May Mahika Nga Ba ang Pag-ibig?

 

 

May mahika nga ba ang pag-ibig

May orasyon, kapagdaka’y sinasambit?

May salamangkang ihinahagis,  parang bitag

Sinumang mahuli – walang kawala, di makakapitlag?

 

Image of a fairy casting a spell

Pag ang tao ay umiibig, tila nilalagyan siya ng bulong?/ http://www.123rf.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sinasabi, ang umiibig daw, may piring mga mata

Ang nasa ilalim ng kapangyarihan, iisa lang ang nakikita

Ang matilamsikan daw ng gayuma, tiyak ang pagdurusa

Di sukat makalabas – kahit dalangin, maya’t maya pa.

 

 

May mahika nga ba ang pag-ibig?

Anong kapalaran ang sa atin, dito’y nagbubulid?

Anu-ano ang kailangan, para ito’y matawid?

Anong gamot ang mabibili – para ibsan ang sakit?

 

Image of a fantasy land in a distant place

Sa mga mala-pantasyang kaharian, laging may nakakakilig na kwento ng pag-iibigan/ http://www.wallpaper-free-download.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Saang yungib, makikita, iyong mangkukulam?

Kung maari’y hihingin, talab ay bawasan

Saang liblib matatagpuan yaong babaylan?

Pakisabi – ang bulong, dagdagan ang tapang. ;)

 

 

 

Maligayang Buwan ng Mga Puso pa rin, ka-blogs at mambabasa… :) Sana ay nasa maigi kayo, nakangiti… ^_^

 

Gaano ka- makapangyarihan ang pag-ibig? Sagutin ang tanong - walang tama, walang mali – in 100 words, ahaha… Pakilagay po ang inyong sagot o paliwanag sa comment box. Ang mapipiling pinakamagandang sagot, maaaring magpa-edit/critique ng draft post na three pages (o, mas maiksi) sa blogger dito. Bukas ang pagkakataon sa bawat blogger, ka-blogs  -  sa loob ng tatlong buwan pagkalathala nito… I-a-anunsyo ang nanalo dito sa DPSA, sa pamamagitan ng isang blog post. Maari rin  siyang mag-guest blog dito, kung nais…

 

Naito muli – Gaano ka-makapangyarihan ang pag-ibig? Gow! ;)

 

matuklasan at mabatid

 

 

Maligayang Buwan ng mga Puso sa ating lahat… :) Love on, ba’t ba? ;)

 

I-click ito para sa liriko ng awitin.

 

Tuturuan Kita

doon po sa amin:

Hello, ka-blogs! Pagdamutan nyong re-blog muna tayo uli… Isa ito sa early writings ng lola nyo, dedicated sa isang ka-blog, nagsabi noong tuturuan nya raw akong mag-upload ng pictures sa posts. Hindi ito nabasa ng marami, pero isa ito sa itinuturing kong treasure na komposisyon. Noong isinulat ito, wala pa ata sa lima ang kakilala kong ka-blogs, ahaha. Hindi ko pa rin gaanong alam noon, may iba palang nagba-blog na nakakakita ng sinulat ko (ang bright ko lang, hihi) . Si ka-blog din ang nagsabi sa akin, mayroon palang tinatawag na Freshly Pressed. Sabi sa inyo, medyo bright ako. ;)

Anyway, trivia muna. Noong unang panahon, may kaibigan akong nakakita, naglalaro ako ng Super Mario sa PC, haha. That time, may nagre-recruit sa ‘kin na mamundok. Sabi ni friend, hindi pwede, first terrain, mapapatay ka agad, Yon. So, I heeded her advice. Kita nya score ko, saka paano me mag-panic sa pag-press ng keyboard, hakhak. Medyo slow akong tao… Hayon, natatandaan ko ‘ata lahat ng nagsabi sa akin, “Tuturuan kita… ” Happy weekend! :)

Originally posted on doon po sa amin:

image of teachers, borrowed from iobm.edu.pk

Maraming paraan ng pagtuturo/ iobm.edu.pk

Tuturuan kita.

Isa sa pinakamagandang bukambibig na dumapo at lumago sa talasalitaang Pilipino.

Isang bukas na pagpapahayag ng malasakit sa iyo ng iyong kausap. May kulang pa sa iyo, may dapat ka pang matutunan.

Isang pagkilala sa iyong kakayahan. Isang pagsasabing kaya mong matutunan ang ang sa ngayon ay di mo pa alam. Kung bibigyan ka ng panahon, pagsasanay at pagkakataon, ang kulang ay kaya mong punuan. Anuman iyon.

 

Sasamahan kita. Ikaw ay aking tuturuan.

Tuturuan kita. Isang pagbibigay ng panata. Isang pangakong maglalaan siya ng oras para sa iyo. Ibabahagi niya sa iyo ang kanyang nalalaman hanggang sa iyon ay iyong matutuhan. Magpupunyagi siya hanggang sa ikaw ay matuto.

Aakayin kita. Sasamahan. Gagabayan.

May hihigit pa ba sa isang bukas at malayang pagbibigay ng sarili?

 

image of a bird and hands reaching out, borrowed from cte.uwaterloo.ca

Hatid ng kaalaman ang kalayaan/ cte.uwaterloo.ca

 

Tuturuan kitang …

 

bumilang.

bumasa.

kumanta.

sumayaw.

magluto.

tumugtog…

View original 66 more words

Ang Mga Kwaderno Ng Walang Kapararakang Habi

 

Nasabi sa akin ng isang blogger, mas mabuti raw ang blog kaysa sa kwadernong pinagsusulatan ng mga komposisyon. Ang huli raw ay naiwawala, naiiwan sa kung saan-saan. Samantalang ang blog space raw ay pirming naandyan lang – maaari mong balikan kung kailan nais. Tulad rin ng kwaderno, maari mo rin daw sulatan ang blog ng kung anu-ano, pagguguhitan ng sari-sari at paglalagyan ng iba’t ibang nais ihayag.

 

Image of three notebooks with different covers

Pag work-related na notetaking, spiral ang madalas gamitin. Pag nagkukunwaring creative, fancy notebook ang sulatan/ puddlewonderfullearning.blogspot.com

Lumipad tuloy ang mimiha-miha kong utak, papunta sa sangkatutak na notebooks, nagsilbing ganoon na nga – talaan – sa maraming taon. May mga maliliit, ang laman ay sketches at quotations na gustong tandaan, pero di naman ipinamamahagi. Mayroon ding malalaki – laman ay excerpts ng mga paboritong parirala at pangungusap, kopya ng ilang tula at baha-bahagi ng ilang maiiksing kwento. Karamihan sa mga naitala, masarap basahin o kaya, eleganteng pakinggan. Katipunan yaon ng mga salita at imahe – gustong namnamin, tularan at higitan, balang araw…

 

Tunay na walang saysay – sabi ng mga praktikal na taong hindi naniniwalang kayang kulungin at panghawakan ang mga salita. Hindi nila makita bakit kailangang parating mag-notetaking. Hindi ang mga iyan ang magpapayaman sa iyo, iyon ang madalas nilang sabihin. Hindi ka makakasali sa mga nangyayari, pag madalas ang gusto mong gawin ay magmasid at magsulat. Hindi ka sasaya – dahil ang pagsusulat ay isang propesyong malungkot at walang kakampi… Siguro nga, tama sila.

Ang pagpupuno ng mga kwaderno, karaniwang ginagawa ng palihim – habang walang nakatingin, habang may hinihintay at, kapag biglang dinalaw ng mga ideyang kakaiba o nakakakiliti. Pero, for the longest time, para sa sarili lamang ang mga pagtatangka. Hindi pa handang ipakita o ipabasa sa iba. Hindi pa kayang lumunok ng mga puna. Marahil, nangangailangan pa ng pampalakas ng loob. Mas nananaig pa ang pagkahiya… Para bang ang pagpansin ng mga ordinaryong bagay at pagsusulat tungkol sa mga iyon – mumunting kasalanang pagbabayaran – pag nadiskubre na ng iba.

 

Marahil, ang mga nagsusulat sa kwaderno ay natatakot. Nangangamba silang masilip ng iba ang kanilang nararamdaman at naiisip. Sa dahilang hindi sila sigurado kung ang napapansin ba nila ay mga bagay na dapat pang pansinin. Hindi nila tiyak, paano tatanggapin ng kausap o ng babasa ang kanilang mga isipin at saloobin. Hindi sila tiyak kung ang mga bagay bang pinagtuunan nila ng pansin at ipinagsusulat – talagang kasulat-sulat. Ganito nga kaya ang mga dahilan – bakit karamihan sa mga notebook ko at mga notebook ng iba –  nanatiling nakatago? ;)

 

Image of notes and doodles on a page of a notebook

Kung walang mga personal na kwaderno, baka matagal na akong naging murderer, haha/ stanleyfrancis.co.uk

Hindi ko masabi… Gusto kong isipin – natulungan ako ng mga kwadernong iyon. Nasabi ko roon ang mga salitang hindi ko mabigkas ng malakas. Nakopya ko sa mga iyon ang mga bagay at tanawing magaganda, maski para sa akin lamang. Naiguhit ko roon ang mga bagay na sa akin ay nakakatawa, maski para sa iba, hindi. Napakawalan ko roon ang batang gustong humulagpos at tumalon – para humabol sa mga paru-paro, mamangha sa kulay ng mga bulaklak at mahalina sa matimyas na huni ng mga ibon. Doon, sa palaruang kung tawagin, kwaderno.

 

May mga kwaderno akong napuno at may mga kwadernong ilang pahina lang ang nasulatan. May mga kwadernong madalas silipin at paulit-ulit tinitingnan. May mga kwadernong lumilitaw lamang, pag nagliligpit o nagsasalansan. May mga kwadernong naiwan sa ibang bahay at di na nabawi. May mga kwadernong nailigwin sa paglipat ng tirahan. May mga kwadernong naiwan sa sulok. Mayroong mga nakalimutan at di na nabalikan. May ilang himalang naitabi. May mga nanatiling nakatago. May kwadernong napunit, may nabasa ng tubig, may naapakan. May mga napasama sa ibang gamit o napasiksik sa kung saan. Mayroon din, basta na lang naglaho…

Kasabay ng tanong kung saan ko naipaglalagay ang mga kwaderno ang tanong – saan na rin ba ako dinala ng kasusulat sa mga kwaderno. Saan nga ba? Hindi ako yumaman, ang kadalasan kong hanap, ang yaman ng mga salita. Hindi ako gumanda, ang nabuo kong konsepto ng ganda, nakabatay sa sensitibidad at talas ng pag-iisip. Hindi ako sumikat, walang libu-libong mambabasang nag-aabang sa aking mga sasabihin. Wala ring mamumuhanang tumaya sa aking kakayahang magdugtung-dugtong, humugis at humabi ng mga salita. Pero, may mga kaibigan akong natatandaang “maalam” raw ang blogger ditong magsulat, marunong tumula at pana-panahon, nagtatangkang gumuhit ng kung anu-ano. :)

 

Ay, marami akong naging kwaderno, di ko talos kung ilan… Daang imahe ang andoon, ponglibong salita ang nakalagay at may doodles ng sari-sari, haha. Sa pagkatanda ko, plant in a box or plant in a pot ang madalas ma-feature do’n. Hihi, halata bang mainipin ang lola nyo? Sa blogging, may ka-blogs na sabi, marami raw masyadong “saysay” ang aking mga sulatin. Minsan, naiinis ako, sa totoo lang. Madalas, napapangiti na lang sa sarili. Gusto kong ipakita sa mga nagwika ang mga kwaderno, papaghanapin sila roon ng saysay na sinasabi… Pag binabalikan ko ang borador ng mga isinulat, walang patterns na makita, tila walang saysay. Walang kapaparakan ang madalas na hinahabi. Pakiramdam ko minsan, ibang tao ang nagsulat?

Napagkwentuhan namin ng isang ka-blog, minsan sa email, ang paksa ng pagpapakilala sa blog. Kako sa kanya, di pa ako naglalagay ng larawan sa sites, wala akong maipapakitang solid achievements sa buhay. At tila sa panahon ngayon, importanteng-importante ang gayon… Sa kabilang banda, ang isang may edad na, ordinaryo marahil asahang stable na at marami ang naipundar at napagtagumpayan. Iyon lang, sa personal instance ko, ehehe, wala masyado… Di gaanong conventional ang choices na pinili at masalimuot ang mga daang tinahak. Marami-rami ang narating na lugar at sitwasyon, mga taong nakilala at karanasang napagdaanan. Pero hayon, panay alikabok lang ang dumikit at isang laksang kwento… Kako kay ka-blog, saka na magpapakilala.

 

Ang iba sa mga adventures, misadventures, derelictions at mga ka-weirduhan ng blogger dito, nasa mga tagong kwaderno. Di naman tagung-tago, wala lang yatang naging curious enough alamin ang laman ng mga iyon. Walang matatalinghaga ro’n, ahihi. Mas impressions yata – mga kalituhan, pagkamangha, panghihinayang at pag-asam, paminsan-minsan… Sa mga kapatid, di ko alam kung may nagtangka sa kanilang sumilip sa mga kwaderno. Maliban sa minsan, tinanong ako ni batang kapatid tungkol sa isang love story na sinulat ko pala, hihi. Love triangle ang plot, pero hindi tapos ang kwento. Tanong niya, ano raw ang ending. Shaks, hindi ko alam. Nasa high school pa ako nang isulat iyon. Pakalat-kalat pala ang notebook na pinagsulatan, nasilip nya tuloy…

 

Humigit-kumulang, may dalawang dosenang kwaderno pa sa ‘kin. Siguro, mga lima sa mga ‘yon, decipherable naman ang nilalaman, ahihi. Pero, kailan lang, sinilip ko ang iba…

Hindi ko lang alam, pero malakas ang kutob  - alien ang nagsulat sa mga iyon. ;)

 

Imahe ng isang kwadernong wala pang sulat at ng bolpen

Sa pagkopya-kopya sa mga isinulat ng iba nag-umpisa ang habit of notetaking/ freespiritpublishingblog.com

 

Kayo, nagsusulat pa rin sa inyong notebooks? :)

 

Hello, ka-blogs! Manigong Bagong Taon sa ating lahat! Kumusta kayo… :) Isa pala ito sa mga lumang komposisyon, naisulat apat na buwan mula nang mag-umpisang mag-blog. Pasensya na, busy-busyhan ang dramarama ng blogger dito, hihi. Warm regards sa inyo… :) ;)

 

Si Yolanda at ang mga puno ng niyog

 

Hello, ka-blogs… Kumusta kayo matapos itong bagyuhan? Ay, hanging pampasko na, napansin nyo rin? Kahapon pala, paggising ko, napansing may snow sa site, nanlalaglag sa screen ng WordPress, hihi. Natuwa ako, countryside na countryside ang dpsa, sa tropikong bansa, tapos may snow? Aliw… Anupaman, masayang pagbati sa panahon ng kapaskuhan… :)

 

Tungkol sa ating paksa, napansin nyo rin marahil ang mga puno ng niyog sa mga lugar na hinagupit nitong napakabangis na bagyong itatago natin sa pangalang Yolanda, ahihi. Oo, yon, tanging sila ang naiwan matapos ang pagwawala ng kalikasan, ahaha. Last one standing lang ang peg ng mga nasabing puno – tall, stately and proud – sila na… ;) So, bakit nga at paanong sila ang tanging naiwan?

 

Image of a part of the Visayas that has been hit badly by supertyphoon Yolanda

Tila kalansay na lamang ng lugar ang natira sa mga pook na tinamaan ng mahigpit ng bagyong si Yolanda o Haiyan… / globalnation.inquirer.net

 

Ay, kakaibang bagyo itong lola natin… Kinaya niyang buhatin ang mga sasakyan at ihagis ng kung ilang metro, hoho. Itinumba niya ang mga poste ng koryente at telepono, inihampas at iwinasiwas ang mga iyon sa mga gusali, kainaman na. Habang pinapanood, parang hindi totoo? Parang palabas sa cartoons, ay… Hindi lang niya binali ang mga sanga at katawan ng kalalaking puno, binunot pa niya ang marami – kasama ang mga ugat – bago ihinandusay sa tabi-tabi. E, tayo, dito sa Pinas, nakagisnan na natin, dalawa o tatlong puno lang sa isang village ang karaniwang naitutumba ng isang malakas-lakas na bagyo. Balita na sa atin pag may punong naitumba, oo. At mas madalas, kaya ang mga iyong i-clear out ng authorities, sa loob ng dalawang araw…

Sanay na tayo sa mga bagyo, ahaha. Tayo na… Pero yon, mas sanay tayo sa bagyuhang pagkakadilim ng paligid, umaalulong ang hangin at may nagliliparang mga yero ng bubong. Pag minsan, may kasamang mga bintana, ahaha. Ay, hindi si Lola Yolanda. Sabihin na natin, ini-level up, up nya ang bagyo experience ng mga Pinoy… ;)

 

Iyon ang isa, may kasama si Yolandang “storm surges of the sea,” term na nito-nito na lang natin narinig. Sa madaling salita, nagkaroon ng sariling buhay, galit at galaw ang mga alon ng dagat. Umahon sila at nanalasa sa mga pampang, hinabol ang mga tao, kainaman na…

Kung inyong mapapansin, sa mga lugar na matatagal nang tirahan ng mga tao, sentro madalas ang tabi ng tubig. Naroroon ang maraming istruktura, may pamilihan at siyempre, may pantalan o port… Wala naman, iyon lang mga iyon ang binayo ng storm surges. Alala nyo yong sa Bibliya, ang wall of Jericho? Ayon, parang ganoon ang ginawa ni Yolanda sa Tacloban at sa coastal villages sa Kabisayaan – ni-ram through ng mga higanteng alon ang breakwaters at structures doon, ang una sa line of defense ng mga lugar sa tabing -dagat …

 

Anyway, mabalik tayo sa mga puno… Ang dramatic ng shots na ravaged ang buo-buong lugar tapos, tanging mga puno ng niyog na panot sa isang side ang natira, o, di ba? Post-apocalypse scenario, hoho… Tapos, ang camera man ni Anderson Cooper, panay ang pakita ng mga patay na taong nakahandusay sa daanan at sa tabi, pambihira… Anyway, ang kwento, habang dumarami ang mga nakahandusay – formerly animate and inanimate objects – tumataas at bumibilis ang fund-raising for the victims sa West, lalo pa sa Europe. Ewan ko, hindi ko rin alam ang eksakto, pero fever-pitch daw – dinaig pa ang sabungan pag may special derby, ang auction houses sa kasiglahan ng bidding at ang stock exchange, pag araw na masiglang-masigla ang trading, kainaman na… Hindi raw nababakante ang mga telepono sa telethons – para sa mga nasalanta ng pasaway na si Yolanda. Ayon…

 

Bakit pala na-shock ang mundo sa mga patay na ilang araw na ay di pa naililibing? Di nga, seryosong tanong… Bukod sa health consideration at sa amoy, amoy na naaamoy ng typhoon survivors at delikado sa kalusugan ng mga bata, ano pa ang meron doong ikinagimbal ng mga manonood? Sapagkat, saanmang lugar at sa  anumang kultura, parating may paggalang sa patay. Yown… Kung maalala natin, kahit sa panahon ng gera, basta may pagkakataon, ang mga sundalo ay humihinto at kung di man nila maitabi ang bangkay, isinasara nila ang mga mata at inilalagay sa gitnang bahagi ng katawan ang mga kamay nito – tanda ng paggalang at pagbibigay-pugay sa buhay. Ayon…

So, unang pagkakataong nangyari, wari ko, na may na-witness ang mundong ang itsura at pagkakaayos ng mga patay ay pareho pa rin, matapos ang ilang araw… Sobra-sobra marahil ang shock ng mga naiwang buhay sa naranasang bagyo – na-traumatized at na-paralyzed ang marami sa kanila. Iyon din marahil ang paliwanag — bakit marami sa mga nanghihingi at naghahanap ng makakain – children survivors — walang lakas at huwisyo ang matatanda para sila ang maghanap at dumiskarte. E, siyempre, mas mabilis mag-bounce back ang mga bata, sila ngayon ang lumalabas sa evacuation areas at sa temporary shelters – para maghanap ng tubig at makakain. Parang pag may pista sa mga baryo? May mga batang naghilera sa kalye – hinaharang nila ang bawat makitang sundalo, rescuer, foreigner at journalist – hininihingian ng tubig, pagkain at tulong. Ang lungkot, sa totoo lang… ^^

 

Image of mature coconut plants

Habang tumatagal, papatangkad rin ang puno ng niyog/ http://www.colourbox.com

Balik na tayo sa kwentuhang puno ng niyog… Itinuro yaan sa atin noong elementary – versatile na puno ang niyog. Bawat bahagi raw nito ay may gamit – nagagawang mantika, bunot, walis-tinting, construction materials at iba pa… Doon sa amin, mas appreciated ang puno ng niyog bilang panghati ng hangganan ng lupang pagmamay-ari. Oo, ahaha, parang pambakod ng property sa amin ang puno ng niyog? Pag pumaroon kayo, mapapansin nyo, basta hangganan ng ari-arian – may marker na puno ng niyog – dalawa hanggang limang puno sa dulong bahagi ng property. Maliliit lang ang cut ng lupa sa amin – kalahating ektarya hanggang dalawang ektarya sa isang magtatanim o magsasaka. Tapos, ang isa pang purpose ng pagtatanim ng niyog, para patibayin ang border o hangganan, para hindi dumausdos ang lupa. Pinipigilan ng mga ugat ng niyog ang soil erosion, para hindi bawas ang lupang ari-arian matapos ang sampong taon, ahaha.

 

Pero sa lugar namin, hindi main product o pangunahing kalakal ang bunga ng niyog. Iyon lang may malalapad na lupang hindi tinataniman ng ibang crops ang naglalaan ng lupa para gawin sadyang taniman ng niyog. Ilan lang ang alam kong nag-kokopra ng niyog, doon sa amin. Bakit? Sapagkat ang puno ng niyog ay nangangailangan ng malaking espasyo, ahaha. Jealous plant ang niyog, mga kapatid, ayaw nya masyadong mag-share… Ang alam ko, doon sa amin, 30 hanggang 50 hakbang ang layo ng itinatanim na puno ng niyog – para lumaki ng maayos at mamunga, ahaha. Tapos, sa lupa sa mga pagitan nila, ilan lamang klase ng halaman ang pwedeng itanim, iyong mga hindi mang-aagaw ng nutrients ng lupa gaya ng monggo, sitaw at tapilan, ahaha. Isa pa, ilang taon muna ang hihintayin – bago ang isang punong itinanim ay mamunga, mapitas para magamit pansarili  o maipagbili… Kaya kung ang isang magtatanim, may iisang ektarya lang na lupa ay sa mga niyog aasa, malamang magugutom muna siya at ang kanyang pamilya.

 

Larawang karton ng mga puno ng niyog

Matitibay raw at maasahan ang mga puno ng niyog, maging sa oras ng sakuna/ rahulmax.deviantart.com

Noong maliit pa ang blogger dito, bago mag-grade one yata, nakakita ako ng lupang kini-clear para taniman ng hindi niyog, ahaha. Bale, ang ginawa ng mga magtatanim, pinutol ang mga puno ng niyog, saka hinukay ang mga ugat. Alam nyo gaano kalalaki ang mga ugat ng matatandang niyog? Sinlalaki o mas malalaki pa sa bahay, ahaha. Marami, malalim at sapin-sapin ang ugat ng puno ng niyog – parang isang community, ahihi. Iyon siguro ang patunay – bakit jealous plant ito at bakit matibay ang kapit ng punong niyog sa lupa, kayang manatili at indahin ang mga hambalos ng napakalakas na bagyo… Si bagyong Yolanda, may mga puno rin ng niyog na nabunot, nabali at naitumba. Pero ang hula ko, hula lang naman, ang mga iyon ay mga punong mas bata… Marahil, sila ay 20 taon pababa ang gulang. Ang mga naiwang nakatayo, mga puno ng niyog na 30 to 50 taon na ang edad, ahaha. Ang tatangkad nila, parang hinahamon ang super bagyo, ipinapakita – may nilalang na kayang mabuhay at tumayo, matapos ang malupit na pananalasa… :)

 

Comment kayo, ka-blogsMay naaalala kayong kwento sa mga itinuro sa atin ukol sa puno ng niyog noong elementary? :)

 

mumunting alaga

 

Nakaranas na kayong mag-alaga ng baboy? Oo, biik sila, siyempre, sa umpisa… Ang kukyut! Para silang pets, pink babies na parating gutom. Pag ipinapanganak sila, maramihan. Karaniwan, isang panganak, isang dosenang sanggol, ahaha. Mga dalawang linggo pagkasilang sa kanila, pag pumasok kayo sa loob ng kural o barn, lapitan sila agad sa inyo. Pero, ingat, baka kayo suwagin ng nanay – andoon din siya sa loob, hihi. ;)

 

Image of a young, small and clean pig

Cute na hayop ang baboy, lalo pag maliit pa/ http://www.pregnancy.org

Nakakatuwa silang alagaan, parang napapalapit din sa loob ng mag-aalaga? Pag minsan, pinapangalanan din sila, haha. Ayon, lagot na pag may panga-pangalan na… Ibig sabihin, may personal na kayong ugnayan, hihi. Tinatawag nyo na sila pag kakain, akala mo, tao… Iyon lang, nakaka-turn off silang kumain – ang iingay. Kagulo sila parati, pag ibinuhos na ang feeds o darak na pagkain nila. Galit-galit muna, ahehe. Saka na kayo uli papansinin ng mumunting hayop – pag wala nang laman ang lagayan, hahaha.

 

Iyon lang, matrabaho ang magpaligo sa kanila. Araw-araw yon, walang absent. Dinaig nyo pa ang kumuha ng maraming anak na sabay-sabay papalakihin (buti hindi sinusuutan ng uniform, kundi, kailangan pang i-pagplantsa, haha). Tapos, tapos, pagkakapaligo sa sangkaterbang cute na cute (pero ang babaho) creatures, pupulbuhan. Hihi, biro lang. Nanay naman nila ang kailangang paliguan. Ang laki, kadalasan, ng inahing baboy – parang baby elepante, hakhak. Bina-brush ang katawan ng malalaking baboy. Yown.

 

Image of a swine being bathed

Mas matrabahong paliguan ang malaking hayop/ lifebeyondthesea.com

 

Sabihin pa, maraming tubig ang kailangan nyo… Aysows, noong araw, wala pang running water doon sa amin, nai-imagine nyo gaano karaming tubig ang kailangang igibin at ipunin para sa mga alaga? Nakow, matibay dapat ang likod ng sinumang nag-aalaga ng baboy – para sa igibang walang-puknat… Ang daming hakot ng tubig ang kailangang gawin para mapanatiling malinis ang mga alagang hayop. Tapos, pagkapaligo sa kanila, kailangang linisan ang kural. Hahaha, iyon ang parteng masaya – ang dami nilang dumumi, shaks na iyan. Siyempre, tubig na marami pa rin ang kailangan, bukod sa walis at sabon, hihi.

Pagkatapos noon, kailangan nyo nang maligo. Kailangan talaga – di ko na ipapaliwanag bakit. Basta, maiinggit kayo sa mga biik, pretty in pink sila, glowing ang mga balahibo at nakahilera roon sa sahig na pagkagaganda, hehe. Kayo namang si tagapag-alaga, amoy-hayop, parang mas bagay na tumira sa kural? Peace! Pero, siyempre, kakausapin nyo muna sila, papagalitan, hahaha. ;) Basta, mag-a-update kung sino ang sipunin, sino ang mahinang kumain, sino ang may pilay, ganyan… Sa kung ilang buwan nyong gagawin ang ganoong routine, pag hindi ba naman napalapit ang loob nyo sa mumunting alaga? Ewan ko lang…

 

Mabibilis lumaki ang mga alagang baboy. Basta, pirming may pagkain, malilinis at di nagkakasakit, bago mo pa ma-realize, nagsilakihan na sila. Pwede nang mag-college, haha. Biro uli, pwede na silang ipagbili. Papapuntahin nyo na sa may inyo ang tatampa o appraiser. Susukatin niya at titimbangin ang mga hayop at magbi-bid kung magkano ang halaga – in live weight. Ayon, payday na, yehey. Yon lang, sabi sa inyo, hindi dapat masyadong na-a-attach sa mga alaga. Kasi nga, isang araw, lilisanin nila kayo, kayo ay magwawalay, huhu.

 

Image of a swine feeding its young

Ang piglets pagnakailan, malalaking baboy na ring maaring ipagbili/ http://www.flickriver.com

 

Nakakita na ako ng baboy na nanganganak, hihi. Parang ang hirap? Pag umiire ang inahing baboy, tumatalsik papalabas sa kanya ang mga biik. Iyong nakita ko noon, ang isang biik, humagis ng mga 15 hakbang ang layo. Nasalo naman yata, parang may sumalo. Nabuhay ang biik na iyon, sa pagkaalaala ko… :)

 

Possibly related posts:

 

Baka Sakali

Pag-iigib ng Tubig

 

Nagsusulsi, Nagtatagpi

 

Sinauna akong tao, mga kapatid… Ikinakabit ko uli ang lumuwag o nalaglag nang butones ng damit, nagsusulsi at nagtatagpi (patch) pa. Nitong huling bagyuhan, mga ganyan ang ginawa ng inyong lingkod, haha, habang balot sa dilim ang paligid at tila walang katapusan ang mga patak ng ulan.

Ako rin iyong madalas pang magdala sa repair shop ng mga nasirang payong at sapatos, ahaha. Ang pananahi, namana ko sa nasira naming lola. Nanay, kung siya ay aming tawagin… Ang pagpapakumpuni ng sapatos at payong, sa pinakamatanda naming kapatid ko naman nakita at ginaya, hihi… A, e, si Ate, mga 15 years na yatang di nagagawi sa pagawaan ng payong? Parang… Ako na lang ang affected sa kagawian, harhar…

 

Image of scissors and sewing tools

Ahaha, doon me sa liga ng mga taong may sewing box, pasensya naman/ http://www.sewnews.com

Ewan, may kung anong kasiyahang hatid sa akin, pag nagagawa ko ang mga gawaing ‘yan… Nakakatulong din, para makatipid maski paano. Nagagamit pa ang bagay na nagkadepekto, pero pwede pa naman, hoho. Magagamit pa, maski di na bago, ako na… Gaya rin ng iba, ipinapaputol ko ang luma o kupas nang jeans, ipinapagawang shorts.

Sa T-shirt, ginugupit ko madalas ang kwelyo at binabawasan ang manggas. Tapos, dinadala sa mananahi, para padaanan sa edging machine. Mas comfort na ang habol, kesa sa pagtitipid… Ginagawa ko rin, binibilhan ko na ng kapalit ang bagay na nasira, pero ipinapakumpuni ko pa ang dati. Alinman sa  gagamitin pa, ipapasa na sa kasamahan o ipapamigay sa mga dumadaang nasunugan daw. Pero, mas madalas, inaayos o ipinapa-repair ko muna, ahaha. E, suplada at suplado kasi ang mga pagbibigyan – sinisinop ko muna ng onti. Baka may masabi pa, harhar…

 

Sa kabilang banda, hindi ako gaanong attached sa mga materyal na gamit, wari ko lang. Medyo madali akong hingian, arboran  at hiraman –  ng wala nang solian… Madalas mangyari ‘yong  hiniram sa akin ang gamit, sa pangatlong beses, ibinibigay ko na, ahaha. Lalo pa pag bagay ang gamit o damit sa nanghiram at di ko naman paborito. Ewan…

I want things to be put to good use, yown ang kapaliwanagan… Pero, sabi naman ng iba, maarimunhan daw ang ganoon. Mahinayangin?. Marks of poverty raw o hang-up, sus.  Baka nga, malamang… Anlagay, di pa naman ako yumayaman at baka hindi na, haha. Dumaan na rin sa panahon, financially maluwag ng konti. Pero kurips pa rin, hihi… Kung ilan ang mga kapatid namin, walang-wala. Ayon, am easily affected, harhar. Haybuhay…

 

Image of colorful threads

Masaya pa ang lola nyo pag may bago syang sinulid, haha/ http://www.craftsbee.com

Anupaman, ako na lang yata sa amin ang matiyaga pang magsulsi at nagpapa-repair pa, patatawarin… Ang mga kapatid, sanay na rin sa mabilisang pagdi-dispatsa at pagpapalit. ‘Yong usual na katwiran – wala na silang time para sa mga ganoon, sows. Pero, hwag kayo, may time sila para sa primetime telenobela, whehe.

Ang blogger naman dine, di matyaga pag sa TV papanoorin gabi-gabi ang kadramahan. Nanonood din, from time to time, pero sa dyapeyks na DVD, haha. Pag Byernes at Sabado – marathon mode, pampa-eyebag… Actually, di ko alam, nagkaka-eyebag din naman, pag weekdays. Hindi nga lang dahil sa telenobela. Mas dahil sa kapupuyat, ahaha…

 

Anyway, pag primetime na mga palabas, yon naman oras ng lola nyo para dalaw sa repair shops, hihi. O, makikita nyo ako sa sala – nakikipakinig ng TV –  habang nagsusulsi. O, kaya, nananahi sa kamay – habang nakikinig ng music sa Youtube. O, yan, medyo modern na ng onti -YouTube, ahihi. Basta, sa akin, nakaka-relax ang gano’ng routine. Ang boring ko lang na nilalang, true. Nai-enjoy ko pa rin sa buhay parati – ang magtasa ng lapis, hihi. Ganyan me kawagi. At, sabi sa inyo – sinauna;)

 

Image of a girl happily sewing away

Relaxing para sa akin ang pagsusulsi ng damit, parang pagga-garden/ http://www.creative-stitchers.co.uk

 

Pagbati sa inyo, kaway-kaway… :)

 

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 126 other followers