Laging May Gulay

image of stringbeans and squash cooked in coco milk

Madalas maggata ng gulay doon sa amin/ lutongpinoyrecipe.blogspot.com

Sa amin, pag nagluluto, laging may gulay. Bale, ang batayang pagkain o staple food doon ay kanin, isda at gulay. Pag walang maibili ng isda, kanin at gulay lamang ang magka-ulam. Bibihira sa amin ang nag-uulam ng karne sa pang-araw-araw. Ang mas karaniwan, nakakain lang ng karne ang mga tao kung may handaan – pasko, bagong taon at piyesta.

 

image of sigarilyas vegetable cooked in coco milk

Kalamismis ang tawag sa amin sa sigarilyas/ skyscrapercity.com

Pag nagkakaroon ng di-inaasahang pera – malaki ang napagbentahan sa mga kalakal na prutas at gulay, tumama sa huweteng o di kaya, nagpadala ng malaki-laking halaga ang kamag-anak sa Maynila – doon lang nagkakaroon ng pambili ng ulam. Sa amin, ang ulam, karne rin ang ibig sabihin. Hindi lang viand.

 

Kaya iyon, sa araw-araw, gulay at gulay ang katapat ng mga taga-amin. Naikwento ko na sa inyo dati, bawat bakuran sa amin ay may mga tanim na gulay para pantawid-gutom. Kadalasan, may balagan o trellis kalapit ng bahay doon sa amin. Doon naroon ang mga gulay na kumakabag – patani, sitaw, ampalaya at patola.  Sa likod-bahay naman, may mga tanim na talong, okra, luya at gabi. May kamote rin at kamoteng-kahoy. Ganyan sa amin. Iyon ang pagtitiyak ng mga taga-aming laging may uulamin sa hapag-kainan.

image of different vegetables in the flea market

image of different vegetables/ / hulascoop.blogspot.com

About these ads

22 responses to this post.

  1. sa totoong kainaman, sadyang ako’y nanabik sa nakalakhang buhay sa kanayunan sa panahon ng aking kabataan…

    ang luntiang kaparangan sa tuwina ay nagaanyaya upang ihandog ang saganang bunga ng binhi ng buhay na nilinang at pinagyaman ng magilas na kamay ng dakilang magbubukid…

    sa kasalukuyan, ang lugar ng pananahanan sa gawing lungsod ay nagdulot ng kawalan ng pag-asa na muli ay matunghayan ang karanasan ng nakalipas na panahon…

    ang daloy ng pag-unlad ay unti unting gumagapi sa anyong kabukiran upang magbigay daan sa pag usbong ng mga gusaling inilalaan sa walang humpay na paglaki ng populasyon…

    maging ang magilas na magsasaka ay napaglipasan na ng panahon at ang higit na nakalulungkot ay ang kawalan ng tagapagmana ng angking galing sa pagyayaman ng kalinangan …

    ang mga sumunod na salin lahi ay malaon ng naibuyo ng pagkasilaw sa kaginhawaan hatid ng pamamalakaya at paghahandog ng sariling kakayahan sa lupain ng mga banyaga…

    na kung saan hindi lahat ay nagtatagumpay sa mithiin at hindi iilan ang niyurakan ang pagkatao kapalit ng kakarampot na salapi…

    nakakalulungkot isipin ang mga kaganapang ito subalit ako’y lubos na umaasa at naniniwala na hindi pa huli ang lahat…

    sa muling pag-ikot ng panahon ay mananag-uli ang kamalayan na pansumandaling nilukom ng karimlan at pagkalimot…

    sa pag sibol ng bagong pag-asa ay magmumulat ang pangkalahatan sa tunay na ligayang hatid ng pakikipag niig sa mapagkalingang kandungan ng inang kalikasan…

    ang kamalayang dumadaloy at naghahari sa ating pagkatao ay naghahangad ng higit na paglago… nagliliyab sa damdamin ang pagtataguyod ng panibagong simula… na walang kapagurang tatahakin ang matinik at madawag na landas natunghayan lamang muli ang nawaglit na kaligayahan… upang sa dakong huli sa panahon ng paghayo sa dako pa roon… mabunyi kong iaalay sa susunod na salin lahi ang buting hatid ng pamumuhay sa galak bunsod ng pagtatagumpay sa layunin… ang layunin na itinakda bago pa man maipunla ang binhi ng sanggol sa sinapupunan ng ating ina…

    lahat tayo ay may layunin… may itinakdang gawain na nararapat gampanan sa lalo’t madaling panahon… naghihintay lamang na ating matunghayan… nakahandang mag alay ng wagas na kaligayahan sa sandaling nasumpungan…

    harinawa … ang panibagong umaga ay dumatal na…

    sa ikakatagumpay nating lahat…

    sa muling pagbangon ng ating lipi…

    ang mabunying lipi ng …. Lahing PILIPINO!!!

    Tugon

    • hello, haribon,

      natutuwa ako at itong kapiraso kong kwento ay nakapag-evoke ng mahaba-habang reaksyon mula sa ‘yo – buhat sa lugaming state ng agriculture sa kanayunan, sa kawalang-pag-asa ngayon ng buhay ng maraming magsasaka at sa paghahanap ng maraming kababayan ng tagumpay sa lungsod at maging sa dayuhang lupain… at ang panghuli, ang iyong paniniwalang maging ganito man ang mga sinapit ay hindi pa huli ang lahat at marami pa tayong kayang gawin…

      dito sa site, may ilan na akong naisulat na sanaysay tungkol sa mga iyan, mga pahapyaw na pagtalakay nga lamang gaya ng sa posts na:

      > Sukatin Mo
      > Bakuran Natin
      > Bago Makapag-ani
      > Sabado ng Kamusmusan
      > Baka Sakali
      > Bentahe ng Nabebenta
      > Wala Niyan sa Amin

      sa mga nabanggit, pinilit kong ilarawan ang sights, sounds and imageries ng kanayunan hindi lang upang mag-generate ng rural life recall sa mga babasa kundi para maitsurahan din, hopefully, kung paano nga ba natin ii-engender ang rural development sa panahong sinasabing global at makabago na ang pamumuhay. open-ended ang usapin, sa palagay ko – bukas sa mga debate, puna at mungkahi kung paano nga ba natin ito isasakatuparan collectively. iyong hindi lang nostalgic sa buhay na nakalipas kundi aware din sa developments and situations ng kasalukuyan….

      teka pala, alam nyo bang mahabang essay itong Laging May Gulay? ito sana ang ipa-publish ko last week at hindi iyong prev. post na Akala Natin. nawalan lang ako ng ganang mag-type dahil malungkot pa ako sa pagkawala ng aming aso. ayon, eight (8) boring pages ito mula sa pagtatanim, pangangalaga, pag-aani at pagtugon ng gulay sa nutritional requirements ng mga tao, ahaha… baka by installment na lang ang gawin ko.

      natutuwa rin ho ako na naka-engkwentro ako ng gaya nyo na may keen interest sa pagtatanim, bukod sa interes nyo sa mga gusali at sa forex and stock market, ahaha… :) salamat uli.

      Tugon

  2. Balag, bigla namang nanariwa ang paglalaro ko sa ilalim ng balag. May mga nakalawit na bunga ng mga gulay na gumagapang.

    Mahilig ako sa gulay siguro nga dahil ito ang pangunahing ulam sa mga taga-probinsya. Sa duyuhan o likod bahay ay pwedeng magtanim ng mga gulay/halaman. Karaniwan ang gabi, kalam-isan, kalamyas, kapaya, kabay, talong, kamote at bahay kubo. Hehehe.

    Tugon

    • hello, kulisap…

      may tanong ako sa iyo – ikaw ga ay maalam maggamas at magtanim? sa mga gulay sa balag – ano ang iyong paborito? ang sa akin ay patani at kibal (paayap), parati akong nagbo-volunteer na manguha ng mga iyan noon, ahaha…

      teka, may ilang estrangherong gulay sa ‘kin sa mga nabanggit mo – ano ang kalam-isan, kabay at bahay-kubo? baka may mga ganyan din sa amin, iba lang ang tawag? :) hehehe…

      Tugon

      • kabay-kalamismis
        kalam-isan-kalamansi
        bahay-kubo (mga gulay na nasa bahay-kubo, tinamad na akong magtype.shortcut na lang.

        Ay opo, kahit sa linang nagagamas ako. Inaiyakan ko ngani ang paggamas dahil makamalawak ang inabigay ni tatay sa akin. Dapat matapos maghapon.

        Kainaman

      • hello, kulisap. ayon naman pala… sabi na nga ba’t alam ko ang mga gulay na yaan… kalam-isan pala sa inyo ay kalamansi? :)

        hala, maalam ka ngang maggamas – alam mo pa ang linang? kainaman na. sa amin ay wala nang mga linang ngayon, ilang taon na… pasalamat ka at nakaabot ka pa noon at ika’y kahit paano ay pinanday sa paggagamas, ahaha…

        actually, sa totoo lang, ang hirap maggamas. :) masakit na sa kamay, masakit pa sa balakang at sa likod. tapos, bukas ng umaga, pagsilip mo sa linang ay may mga maliliit na uling damong bagong sumusuloy, ahaha… parang walang katapusan. :)

  3. sa amin nagkakaroon lang ng tanim na gulay if naisip ng lola ko na sa amin na naman titira, at buti nalang sa bahay nya napiling manatili sa ngayon kaya may mga tanim kaming gulay sa likod bahay.

    tuwing umuuwi ako, unang-una kong gagawin pagkagising ay mamitas ng ampalaya at balutin ang maliliit sa plastik para di masira.. o kaya bubungkalin yong mga tanim ni lola na kamote..hehehe

    at naalala ko, ang unang-una kong natutunang lutuoin na gulay ay ginisang kangkong..yehey! grade two pa ako nun :D

    Tugon

    • hello, anini!

      ang husay talaga ni lola mo, in-introduce ka nya sa paghahalaman. maganda talaga ‘yong alam natin ang mag halaman at hayop hindi lang sa mga scientific names and features na itinuturo sa eskwela kundi mismong nakikita, nahahawakan at naaalagaan natin, di ba nga ? :)

      ay, ang galing, nagbabalot ng ampalaya! alam mo bang iyan ang isa sa ikinatutuwa kong alam ko – na ang bunga ng maraming gulay at prutas ay binabalot habang nakasabit pa sa tangkay para hindi ma-atake ng mga kulisap?

      ang kamote, kinakain namin dati ng hilaw. pag wala kaming ma-meryenda noon, naghuhukay kami ng kamote. hinuhugasan lang namin at kinakain na. hindi na namin inilalaga o iniihaw. masarap naman, tastes a little like peanuts na hindi rin niluto. para lang kaming cave people no’n, ahaha!

      aba, at marunong mag-gisa ang aleng anini. sili naman ang sikat na talbos sa amin. :)

      Tugon

  4. nung nabubuhay pa ang lolo ko madalas akong makakita ng gulay sa likod ng bahay namin.. andyan ang kamote , kamoteng kahoy, talong , kamatis , sitaw at gabi… mahilig kasi sila sa gulay lalo na sa ginataan. ang sarap talaga sa probinsya ;)

    Tugon

    • hello, lambing! salamat sa pagdalaw at sa comment. :)

      ang mga lolo talaga! ganyan din ako, e. sa lolo namin ko unang nakita ang matiyagang pagki-care for sa mga halamang-gulay. siya talaga, kasi ang father namin, hindi gaanong mahilig – parang napilitan na lang sya noong later years nyang magtanim-tanim din.

      ahaha, pwede pa rin namang magtanim-tanim maski dito sa lungsod. dito sa ncr, from time to time, nagtatanim pa rin ako ng kamote, sili atbp. sa mga gilid-gilid lang at kung minsan, sa mga paso, ahaha… lambing, pwede mo ring gawin ‘yon minsan. hwag lang gagaya sa ‘king minsan ay nakakalimot magdilig dahil sa pagmamadali, haha… :)

      Tugon

  5. ahahaha naalala ko bigla nong umuwi ako alas nuebe ng umaga tinanong ako ni Nanay kong ano gusto kong ulam sa tanghalian sabi ko gusto ko tinola sabi nya umpisahan ko ng manghuli ng manok sa likod bahay, tatlo kaming magpipinsan na nagbabakasyon that time at 12noon na hindi pa rin namin nahuhuli yong manok kainamang tunay…tapos manunungkit pa kami ng papaya alas dos na kami nakakain ng tanghalian hinika ako kinagabihan ang adik lang :-)

    tapos pag gusto mo naman ng isda aagahan mo sa tabing dagat magaabang ka ng mga mangisngisda tutulong kang ayusin yong lambat nila or tutulong kang paghihiwa hiwalayin yong isda ayon sa laki nito tapos ayon paguwi mo may isda kana hehehe

    yung gulay naman kahit saang likod bahay sa probinsya meron yata…pero kakaiba sa kusina namin laging may nakasabit na sanga ng sili na may bunga…mawala ng lahat ng sangkap wag lang ang sili ang aadik lang…

    Tugon

    • haha… ang dami ko na namang tawa sa kwento mo, anne. gano’n nga, pag gusto ng tinola, manghahabol ka pa ng manok at manunungkit ng papaya… ang mahirap no’n, pag ikaw pa ang magdi-dress ng chicken, haha… paktay na! madugo ‘yon… :)

      naiinggit ako sa ‘yo tuwing magkukwento ka tungkol sa dagat at sa pangingisda… :c at talaga palang living close to nature kayo, ah? hanggang ngayon, ganyan pa rin sa bandang inyo?…

      e, siyempre, sa probinsya nyo, bida lagi ang sili, ahaha…. ikaw ang adik, di mo gets ang kahalagahan ng sili, hehe… ang sarap kaya ng talbos no’n? bihira akong maka-tyempo no’n dito sa maynila. kung meron man, iilan-ilang dahon lang at natutuyo pa, haha… oks lang ang bunga ng sili pero di naman ako sobrang adik about it… :)

      salamat sa masaya mong comment. teka, ikaw kaya ang gawa ng post tungkol doon sa inyo? what say, eh?…

      Tugon

  6. Posted by Sphere on Hulyo 21, 2011 at 4:34 umaga

    hmmm Dalawa bahay namin sa probinsya meron sa kabayanan at meron sa kalibliban pero syempre pag umuwi ako mas pinipili ko sa kalibliban magstay mas masarap sa pakiramdam kung broken hearted kang pumunta don pag alis mo buo na ulit nag puso mo ganung level ang ganda. may kuryente naman kahit papano, wala nga lng nternet, malapit sya sa dagat, malapit din sa bundok. dalawang jeep lng ang bumabyahe sa maghapon at dalawang trabaho lng ng mga mamamayan don ang pangisngisda at pagsasaka dahil tulad nga ng sabi ko malapit sila sa bundok at dagat at meron pa pala mga teacher na nakapangasawa ng mga magsasaka at mangingisda. hindi uso talipapa don samin dahil weekly may nagkakatay ng baboy, baka at by request ang kalabaw at kambing at bago katayin ang mga nabanggit nagiikot na ang mayari para ibenta ang karne nito.

    pag umuwi ako, isinasama ako ng mga pinsan kong lalake sa pangingisda aalis kami ng hapon at babalik kami madaling araw na feling nila may bayag din ako. at kung nataon din na anihan ng palay makikita mo akong nsa palayan maghapon ganun din kung taniman nito. may gilingan din kami ng tubo kaso hindi ko keri ang magstay kc naaawa ako sa kalabaw na non stop ang pagikot nya…hmmm nong umuwi din ako may nagorder ng limang sakong kamote sa tita ko at kailangang maideliver kinabukasan, wala syang makuhang tagahukay ng kamote lahat kami magpipinsan naghukay ng kamote maghapon tpos binigyan nya ako ng 200pesos at free camote cue at iba pang meryenda made of kamote for 2weeks na pagstay ko.

    at ito ang pinakahighlights naranasan ko din ang mangharana :-) yong pinsan ko may gusto syang babae eh wala syang gitarista ako kinuha nya at kinanta namin “it might be you” uso pa harana sa lugar namin ewan ko lng ngayon tpos nong pinatuloy kami nong nanay muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko 15yrs old lng yong hinaharana namin at 2nd yr h/s eh yong pinsan ko 25 na at hindi ko makakalimutan ang inuming hinanda samin nong nanay 8oclock na maligamgam na malabnaw at biscuit yong nsa malaking lata. lima kaming magkakasama non ganun pala ang paghaharana patutuluyin ka tpos magkakantahan kayo tpos magrerequest ang babae ng kanta tpos kakantahin mo, buti na lng mga kanta ng parokya ni edgar request nong babae alam ko kala ko nga mga kanta ni April Boy kundi patay kami ahahahaha nsa US na yong pinsan ko na yon at pagnagkakakwentuhan kami hindi pwedeng mawla ang karanasan namin sa panghaharana…:-)

    Tugon

    • hahaha! ang ganda nitong guest blog mo, anne. wala akong masabi… parang pure and unadulterated na rural life ang iyong ipininta – am so honored. :)

      parang sariwang gatas na pisinerenohan sa gabi, hihi. pag ininom ay makakapagpasigla ng katawan….

      salamat. :)

      Tugon

  7. wow!gulay, hehe, dati pakiramdam ko kapag kumakain ako ng gulay para akong kambing na kumakain ng damo, pero ngayong tumanda este nagkaedad (ano bang magandang termino, haha), mas nappreciate ko ang gulay dahil ito ay pampalakas at pampasigla!pero pakainin mo na ako ng lahat ng gulay maliban sa okra (gwark) haha

    Tugon

    • hello, aubu. salamat sa pagdaan uli at sa pagsi-share… :)

      tama, masarap na, healthy pa ang gulay dahil fibrous. hindi rin nakakataba. yon nga lang, mas mabilis magutom ang tao pag gulay lang ang ini-ulam, hehe…

      haha, okra! acquired taste ang okra, e. ako, mahilig ryan, yong steamed lang, sawsaw sa kalamansing may asin – sarap, haha… :) saka sa ginataang langka na pinakuluan ng at least two hours… haha, may mga kilala rin akong nagya-yuck pag narinig ang gulay na langka, hihi… basta, panalo ang gulay! :)

      Tugon

  8. nung maliit ako, maarte din ako. hindi kumakain ng gulay. late na ako nagkaron ng lasa sa gulay lalo na nung buntis ako. healthy food dapat di ba? dito sa alemanya, itong mga little kengkays, maarte din. pero nung baby sila panay kain ng spinach, carrots at kung ano pang gulay. nung lumaki, mapili na. nitong simula ng taon, nagtanim kaming pamilya ng sari saring gulay sa hardin. at dahil sila ang nagtanim, sina din ang umani at sila din ang kumakain. ngayon wala ng arte, lahat ng gulay na galing sa hardin sa bakuran kinakain na nila. as in, lahat lahat… siyempre, ang dami ring prutas. dito kasi kahit na hindi alagaan yung ibang prutas talagang bubunga sila e. kakahinayang lang talaga kasi hindi sila nakakain lahat, nabubulok minsan sa puno :-(

    Tugon

    • hello, raqgold,

      salamat sa kwentong gulay mo, ahaha! amg husay naman at nagtatanim kayo dyaan. yes, eat healthy tayo dapat! yon lang, minsan ang sarap din talaga ng barbeque at iba pang makakasalanang pagkain, hihi…

      hala, anu-ano ang mga prutas nyo ryan? di nyo pala pwedeng ipamigay sa neighbors? :)

      salamat sa ‘yong pagdaan. dala ka ng bbq sa susunod, haha… :)

      Tugon

  9. nagutom ako sa post mong ito! gusto ko ng pinakbet!

    Tugon

  10. ay sobrang natuwa naman ako dito. sobrang avid fan po kasi ako ng gulay. pangarap ko talaga magkaron ng farm na tataniman ko ng mga paborito kong gulay gaya ng bellpepper, bellpepper at mga bellpepper. hehe. nagutom ako! makapagpakbet nga mamaya :)

    Tugon

  11. haha! salamat sa pagdaan, missgreenbellpepper. sana matuloy ang pangarap mo – ang ganda kayang tingnan ng taniman ng bellpepper na hitik sa bunga? dadalaw ako sa farm mo at makikikain, hehe… kumusta po ang luto ng pakbet? :)

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 144 other followers

%d bloggers like this: