Sabado ng Kamusmusan

 

image of a rainforest, borrowed from t1.gstatic.com

Pakaunti ng pakaunti ang ating mga gubat /panoramio.com

 

Noong bata pa kami ng mga kapatid at pinsan, marami pang mga gubat sa amin at may mumunti pang mga sapang may samut-saring hayop at insekto.

image of an ecosystem, borrowed from king.portlandschools.org

Magkakarugtong ang buhay ng mga halaman at hayop /king.portlandschools.org

 

Pag naglalaro kami noon sa tabi ng bahay, ang binubutingting namin ay ang kurukutok, isang insektong nakatira sa alikabok at paurong kung maglakad. Binabantayan rin namin noon ang mga pula at itim na insektong naliligaw at gumagapang sa may bintana. Hinuhuli rin ng mga batang lalaki sa amin ang iba’t ibang klase ng gagamba, nasa ilalim sila ng bubong ng mga balag.

 

image of milkweed bugs, borrowed from t0.gstatic.com

Mas malalaki sila kaysa sa langgam, kilala bilang milkweed bug/ mobot.org

 

Pag sawa na kami sa pagbabahay-bahayan at paggawa ng mantika mula sa dahon ng gumamela, pumupunta kami sa mga gulod at namimitas ng mga bunga ng punong di-tanim sa bakuran. Ang una naming hinahanap ay ang bignay na pagka-asim-asim. Sunod ang matamis na talang, mas kilala bilang mabolo. Pagkatapos, itataboy namin ang mga ibong nasa tuktok ng matinik na puno ng cherry, para ang mga kapatid naman naming lalaki ang paakyatin doon. Pagbaba nila, mukhang binagyo na ang puno. 😉

 

image of ripe currants, borrowed from t1.gstatic.com

Tumutubo ang bignay sa gubat, kilala bilang wild currant /stuartxchange.org

image of velvet apple or mabolo fruit, borrowed from t1.gstatic.com

Matamis ang laman, parang velvet ang balat/ proscitech.com.au

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

image of wild cherry fruit, borrowed from t0.gstatic.com

Hindi nahihinog ng sabay-sabay ang mga bunga ng cherry/bidorbuy.co.za

 

Nanunungkit din kami sa gulod ng mababangong bayabas at pag wala nang hinog, nagtityaga na lang kami sa bubot. Kung minsan, may naglalakas-loob sa aming umakyat sa marurupok na mga sanga ng punong sampalok. Kadalasan, wala kaming dalang asin, nakakakilig pag tikiman na ng mga bunga. Pag gayon, inuuwi na lang namin ang sampalok sa bahay para pang-asim sa isda.

 

image of sampaloc fruit and tree, borrowed from t2.gstatic.com

Marurupok ang mga sanga ng punong sampalok, maasim ang bunga /fatihmoessner.iblog2011.com

 

Sa daan, sari-sari ang mga hayop na nasasalubong namin noon gaya ng mga alamid at musang na nagulat sa pagkakatulog. Ang mga ito ay hayop-gubat na hindi mahilig magpakita pag araw at hindi rin pala-kaibigan sa mga tao. Maamong tingnan ang mga alamid, mababangis naman ang itsura at kilos ng mga musang. Nakaka-engkwentro rin kami noon ng mga uwang o butiking-gubat na mahusay magpalipat-lipat sa mga puno at kung minsan ay nandudura pa. Sa totoo lang, di sila lumilipad, kundi, nagga-glide. 🙂

 

image of common palm civet or musang, borrowed from t1.gstatic.com

Mabangis na hayop, parang lobo /kitsiescrocodiles.com

 

 

 

image of an asian palm civet

Matatamis na prutas ang kinakain/ vietnamese-coffee.com

 

image of the Philippine flying lizard, borrowed from t0.gstatic.com

Nakamamangha ang kakayanan nilang magpalipat-lipat sa mga puno / flickr.com

 

Pag nakaikot na kami sa malayo, babalik kami sa tabing-bahay. Babatuhin namin ang mga bunga ng tyesa sa paligid, pag nagsipaglaglagan ay anong kalat masdan! Hindi namin kinakain ang tyesa at lagi naming pinagtatakhan – bakit may ganoong punong hindi masarap ang bunga… Gaya rin ng puno ng aratiles, ikinakalat at pinag-yayapakan lang ng mga bata ang bunga – doon sa amin. 🙂

 

image of tiessa or canistel, borrowed from t2.gstatic.com

Dumidikit ang tyesa sa ngala-ngala, pag kinakain /marketmanila.com

 

image of Jamaican cherry or aratiles, borrowed from t1.gstatic.com

Manamis-namis ang bunga ng aratiles/cooking-in-small-spaces.blogspot.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Bago mag-tanghali, tatawagin kami sa aming bahay-bahay para katulunging magtahip o magpili ng bato sa bigas na pansaing. O, kaya naman, para maghimay ng mga butil ng patani, kibal o kadyos, uulamin sa tanghalian.  Pagkatapos, magbabantay naman kami ng sinaing at magbabangi ng tuyo sa baga ng kalan.

 

image of a woman winnowing rice, borrowed from t2.gstatic.com

Inaalis ang mga apa ng palay at mga bato sa bigas/ focus.tracinglight.com

 

 

image of paayap beans

 

 

 

 

 

 

 

 

Pag kumakain kami noon, nakakamay lamang at laging may tabong hinawan. Pagkatapos magdasal, paiikutin ang tabo para doon isasawsaw ang kamay ng mga kakain. Pagkakain ng pamilya, ang mga alagang hayop naman ang pakakainin – aso, manok, baboy. Maghuhugas ng pinggan at pagkatapos, mag-i-is-is ng mga kaldero. Wawalisan ang kusina at kung walang gaanong gawain, maaari na uling maglaro o makisali sa ginagawa ng iba. 🙂

 

Kung sa bahay ng lola namin ay may nahuling tuko, takbuhan kami roon – makiki-usyuso at para gayahin ang likha nitong tunog. Tapos, pag mayroong kapitbahay na nakahuli ng bayawak sa may sapa, doon naman kami magsisipuntahan. Makikinig kami sa kwento kung paano nabitag ang maliksing hayop. Habang sinisilip namin ang kanilang mga pangil, ikukumpara namin ang nahuling bayawak sa mga buwayang nakita namin – sa komiks at sa libro… 😉

 

image of tuko lizard, borrowed from t1.gstatic.com

Mahigpit mangunyapit ang tuko, panakot noon sa mga bata/ world.mongabay.com

image of a monitor lizard, borrowed from t1.gstatic.com

Nanginginain ang bayawak ng buhay na manok /clickthecity.com

 

 

 

 

 

 

 

 

Kung minsan, may kanayong ang bubong o poste ng bahay, pinagbahayan ng laywan o honey bee… Pag ganoon, makikisali rin kami  sa pag-aani ng pukyutan o honey. Sulit lagi ang pagsalibuyboy naming mga bata:  Madalas, pag-uwi namin, maga ang aming mga mukha sa mga kagat ng laywan at nanlalagkit ang aming mga kamay, ipinansalok sa pukyutan. 😉

image of honey bees at work, borrowed from www.agripinoy.net

Masakit mangagat ang mga laywan/ agripinoy.net

 

Bandang alas-tres y medya, meryenda na – nilagang kamoteng-kahoy o kaya, pinakuluang butil ng tapilan – may asukal at kinudkod na niyog. Kung wala, ang minindal ay bahaw na kanin, uulaman ng brown sugar… Laging masarap ang mga pagkaing iyon sa aming panlasa, naiba lang ang opinyon namin – nang kaming magkababata ay makatikim na ng ibang meryenda sa lungsod.

Image of a cup of cooked rice

Lagyan lang ng asukal ang kaning- lamig, meryenda na/ http://www.steamykitchen.com

 

Pagkatapos ng meryenda, isa-sa uli kaming tatakas papunta sa bungad ng gubat – manghuhuli ng mga sikada o insektong yayay, turukakak at kuliglig… Ang yayay pala, kahawig ng kuliglig – pero kulay gray o brown –  insektong nag-uumpisang mag-ingay sa tanghali. Ang turukakak ay higit na malaki, mas maingay ang huni at kulay itim na nakakatakot… Ang kuliglig o cricket naman – kulay berde, mas matinis ang likhang tunog at nagpapakita bandang alas singko na ng hapon. Sila ay nakadikit sa mga puno at hinuhuli namin sa pamamagitan ng pagdakma  o kaya, gamit ay panungkit na may pansilo at inilalagay namin ang mga huli  sa lumang lata… 😉

 

image of yayay insect, borrowed from t3.gstatic.com

Maiingay sila sa tanghali hanggang hapon /world.mongabay.com

image of a green cricket, borrowed from t1.gstatic.com

Alas-singko sila nag-uumpisang mag-ingay /world.mongabay.com

 

 

 

 

 

 

 

image of a black cicada, borrowed from t2.gstatic.com

Malaki at mataba, black prince cicada sa Ingles /flickr.com

 

Sa oras na madiskubre na ng matatanda ang aming pagkawala, isa-isa kaming tatawagin para paghuhugasin ng mga kamay at utusan ng simpleng gawain gaya ng pagpapatuka ng manok. Matapos iyon, maari pa rin kami noong maglaro, pero sa harap o gilid na lang ng bahay… Madalas, tumbang-preso o taguan ang laro namin sa ganoong oras.

 

image of children playing, borrowed from t0.gstatic.com

Mga laro bago maghapunan /batanggero.blogspot.com

 

Maya-maya pa, makikita nang humihimpil ang mga tandang na manok sa sanga ng mangga. Ganoon din ang mga manok-gubat at manok na labuyo… Ang mga inahing manok naman,  umaakyat na sa kani-kanilang pugad para limliman ang mga itlog. Senyales ang pamamahinga ng mga ibon sa amin noon ng dapit-hapon… Maya-maya pa, tatawagin na kami para sa orasyon. Hahalik na rin sa lupa ang mga butiking-bahay. Pagkatapos ng dasal at pagmamano sa mga matatanda, maglilinis na kami ng katawan. Ang susunod, paghahain na ng hapunan… 🙂

 

image of a labuyo rooster, borrowed from t1.gstatic.com

Natutulog sa sanga ng mangga/ sabong.net.ph

 

Ganito ang weekend noong bata pa kami. Naalaala ko ito dahil ang Philipine civet o alamid, inilagay ang imahe sa perang bente pesos. Nang tinanong ko ang mga pamangkin ko kung ano ang alamid, hindi nila alam. At lalong hindi nila kilala ang musang… Natuwa sila sa ideyang sa ngayon, kapeng alamid ang pinakamahal na kape… Nang sinabi kong iyon ang kapeng iniinom namin noong araw, ang sagot nila, ” Weeeh? Talaga?

image of coffee excreted by alamid, borrowed from t2.gstatic.com

Balat ng kape lang ang  kinakain ng alamid /coffeequip.com

 

Sabihin pa, wala silang ideya kung ano ang kurukutok at hindi pa sila nakakakita ng manok-gubat. Naalaala ko, sa National Geographic Channel na nga pala nila nakilala ang marami sa mga hayop at ang iba naman, sa mga pahina ng encyclopedia. Sa field trip sa Los Baňos lang sila nakakita ng gubat o rainforest.

 

Hindi siguro nakapagtatakang nakilala nila ang alamid, sa unang pagkakataon, sa bente pesos.

 

image of the new philippine twenty peso-bill, borrowed from t0.gstatic.com

Nasa likod ng bente pesos ang imahe ng Philippine civet/ sulit.com.ph

 

27 responses to this post.

  1. Posted by Dorm Boy on Enero 6, 2011 at 12:51 hapon

    Ang ganda sa inyo. Gusto ko rin makakita ng Civet, sabi kasi nila sila ung mga kumakain ng matamis na coffee beans kaya pag panagpupu sila, ilalabas nila ung coffee beans na kinukuha ng mga civet coffee farmers para gawing kapeng inumin. Kaya mahal ang Civet Coffee! Tama ba ako?

    Sagutin

  2. hello, dormboy. salamat at nagandahan ka sa amin.

    may mga civet naman sa zoos. yon nga lang, captive sila. kung wild civet, bibihira na rin yata sa amin dahil manipis na ang gubat, e. sabi, meron pa raw sa bundok ng malarayat sa batangas at sa cavite.

    tama ka, idinudumi nila ang beans. pero, hindi pa mahal ang presyo ng civet coffee dati, kaya ‘yon ang iniinom ng farmers at family nila. ngayong mahal na, instant coffee na ang iniinom ng farmers at ibinebenta na nila ang civet coffee, hihi…

    seriously, sobrang mahal na ang civet coffee dahil kakaunti na ang civet droppings na nahahanap dahil komonti na ang gubat natin at coffee plantations. ayon…

    salamat sa ‘yong pagdaan at pagbabasa. 🙂

    Sagutin

  3. ang totoo, nagustuhan ko ang post na to, hindi dahil buhay probinsya sya, kundi dahil sa mga insekto, mga hayop at punong nabanggit. natatawa ako sa sarili ko habang nagbabasa kasi bawat may binabanggit kang hayop o halaman, inaalala ko ang scientific name nila at yong mga characteristics….hehehe, parang review lang sa mga pinag-aralan ko, pinaghalong entomology, dendrology at wildlife.

    Sagutin

  4. ha,ha… ako naman, natuwa sa post mong yay, scary. hahanapin ko mamaya sa google ang flying lemur. 🙂

    kung tungkol sa buhay probinsya, so far ang gusto kong blog about the topic ay ‘yong kay beeftapa na Ganito Kami Noon. ang ganda no’n, natural na natural ang pagkakwento.

    pero, hey, forester ba talaga ang work mo? ang galing … 🙂

    Sagutin

    • opo, forester po talaga ako, isang propesyunal na manggugubat… parang ngayon ka pa lang yata nakakilala ng manggugubat sa reaction nyo..hahahaha

      ah! yong kay tapa, oo nga po, parang buhay ko lang din sa min pag umuuwi.

      Sagutin

  5. he,he, gano’n ba? sa pagkaalam ko kasi, sa US, Europe at Australia may ganyang propesyon at iginagalang sila. 🙂

    sa Pilipinas na magubat, kung tutuusin, kailangan ng maraming tulad nyo pero iilan lang ang naglalakas-loob gaya mo. natuwa talaga ako dati ng ma-grace ng gravatar mo ang site ko, hihi…

    noong araw, nakaka-meet ako ng extension workers, mga taga-BAI na nag-a-advise sa pagbababoy doon sa amin, side by side with veterenarians from Vitarich, hehe…

    btw, alam mo ang scientific name ng kurukutok? :s

    Sagutin

    • tama! ginagalang ang propesyon ko sa ibang bansa dito lang yata hindi.

      hindi namin masisisi ang ibang tao bakit walang pumipili sa propesyong kinuha ko syempre mas uunahin nila yong kayang magbigay ng prestige sa pangalan diba? plus lack of information.

      kurukutok?, ano yon ibon? kase mas familiar ako if common name ang gagamitin, pwede kasing iba ang local name dyan kesa samin… if hornbill yan, pwedeng alam ko.

      Sagutin

      • hah, ani, kung sakali, ikaw pa lang ang una kong kakilalang forester sa pinas and am proud. sana balang araw ay magkita tayo. :]

        may ilan akong kakilalang nagtapos ng agriculture sa UPLB pero hindi along that line ang tinarbaho nila dahil hindi ‘ata sila talaga mahilig sa nature. one’s got to have passion for it, di baga? :s

        ituloy mo ang tiwala sa propesyon mo. career of the future ‘yan, naks…

        btw, hindi ibon ang kurukutok. insekto syang nasa lupa. kilala ni beeftapa, hi,hi…

  6. Huwaw! Natutuwa talaga ko pag nagbabasa ng mga gantong post. Habang nagbabasa, e sumasabay ang utak ko sa pagbabaliktanaw sa buhay-probinsya ko din noon. Ang dami kong naalala at hindi ko alam kung papano magkakasya dito sa comment pag nagkataon. Hahaha!

    Yung kurukutok po pa ung maliit na kulay gray sa buhangin or pinong-pinong lupa? hehehe… hindi ko na maalala kung ano ang tawag sa amin dun. Pero pag nanghuhuli kami nun (kung kurukutok nga po yun) gumagamit kami ng buhok or manipis na tingting or ung pinka-skeleton ng dahon na pinapaikot sa butas habang kumakanta (di ko na maalala ung kanta) para lumabas sila sa butas. hahaha! todo kwento ako, sana lang yun nga yung kurukutok.

    Ang haba na agad, ang dami ko pa ikkwento.. hehehe… magbaback-read po ako. 🙂

    Sagutin

    • sana pala kay tapa ko tinanong kung ano yong kurukutok…hahahaha, iba ang pangalan nun samin, at di ko alam saan kinuha ng mga bata ang pangalan nun kasi ang tawag namin nun dati ay baboy-babuyan, para mapalabas sila ginagamit namin ang walis tingting na may sapot ng gagamba sa dulo at bibingwitin sila..hahahaha, natatawa ako pag naa-alala ko yon.

      at hindi ko po alam ang scientific name ng kurukutok, hahanapin ko pa anong family sya na belong…hahaha

      @tapa: kelangan mong maalala ang kantang ginagamit nyo pampalabas ng kurukutok dahil magpapaturo ako..hahaha, pag-uwi ko susubukan ko kung effective ang kanta nyo.

      Sagutin

      • anini,hindi magiging effective ung kantang yun sa inyo. hindi kase un maiintindihan ng mga “kurukutok”, ilocano kase yung kanta. ahahahaha! 😀

        ang baboy-babuyan samen ung nasa pic sa taas, yung milkweed. 🙂

  7. hello, beeftapa. salamat sa pagdaan mo.

    ay, welcome to back-read ka kung may time to spare. ako, ginawa ko na ‘yan twice sa site mo, he,he..

    basa ka lang pero warning-an kita. medyo boring akong mag-kwento, may pagka-academic. parang ako lang… :s daldal nang daldal, tuluy-tuloy.

    bok, tama ka sa recall mo. ‘yon nga ang kurukutok, nasa pinong lupa. di ko lang alam ang tawag do’n sa ibang lugar at ang scientific name. di ko tuloy nalagyan ng pic…

    pag maalaala mo ang tawag sa inyo, ipaalam mo sa ‘kin, ha? 🙂 thanks, uli.

    Sagutin

  8. WOW. ang saya naman nito, gusto kong makakita ng alamid at musang in real life. ang galing. ang mama ko at si ate Aninipot ay pareho ng tinapos na kurso. tiyak na matutuwa yun pag nakita nya ‘to 😀

    Happy New Year po! 🙂

    Sagutin

  9. hello, jec. salamat sa pagsinsay mo uli, dito sa amin.

    hala, magda-dalawa na pala ang makikilala kong forester, he, he… siguro, si mama mo, ka-batch ng mga ate ko. 🙂

    ay, kailangan mo talagang mag-stay sa probinsya para makakita ng alamid at musang. may hawig sila sa mga pusa at skunks, mas malalaki nga lang. ang musang ay nakakatakot tumingin, parang mang-aatake… pag nagugulat o nagagalit sila ay lumalaking bigla, parang pusa at may inire-release silang mabahong amoy. hayan, para akong si kuya kim, hihi…

    pinyurir sa yo at sa family mo. 🙂

    Sagutin

  10. Posted by giobb on Enero 9, 2011 at 1:31 umaga

    coffee alamid for the win! hirap na dito sa amin wala ng 3 in 1 hahay

    Sagutin

  11. giobb, salamat sa pagdaan. ha,ha, sarap din maski 3 in 1 pag ganitong taglamig. bili ka agad ng sampo, he,he…

    Sagutin

  12. […] ang magkapatid. At paniyak, may susunod pang iuutos kay Nine. Ganoon naman doon sa kanila  pag Sabado, maraming trabaho sa bahay at sa bukid. Iyon nga lang kung tutuusin ang mahaba-habang pagkakataon […]

    Sagutin

  13. glk bakit kulay berde ang dahon?

    Sagutin

    • hello, sarah mae. salamat at nagawi ka banda rito.

      ang alaala ko dyan, yong sabi sa science na dahil sa chlorophyll (hala, tama kaya ang ispeling ko?). yon lang. 🙂

      sige, share mo nga kung bakit, pls… teynk u uli. 😀

      Sagutin

  14. happy valentines sa inyo

    Sagutin

  15. […] Sabado ng Kamusmusan […]

    Sagutin

  16. […] Sabado ng Kamusmusan – pamumuhay ng malapit sa kalikasan […]

    Sagutin

  17. […] May 23 pictures na naka-attach sa  Sabado ng Kamusmusan. Naisulat itong post dahil sa balitang  nakalagay daw sa bagong bente pesos ang larawan ng […]

    Sagutin

  18. […] post namang Sabado ng Kamusmusan, parang taxonomy ng mga hayop, ligaw na halaman at kulisap ang gustong ipakita. Tungkol ito […]

    Sagutin

  19. now ko lng nabsa tong post ni ate san.di ko mapigilang matawa habang ngbabasa ako ng mga shared experience nyo sa iba’t ibang probinsyang pinanggalingan ng bwat isa.hehehe
    nabubuo sa isipan ko ung mga nakaraang panahon noong may gatas pa ko sa labi.kamusmusan.hahak

    ung Kurukutok – ang twag sa probinsya nmin sa bataan “kebong-kebong” lumlabas yan twing summer at tipong ung lugar ay maraming naipong alikabok na pinong pino humhalo sa gabon o buhangin pede mo sila mkita sa paanan ng saguing gayundin sa silong ng balkon ni lolo.hihi dahan2x nga lng at huwag maingay bka magising ang matnda na ntutulog.ang paraan nmn ng paghuli namn mga kabataan noon manghuhuli kmi ng langgam n pula at ilalagay sa may butas n prang puyo-puyong buhangin kpag gumalaw ung pinkamlalim n bhagi ng puyu-puyung(bhay ng kurukutuk) ibg sahin may kebong-kebong dun.
    dyn n kmi kukuha ng isang pirasong buhok na katamtaman ang haba tas isang buhol lng aabangan ang pglabas ng ulo ni kebong-kebong huli na.di ko mapaliwang ung saya noong time na yun.nais ko lng ishare good day..to all

    Sagutin

    • hello uli sa iyo. ahaha, natuwa ako, pati comments, tyinaga mo pa, salamat… 🙂

      kebong-kebong pala ang tawag nyaan sa inyo? ginu-google ko term, wala akong nakitang entry, so far… ang ganda nga pala ng Bataan province. siguro, 15 years ago pabalik, medyo madalas ako ro’n. gusto ko ang landscape at seascape nyo. tapos, ang laot sa may inyo, laot talaga, ahaha.

      gusto ko ang sabi mo, silong ng balkon ni Lolo, hakhak. gano’n nga, aba… at mas gusto ko ang kwentong kebong-kebong mo, detailed and aliw. haha, ang saya manghuli ng kurukutok e, ‘no? winner na winner. 🙂 good day din sa iyo, Rod…

      Sagutin

Mag-iwan ng tugon sa doon po sa amin Pindutin ito para bawiin ang tugon.