindi po ako gaanong religous na tao, hehe. pero katoliko naman ho ang palaki sa amin at ang aming ina naman ay dati ring aktibong cathechist and later, lay person…

      salamat ho uli sa pagparine sa amin. :)

      Tugon

  11. kagaya mo rin, yan din ang aking nais na maipamahagi ang kaunting kong nalalaman tungkol sa agrikultura. pwede ko ba kayo mainvite sa aking radio program? o kaya ay gamitn ang mga larawan na ito sa aking broadcast? u may text me at 09172455284. salamat po

    Tugon

  12. magandang gabi ho sa inyo, RRPabalate. salamat ho sa inyong pagdaan.

    mayroon din ho ba kayong website o blog na maaari kong bisitahin? kung mayroon ho, i’d appreciate it kung iiwan po nyo rito ang link, para magka-ideya rin ho ako sa inyong programa o advocacy. salamat.

    ay, gusto ko pong magsalita at mag-advocate ukol sa rural development. iyon nga lang ho, hindi po ako agriculturist, e. research po at pagsusulat ang field ko. pwede ho ba sa inyong programa ang gayon ang background? :)

    maaari nyo hong gamitin ang mga larawan. hihilingin ko lang ho sa inyong paki-cite ng original na pinagkuhanan. kung sakali rin hong gagamitin ninyo ang nilalaman ng post/article, pakibanggit rin po sa taga-pakinig ang pangalan nitong site – doon po sa amin o di kaya ay may11apr1940.wordpress.com

    nai-save ko na ho ang inyong number. maraming salamat po sa pagdalaw at pag-appreciate. have a good week po… :)

    Tugon

  13. gusto ko pong sana mag negosyo at ung paghahalaman poh ang gusto kung subukan sana pah ma2lungan ph nio aq …… gusto kong magtanim ng talong
    paano poh b ang process nito…sana poh ma2lungan nio aq…god bless poh

    Tugon

    • hello, Cherry, salamat sa pagdaan. kung pagkita mula sa pagtatanim, mas makakatulong siguro sa iyo ang pagbisita sa dept of agri website (http://da.gov.ph) – may online menu sila, may step-by-step na pagtatanim at pangangalaga ng crops, including talong… may extension offices din ang DA at online na rin. marami wari silang published materials and tips na posibleng makatulong sa iyo. salamat din, happy summer… :)

      Tugon

  14. Posted by jalal michael sabbagh.http://gravatar.com/jmsabbagh86@gmail.com on Mayo 2, 2013 at 12:28 umaga

    You have an interesting blog.Thank you for liking my post the French Revolution..Wishing you the best.jalal

    Tugon

    • hello, sir Jalal… thank you for visiting this site doon po sa amin (dpsa – where i come from) and liking a couple of posts… San here, host also of sa saliw ng awit (ssa – in the accompaniment of music). remember that? ahaha.

      dpsa was my original site, sir. it talks about rural area devt., but it was closed by WP for a year. thus, i created SSA, which talks about the life and struggles in the city… ;)

      i like how you share bits about events and history in your blog. plus the lessons, somehow… thank you for coming over. best regards… :) ~ san

      Tugon

  15. Posted by Webenna on Mayo 6, 2013 at 8:40 hapon

    May Pananim na Gulay po aq sa bakuran ko,kasi mahilig po aqng magtanim at ang saya sa pakiramdam pg nkkita q na tumotubo na,laking tulong po sakin ung pgtatanim ng gulay kasi kht papanu naibsan ung lungkot na malau sa asawa kasi ofw po xa,ung pagtatanim po libangan namin ng isang anak ko! libangan na napamahal na skin! kya gusto q po sana
    malaman qng anu2 ang pwede itanim sa
    tag ulan o tag init at ung walang piling klima
    , ang mga tanim q po ngaun sa munti qng garden ay petchay,sitaw,kamote,sibuyas,atsal,siling.haba!tumutubo nman po sila ng maayos at gusto q po malaman pa mga nkakatulong na.idea sa pagtatanim sa bakuran! tanx

    Tugon

    • hello, ms. Webenna. :) salamat sa pagkaraan at sa pagbabasa. hala, nakakaaliw naman at nagtatanim kayo. ako rin, dati pero pakonti-konti lang at di rin ma-sustain kasi mainit dito sa MM. mas madalas na namamatay ang mga tanim ko, hehe. nakakatuwa namang kayo ng inyong mga anak ay giliw at nahihilig rito… :)

      ahaha, ang dami mong tanim… btw, hindi talaga ako expert sa hala-halaman, experiments din lang ang sa akin. better siguro, magtingin kayo sa dept of agri website – da.gov.ph. may articles po sila roon abot perrenial and annual plants – ano ang mas magandang itanim sa anong buwan at sa klase ng lupa. suggestion ko lang po… :)

      maybe, pwede rin kayong magtanong kay haribon – a middle-east based OFW na may comment sa itaas (paki-click nyo ho ang URL o pangalan ng site nya. mag-comment na lang po kayo sa kanyang blog at pakitanong nyo sya (kung ok sa kanya). sya ho ang alam kong nagtatanim lagi and serious about it. ..organic farming pa ho ang sa kanya… :)

      iwan po kayo ng link or link ng blog site nyo or paraan paano kayo makokontak, next time. teynks po and kind regards… :)

      Tugon

  16. Gandang araw po sa lahat, baka pwde nyo akong bahaginan ng Chart ng mga Gulay kung kelan napapanahong itanim na hindi magkakaproblema sa produksyon o pagpapasibol wala kasi akong guide. Salamat po sa mga magsasaka at mga hardenero =)

    Tugon

    • hello, Aiwa… salamat sa iyong pagdaan. pasensya ka na, wala ako noong chart na sinasabi ninyo. baka sa site ng dept of agri, mayroon sila. eto ang link – da.gov.ph.

      hala, di po ito site ng magsasaka o hardinero. isang tao lang po ang nagsusulat dito sa site. ganoon pa man, salamat for thinking of it as such. daan ka uli minsan… :)

      Tugon

  17. Natutuwa ako’t agad kang nakatugon doon po sa amin, salamat po, sige po’t sisikapin kong makakita ng mga kaalaman tungkol sa hinahanap ko, sa palagay ko kasi talagang makakatulong iyon lalo na mga bago pa lang nagtatanim at nahihilig sa ganitong mga gawain upang lalo silang magkaroon ng tamang kaalaman ukol dito, hayaan nyo at ibabahagi ko rin kung sakaling may malaman akong kapakipakinabang na mga impormasyon.

    Tugon

  18. Posted by kdorwelo@yahoo.com on Hulyo 18, 2013 at 6:39 umaga

    humanap ng plano sa halaman

    Tugon

  19. magandang gabi po. baka po pwede nio ako matulungan or mabigyan ng idea kung anu ang pinakamaganda ko gawin sa lupa ko. dko kc alam kung anu pwede ko itanim sa bukid dahil me parte po malambot ang lupa tinatawag po na labuy na lupa. gangang tuhod po ang lalim. anu po kya ang pwede ko itanim or gawin sa lupa na un. maraming salamat po sana po matulungan nio ako.

    Tugon

    • hello, ms. donna… pasensya na po kayo at di ko nakita sa pagkatagal na panahon itong message/request ninyo. maigi ho ay pumunta kayo sa site ng DA, may info at advisory sila sa klase ng lupa at mga pwedeng itanim. da.gov.ph po ang site nila. mayroon din hong site ang extension offices nila, siyang nag-a-advice sa mga nagnanais mag-engage sa agriculture sa mumunting scale at paraan.

      hope this helps, ma’am. salamt po sa pagkaligaw rito sa dpsa. good day po. :)

      Tugon

  20. magandang umaga po.. nais ko po itanong kung meron po kayong guide ng pagtatanim at pagaalaga ng kamatis, talong at sili sa ilalim ng niyog.

    Tugon

  21. Tnx poh… :) at natulungan niu po ako sa takdang aralin ko :D

    Tugon

  22. hello, Rohaina. you are welcome. at salamat din sa pagdaan dito sa amin. :)

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 144 other followers

%d bloggers like this: